ERINA’S POV MAGKASAMA KAMI NI MYRA NA PUMUNTA SA PLAZA. May basketball court nga roon at pagdating nila ay halos mapuno na ng mga manonood. May isang grupo sa bandang kaliwa na puro kababaihan at may mga dala pang pompoms. Tiyak na mag tsi-cheer ang mga ito. “Ganito ba sa inyo kapag may laro ng basketball? Parang fiesta kung dumugin ng mga tao,” aniya sa katabing kaibigan. “Siyempre, si Jake ang maglalaro.” Napakunot-noo siya sa sinagot ni Myra. “Dahil kay Jake?” nagtataka niyang tanong. “Yep. Malalaman mo mamaya,” ani pa nito. “Erina, si Jake oh!” Sinundan niya ang kamay nitong nakaturo sa gawing kanan. Si Jake kumakaway sa kanila. Nakasuot ito ng jersey na lalong nagpatingkad ng maputi nitong kulay. Kapansin-pansin ang numerong zero-nine sa suot nito. Hawak ang bola habang nakang

