*** Hindi ako maka-paniwala dahil napaka-bilis ng panahon at New Year na. "Ohh! Hahaha! Pano ka na niyan ngayon panget? Talo ka." "Tse, maduga ka kasi." Napailing naman ako dahil nagrarambulan na naman sina Misaki at Haru. Imbis na tumunganga lang ako sa harapan nila ay dumiretso akong kusina, nagulat pa nga ako nung naabutan ko duon si Kiro na nag-aayos ng mga plato. Hindi naman na kami nagpansinan pa at tinulungan ko na lang siyang maghanda ng almusal namin. Hanggang ngayon kasi ay naalala ko pa rin 'yung nangyari nung christmas. Tinawag ko naman silang lahat na sign upang mag-simula na kaming kumain. Today is December 31 and we are gonna celebrate another party. Masaya naman kaming kumain na lahat at bahagya naman din silang nag-kwentuhan ng kung anu-ano. Matapos naming kumain a

