ERINAS’S POV MATAPOS KUMAIN AY NAIWAN KAMING DALAWA NI JAKE SA SALA. Naging maayos ang pagtanggap ng kanyang Mommy at Daddy sa lalaki na labis kong ikinatuwa. Kanina lang ay malungkot ako ngunit ngayon parang kulang na lang ay sumabog ang dibdib ko sa labis na kasiyahan. “Hindi ko alam na pupunta ka dito sa amin. Paano mo nga pala natunton ang bahay namin?” “Sabi nga nila, kapag gusto may paraan.” Ngumiti ito at nakita niya muli ang tanawing iyon. Hindi niya yata kayang pagsawaan ang mga ngiti nitong kabigha-bighani. Nakakatunaw at nakakasigla ng pakiramdam. “So, ginusto mo talagang pumunta dito ngayon kahit gabi na? Paano kapag nalaman ni Tita - ” “Nagpaalam na ako kay Tita bago pumunta dito. Gusto ko rin kasi pormal na magpakilala sa Mommy at Daddy mo.” Titig ito sa aking mga mata.

