Kai Point of View "Nasan ang kwarto ko?" Mataray nitong tanong. Sungit naman ne'to.? "Tara, sasamahan kita." Sabi ko at nauna na maglakad. Nang makarating kami sa kwarto ko, kinuha ko yung gamit nya at nilagay ko sa isang tabing gilid. "Ito ang kwarto natin." Nakangiti kong sabi. Automatic na umikot ang ulo nya paharap sakin. "Anong sabi mo?" Taas kilay nyang sabi. "Kwarto natin." Sabi ko. "What?! Ibig-sabihin sa iisang kwarto tayo matutulog?!" Paktay! Naghe-histirical na sya. Tumango ako at ngumiti ng tipid. "Tama, tabi tayo matutulog. Don't worry walang mangyayari satin." Sabi ko. "Pero kung gusto mo, payag naman ako." Sabay ngisi ko. Hinampas ako nito. "Pervert!" Hahampasin sana ulit ako nito pero mabilis ko syang hinawakan sa kamay, binitawan ko na sya at tumalon sa kama.

