Kai Point of View Pag-gising ko inayos ko agad yung sarili ko. Matapos kong ayusin yung sarili ko, lumabas na ko at pumunta na sa classroom nila Lauren. Pagpasok ko nakita ko agad si Ms. Cruz na nakatingin sa mga estudyante. Mukhang terror talaga si Ms. Cruz. "Ehem!" Tikhim ko. Napatingin naman silang lahat sa sakin, pati narin si Ms. Cruz. "Oh Ms. Stanford, maaari naba akong umalis?" Tumango lang ako at naupo na ko sa upuan ko. Umalis narin si Ms. Cruz. Napatingin ako kay Lauren at nakita kong nakatingin din sya sakin. Nang tumingin ako sa kanya ay inirapan nya lang ako, natawa tuloy ako nang bahagya. Ang cute nya pala kapag naiinis. "Tapos naba lahat?" Masungit kong tanong. "Yess Ms. Stanford!" Sagot nilang lahat pwera kay Lauren. "Ipasa sa harap." Utos ko. Sinunod naman nila

