Lauren Point of View Dumeretso ako sa shower room ng gym at naabutan ko si Iris na nagpapalit ng damit. "Sup!" "Kamusta lakad mo?" Tanong nito sabay ngisi. "Tsk!" Asik ko. Lumakad ako papunta sa kinaroroonan ng gym bag ko at kinuha yung t-shirt at short ko. Pumasok ako sa isang cubicle at nag-shower muna ako bago nagpalit ng damit. After 10 minutes natapos na din ako maligo at magpalit kaya lumabas na ko nang shower room, nakita ko yung mga ka teammates ko sa volleyball na nakaupo sa bench kasama si Iris. Speaking of volleyball, isa akong player ng volleyball kaya sikat talaga ako sa school na 'toh. Ako kasi ang pinaka-maganda at sexy na player dito sa school namin.??? Lumapit ako sa kanila. "Lauren bat ngayon ka lang?" Tanong ni Missy. Si Missy ay isa sa mga ka teammates ko, yan a

