Palabas na si Wilson ng bumungad sa kanya ang hindi inaasahang bisita. Ang abogado ng kanyang ama na si Atty. Mike Lazaro.
"Ano bang ginagawa mo dito, Attorney?" walang imosyong sambit n'ya.
Hindi n'ya gusto ang mga taong may kaugnayan sa kanyang ama na nag pupunta pa sa bahay n'ya. Palibhasa kinalimutan na niya ito.
"Sinadya kita dito dahil bilin ng iyong amang si Don William Sandoval. Kailangan ka n'ya ngayon." sagot nito.
"Bakit di mo puntahan ang mga pamangkin n'ya? Bakit sa akin ka lumalapit ?hindi ba mas mahalaga sa kanya ang mga taong 'yun?" Punong-puno ng hinanakit ang himig niya.
"Wilson, nasa ospital ang ama mo inataki siya sa puso ngayon at na-stroke din.Hindi na siya makapag salita, kaya ako naparito" Saad ng lalaki nito sa kanya.
" Ano naman ang pinagkaiba ko sa mga pinsan kong pinalaki n'ya . Hindi ba mas anak pa ang turing niya doon kisa sa akin? Sila na lang ang lapitan mo! Mas ikakasiya nya iyon kisa ako ang makita n'ya!" tiim bagang niyang sagot sa lalaki.
Kahit nakaratay ang ama,hindi pa rin mawala ang sama ng loob n'ya dito.
" It's my duty to protect my client from exploitation of anyone. That's why I 'm here. Ikaw ang nag iisang anak ng kliyente ko kaya sayo lamang ako magre report ng mga mahahalagang impormasyon. Lalo na kung tungkol ito sa pananalapi at mga ari-arian niya.
"Wala na akong pakialam pa sa ama ko. Kaya pinaubaya ko na sya sa mga pinsan ko. Tutal mapapel naman sila!"
Magbibigay ako ng Spa or special power of attorney para ibigay sa mga pinsan ko ang sole custody para sa aking Ama. Sapat na ba yon?" matigas nyang wika
Wala na kasi syang panahon para pag aksayahan pa ng oras ang ama.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng abogado.
" Mr. Wilson Troy Sandoval, pag isipan nyo munang mabuti ang gagawin mo kapag binigyan nyo silang pahintulot maaring abusuhin nila ito, si Don William may nabanggit sa tungkol sa panloloko sa kanya ng mga pinsan mo. Kaya ipinapahanap ka n'ya sa akin." pagtatapat nito na ikinangisi niyang mapakla.
Sa tinagal tagal sa na panloloko ng ginawa ng dalawang pinsan ngayon lang napansin ng ama niya. Masyado kasi itong bulag sa ginagawa ng dalawa. Samantalang siya konting pagkakamali lang nakikita agad nito at halos isumpa siya kapag nakakagawa sya ng kapalpakan. Bagay na labis na ikinasasama ng loob niya.
'Nasaktan na s'ya ng husto.E- give-up na niya ang pagiging anak nito.
Ngayon pa ba s'ya mag mamaka-awa ng dito kung kailan ayos na ang kanyang pamumuhay?
He had so much money. Pamanahan man s'ya nito o hindi mabubuhay siya ng marangya.
Besides hindi kawalan sa kanya ang kompanya nito.
He learned to stand-up on his own. He became rich and powerful without any help from his father.
"Umh.. Ganun, kaya siya ngayon lumalapit sa akin? dahil alam niyang hindi niya mapagkakatiwalaan ang mga pamangkin n'ya. Kaya n'ya ako naalala. Magaling!" mapaklang ngisi ang kanyang pinakawalan.
Siya tumayo ng tuwid at napapailing.
"Kung maaari sana pumunta na kayo ngayon din sa Maynila. Marami kang dapat ayusin doon. Ikaw lang ang binigyan ng karapatan ng iyong ama sa lahat ng kanyang mga ari-arian, maging sa pagmamahala sa kanyang kompanya.
" Huh! At balak niya pa akong bigyan ng malaking pasanin kung kailan isinuko ko na ang lahat"
" Sige na Mr, Sandoval, sumama ka na akin" muling pangungumbinsi ng abogado ng ama.
"Tanggapin mo sana ang alok ni Don William. Pangalagaan mo sana ang mga pinaghirapan niya at wag mong hayaan na mapunta ito sa kamay ng makasariling tao kagaya ng mga pinsan mo."
"Pag-iisipan ko!" Aniya sa lalaki bago ito iniwan.
---
"Anu ba yan? Nanganganib na tayong mawalan ng trabaho nito!" Wika ni Zyrin habang nagta-type ito sa keyboard.
" Bakit naman?" kunot noong tanong ni Anicah.
Kinabahan siya bigla.
Kakapasok pa lang n'ya sa kompanya magsasara agad?
Humarap sa kanya ang babae bago muling nag salita.
"Paano naistroke ang chairman natin. Bali-balita na sa buong department na kapag nawala si sir William, maaaring mag pull-out ang mga investor ng kompanya at kapag nangyari yon hihina ito at magsasara na!" Nag-aalala na sabi ng babae.
" Bakit naman? Hindi ba nariyan sina Sir Henry at Ma'am Vina Sandoval?"takang tanong niya.
Tingin niya kasi maayos namang mamuno ang vice-president ng kompanya.
