ERINA’S POV THE WORLD IS GETTING HAPPIER EVERY DAY. Paano ba naman kasi kahit busy kami pareho ni Jake sa mga studies ay naglalaan pa rin kami ng oras sa bawat isa. Suportado ako ni Mommy at Daddy na lalo pang nasiyahan sa sayang hatid sa akin ni Jake. Si Myra naman lagi na lang parang kinikiliti sa tuwing makikita silang magkasama o magkatabi man lang. Pakiramdam ko ay mas nakapag-focus pa ako sa pag-aaral. May ngiti sa labi akong gigising at ganoon din sa pagtulog. Ang dapat ay hanggang limang minuto lang na pag-uusap sa gabi ay nauuwi sa isang oras. Kapag walang pasok si Jake ay agad akong pinupuntahan sa bahay para makapag-bonding kami. Kapag nadadatnan niya akong may ginagawang homeworks o di kaya’y projects ay tinutulungan pa ako. Lagi rin itong may dalang bulaklak na halos ikata

