Lauren Point of View
Pagpasok ko sa bahay, bumungad sakin ang mukha ni Mama at Papa. Base sa itsura nila ay may malaki silang problema.
"Hi ma, hi pa!" Bati ko.
Nag-angat silang dalawa ng tingin at tumingin sa kinaroroonan ko. Ngumiti silang dalawa sa'kin, pero kita mo parin sa mata nila ang problema.
Kunot noong umupo ako sa harap nila. "What's your problem mom, dad?"
Siniko naman ni Mom si Dad, napaayos naman ng upo si Dad at tumikhim muna bago nagsalita. "Anak kasi may malaki tayong problema."
"Tungkol san ba ang problema?" Kunot noong tanong ko.
"Sa company anak." Sagot ni Mom.
"Anong problema sa company Dad?" Tanong ko.
"Lahat kasi na nag-invesment satin ay nagback out na." Mahinang sabi ni Dad.
Huh?
"Anak malapit ng bumagsak ang company natin." Sabi ni Mom.
Bigla akong nanghina sa sinabi ni Mom. "Ano ang sulosyon para maiahon ang kompanya?"
"Magpakasal ka." Diretsang sabi ni Dad.
Bigla akong napatayo. "No!"
Natauhan naman ako kaya naupo ulit ako. "Sorry po."
"It's okay anak, alam kong nabigla ka." Sabi ni Dad habang nakangiti pero sa ngiti nya ay halatang may problema sya.
"Diba si ate may alam dyan sa company nyo dad? Baka kaya nyang iahon ang company." Sabi ko.
"Anak kung si Daddy mo nga hindi maiahon, ang ate mo pa kaya." Malungkot na saad ni Mom.
Hyst!
"Mom ayun nalang ba talaga ang paraan?" Nanghihina kong tanong.
"Oo anak." Nagbaba ito ng tingin.
Tumayo ako. "Pag-iisipan ko."
"Wag kang mag-alala anak, mabait sya at hindi ka sasaktan." Sabi ni Dad.
"Pa'no nyo nasabi?"
"Hindi naman sya lalaki." Huh? Anu daw?! "Anak lesbian ang papakasalan mo."
Parang umikot ata ang mundo ko dahil sa narinig ko, naupo ako. Limang minuto ata ang nakalipas bago ako nakapagsalita.
"Nahihibang naba kayo Dad?!" Inis kong tanong.
"Sorry anak." Nakita ko ang namumuong luha sa mata ni Dad. "Sorry anak kung nadadamay ka sa gulo nito."
Mahalaga kasi kay Dad ang company na iyon, bago kasi pumanaw si Lolo at Lola ay nagbilin sya kay Daddy na wag papabayaan ang company at wag hahayaan na maghirap kami. Isa pa solong anak lang si Dad kaya wala akong pinsan sa side ni Dad, si Mom naman ay may kapatid kaso tumandang dalaga, kaya ang ending . . . wala akong pinsan ni isa.
Tumayo na ko at tumakbo paakyat sa kwarto. Nilock ko agad yun at sumampa sa kama.
Bwiset!
Bat nangyayari ito sa pamilya ko?!!!!
Kai Point of View
Halos late na akong nakauwi sa bahay dahil ang dami pa lang gawain dun sa university, akala ko madali lang.
Nasa gate palang ako pero tanaw na tanaw ko na si Manang sa main door. Pinarada ko na yung kotse ko at lumapit na kay manang.
"Manang bat hindi pa po kayo natutulog?" Tanong ko.
"Hinihintay kasi kita hija." Sabi nito.
"Matulog na ho kayo." Sabi ko.
"Kumain kana ba? Gusto mo bang ipaghain kita?" Tanong nito.
"Wag na manang, kumain na ko, kanina pa." Sagot ko.
"Oh sya, matutulog na ko ah. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." Sabi nito at pumunta na sa kanyang kwarto.
Pumasok na ko at sa kwarto na ko dumertso. Siguro nagtataka kayo kung bakit ganun si manang sakin.
Si Manang kasi ay matagal ng nagsisilbi samin, personal maid namin sya ni Gail nung bata pa kami. Halos 20 years ng nagsisilbi samin si Manang, thankful nga ako kahit hindi nya ko anak ay tinuturing nya kong parang anak. Alam din ni manang kung ano ako at tanggap nya naman iyon. Bago pumanaw sila Dad at Mom ay pinagbilin nila ako kay manang kaya todo alaga talaga sakin si manang.
Lauren Point of View
*TOK!*TOK!*TOK!*
Ano ba yan! Nagdadrama pa ko eh.?
Napilitin akong tumayo dahil hindi tumitigil sa pagkatok yung tao. Sino ba 'tong istorbo na ito?!?
Binuksan ko yung pinto. Jusq! Si ate Bianca lang pala. "Bakit ate?"
"Pwede ba tayo mag-usap?"
Tumango ako at niluwagan ang pagbukas ng pinto para makapasok sya, pumasok naman sya kaya sinara ko na yung pinto at sumunod sa kanya.
Nakaupo sya sa swivel chair ko, umupo naman ako sa bed ko. "Tungkol saan ang pag-uusapan natin ate Bianca?"
"About sa company." Seryoso nitong sabi.
"Anong meron?" Tanong ko kahit alam ko naman.
"Sinabi sa'kin ni mama ang problema." Sabi nito.
"Then?" Tanong ko.
"Tutulungan moba sila?" Tanong nya habang nakatitig sa mata ko.
Umiwas ako nang tingin. "Hindi ko alam."
Hinawakan nito ang magkabilang kamay ko kaya napatingin ako. "Sis alam kong mahirap, pero sana naman gawin mo 'toh, kahit hindi na para sa company, kahit para kay Mama at Papa lang."
Binawi ko yung kamay ko. "Matulog kana ate Bianca."
Humiga na ko at nagtalukbong ng kumot. Narinig ko muna ang pagbuntong hininga nito bago tumayo sa kama ko.
Bago sya lumabas ay narinig ko ang huling sinabi nya. "Sana gawin mo sis, para kay mama." Huling sabi nya at tuluyan ng lumabas.
Hyst!
Ano bang dapat kong gawin?
Gagawin koba ang pinapagawa nila?
Nangako ako na gagawin ko lahat ng hilingin nila pero parang sobrang hirap naman neto.
THANK YOU FOR READ MY STORY