Kai Point of View Pagtapos namin ni Gail mag-lunch, bumalik narin sya sa Hospital, habang ako ay bumalik na sa unibersidad. Dumeretso ako sa classroom 1B dahil doon ang class ko. Pagpasok ko dun, napakatahimik at napaka-payapa. Siguro dahil highest section kaya may disiplina at tahimik. Iba't-ibang math problem ang tinuro ko sa kanila tas pinagsulat ko. Maya't-maya tumunog na yung bell. "May quiz tayo bukas, be ready." Malaming kong saad. Lumabas na ko habang dala-dala ang isang libro at cellphone ko. Papasok na sana ako sa loob ng office ko nang biglang may humila sa kamay ko at hinatak ako papunta sa isang gilid. Nang bitawan nito ang kamay ko, tsaka ko lang nalamang kung sino ito. "Bat kaba nanghihila?" Kunot noong tanong ko sa ASAWA ko.? "May itatanong sana ako sayo." Mahinahon n