" Walang tiwala sa kanila ang ilang investor. Sayang nga, kung narito lang sana si sir Wilson."
"Sino na 'yon?" kunot noo niyang tanong na ikintaas ng kilay ng kausap.
" Hindi mo ba kilala? Grabi ka gurl.. Sya lang naman ang nag iisang tagapagmana ni Don William Sandoval"
". Yon nan pala eh,nasaan ba siya, bakit ayaw niyang pamahalaan ' tong kompanya ng ama niya?"
"Bali-balita dito na ayaw nang bumalik rito ni Sir Wilson. Dahil pinatalsik s'ya dito five-years ago. Sayang nga, ang gwapo pa naman n'ya,"kinikilig na sambit nito.
Nakataas ang sulok ng kilay niya.
" Tsk! Gwapo lang kinikilig ka na?"
"Anu ka ba Anicah hindi lang siya basta gwapo, mayaman pa! malakas ang dating. He is one of a kind. Pangarap siya ng maraming kakaihan. Ang swerte mo kapag pinansin ka niya."pagmamalaking sambit nito.
" Hay, naku Anicah, kapag nakita mo s'ya sa personal, mahuhulog talaga ang panty mo! " dagdag pa ng babae.
Nakanganga lamang sya habang naku-kwento ito. Mukhang hangang hanga talaga ito sa anak ng kanilang chairman.Parang 'na curious tuloy siya kung anong itsura nito.
"Alam mo ba may picture kami" kilig na sambit nito at may kinuha ito sa kanyang drawer.
" Ito Anicah.. Tingnan mo" sabay lapit sa mukha niya ang litrato.
Christmas party iyon, five years ago. Group picture iyon apat na babae at isang lalaki na nasa gitna at naka coat and tie.
Kumabog ang puso niya ng makita ang lalaki. Ka mukhang kasi ito ng asawa niya. 'yon nga lang kagalang galang ito at malayo ang porma sa asawa niya ng sampung ulit. Ngunit ang mukha nila parang iisa ang hulma.
"Hoy.. Tama na. Wag mong titigan baka matunaw" sambit ng babae sabay hila. "Anu naniniwala ka na gwapo talaga ni sir Wilson?"
"Kahawig siya nga asawa ko." komento niya.
Tinawanan siya ng babae. "Jusko ko naman girl. Ang layo ngayon asawa mo rito oh. milya milya. Wag kang ambisyosa. At wag mong ikumpara ang pressident namin sa asawa mong magbubukid.
FYI ang gwapo nito, mabango at malinis! Sa America pa ito nag-aral, eh yung asawa mo?" May panunuya nitong sambit.
Di nagustuhan ng babae ang pagkukumpara niya sa itsura ni Troy na siya namang totoo.
" kaya nga girl.. Nakita ko na din at asawa mo. He's like a farmer. "wika ni Ellen at nasa himig nito ang pangmamaliit sa Alam nitong asawa ni Anicah.
Tinginan sa kanya ang ibang mga ka-trabaho nila.
"Oo nga nman girl pano ka nga pala nagka gusto doon sa asawa mo parang hindi naliligo?" Natatawang sambit ni Rose ann. Isa pa sa mga ka-officemate nilang sosyalera.
" Paano mo nga pala na pagtitiisan ang amoy nun?" Dagdag pa nito.
Hindi na niya pinatulan ang mga kasamahan kahit nais niya na itong sagutin. Marami kasi ang mga ito kumpara sa kanya na nag iisa lang natakot siya na baka pag tulungan siyang ibully ng mga ito.
Sa comport room muna siya huminga.
Habang nakatingin sa salamin ay naaalala nya ang asawa. Galit ito sa kanya dahil kinakahiya nya.
Ito nga nga ba ang iniiwasan nya dati ang mapulaan ng mga katrabaho nyang mga mahadera. Akala niya dati walang pang nakakaalam na asawa niya si Troy, may nakakita na pala sa kanila.
Kinabukasan tahimik siyang pumasok sa opisina. Hindi binati ang mga ito. Nakatuon lamang ang atensyon niya sa monitor.
" Girls narinig nyo na ba ang balita, Mr. Wilson Sandoval is back!" masiglang balita ni Ellen kinikilig pa ito ng sabihin iyon.
Kaya naman na puno ng hiyawan ang kanilang opisina.
" Talaga girl..? Ooy. Goodnews nga yan!! Makikita ko na uli ang dreamboy kooo!"sambit ni Zyrin.
"Aray ko! Bakit?" anang babae.
Hinila ba naman ni Ellen ang buhok nito.
"Go back to your senses girl? Hindi kayo bagay!" Mataray na sambit ni Ellen.
"At bakit kayo bagay ba?" palatak nito.
"Let's see nalang kung sino sa building na'to ang magwawagi kay Sir Wilson."
Hindi na pinansin pa ni Anicah ang mga pantasya ng mga ito. Sa isip niya siguro sa yaman ng kanilang boss for sure kabi-'kabila ang mga babae nito.
Habang excited ang mga kasamahan niya sa pagdating ni Wilson Sandoval siya naman sabik a siyang mag sabado.
Nais niyang bumalik sa farmers village sa probinsya para makasama niya muli ang asawa. And this time, naisip niyang suyuin ito.
Panigurado konting lambing lang ang katapat ng pagmamaldita niya ito noong nakaraang linggo.
.
.