Chapter 1

401 Words
Chapter 1: Friend *** Sa mundong ito, maraming nadadamay na mga inosente na tao nang dahil lamang sa kasamaan na nangyayari. Ang tanong, bakit nga ba napipilitan ang mga taong ito na gumawa ng mga kalupitan sa mundong ito? Pera. 'Yan ang laman ng utak ng mga taong hirap sa kabuhayan na tinatamasa nila. Kaya nilang maging malupit dahil masyado silang nasisilaw sa isang kayamanan upang mabuhay lamang sila. Kaya may patuloy na nagnanakaw dahil hindi lahat ay may kakayahang makakuha ng diploma upang makapag-trabaho at matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw. Napatigil ako sa pag-iisip nang lumapit na sa akin ang babaeng nagaasikaso sa mga papeles ko dito sa papasukan kong school. Napaangat ang tingin ko sa malaking karatula sa labas na tanaw dito dahil sa malaking window glass na nasa harapan ko. Detectives High Academy... Napangiti ako dahil nandito na ako ngayon sa eskwelahan na pinapangarap ko lang noon pa man. Hindi ko akalaing makakatapak ako rito. Walang ibang ordinaryong tao ang nakakaalam sa school na ito dahil tanging kaming mga pinagpala ng ability lang ang may alam. "Ready na ang dorm mo, Miss." Napatango ako sa babae at napatayo na. Ginuide niya ako patungo sa dorm na sinasabi. Nagtaka pa ako nang kumatok ito at sa huli ay namataan kong may kasama pala ako sa loob. Isang babaeng maliit na maganda ang sumalubong sa amin. Nakangiti ito at halatang natutuwang napatingin sa akin. "Hi!" Magana ang kaniyang tono at boses malambing din ito. Ngumiti ako sa kaniya. "Miss Rhiartemise Arabella Francisco. Siya nga pala ang makakasama mo sa dorm niyo." Ani ng naguide sa akin na babae. Napatango na lang ako rito at bago niya kami iwan ay hinatid ang bagahe kong dala sa loob. "Buti na lang may makakasama na ako rito sa loob ng dorm. Wala pa kasi akong kilala rito dahil transferee palang ako. Ikaw ba Nee-san?" Napakunot ang noo ko. Nee-san? "Uhmm, transferee din ako." Maliit na boses kong tono. Napapalakpak pa ito. "My name is Lianna. Nice to meet you." Ngumiti ako at nahihiyang tinanggap ang kamay niya. "Ara na lang ang itawag mo sa akin." Magaan ang pakiramdam ko kay Lianna at alam kong mabuti siyang maging kaibigan. "Friends?" Ani niya. Ngumiti ako at tumango. "Sure. Why not?" *** (A/n:) Hi guys! Sorry dahil sa mga unang chapters nito ay maikli lang muna, pero hindi naman 'yan palagi. Enjoy reading! ??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD