ERINA’S POV ISANG SIMPLENG RED DRESS ANG SUOT KO. Below the knee naman iyon kaya siguradong hindi naman ako nakaramdam ng pagkailang habang kasama si Jake. Hindi na ako tumanggi pa nang hawakan nitong muli ang kamay ko habang naglalakad kami palabas ng subdivision. “Pasensiya ka na Erina. Wala pa sasakyan kaya magko-commute tayo ngayon,” anito na lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. “Ayos lang sa akin. Gusto ko nga ma-experience ‘yung ganito eh. Madalas kasi kapag may pasok mayroon akong hatid-sundo. Hindi ko tuloy ma-feel kung paano bumyahe mag-isa.” “Hindi ka naman talaga magko-commute mag-isa kasi lagi mo akong kasama.” “Sabi mo eh,” pagsang-ayon niya sa lalaki. Ngumiti lang ito saka tumawag ng taxi. “Bakit?” tanong nito nang makita ang pagsalubong ng mga kilay ko.

