*** "Madalas talagang mag-away ang dalawang mag-asawa diyan kapag gabi. Minsan nga po ay rinig na rinig namin ang pinag-aawayan nila." Agad kaming napatango na dalawa ni Yumiko sa sinabi ng matandang babae. Kasalukuyan kaming nag-reresolba ng kaso ngayon. At ang matandang babae ay isa sa kapitbahay ng mga namatay na biktima kaninang madaling araw. Ayon na rin sa impormasyon na ibinigay ni Haru ay ang namatay na biktima'y nanalo daw ng isang daang libo sa umano'y pagsusugal nito sa online sugalan. "Hmm, feeling ko may tinatago talaga siya, nee-san." Halos kanina pa iyong bukambibig ni Yumiko. Kesyo baka raw ang kapitbahay na 'yon ang pumatay sa mga biktima. Wala pang masyadong clue ang kaso na ito, kaya't kailangan naming mag-imbestiga pa ng mabuti. Napatingin pa ako sa tatlong hinih

