Lauren Point of View Matapos kong bilin yun kailangan ko, lumabas na ko ng mall at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko na papunta sa unibersidad yung kotse ko. After minutes of driving nakarating nadin ako, yung susi at wallet lang ang dinala ko. Yung mga pinamili ko at bag ko ay iniwan ko sa backseat. Naglalakad ako sa hallway ng biglang . . . . "Lauren babe!!" Lumingon ako at nakita ko si Marck na naglalakad papunta sa kinaroroonan ko, habang kasama si Drake at si Drake narin ang may hawak ng bag nya. Alila nya talaga si Drake.? Narinig kong tumili yung ibang student na nandito at yung iba naman ay nagbubulungan. "Oh my gosh, sila naba?!" "Bagay na bagay talaga sila!" "I love you Lauren!" "Whoooo! Ang pogi mo Marck!" "Mas pogi ako!!" Sigaw ni Drake. Natawa naman ako, pati si M

