Chapter 14

1554 Words
Yerin's POV "Taehyun, bisitahin daw natin Lolo Jung-in sa kaniyang resort" sabi ko kay Taehyun habang naghahapunan kami. "Kung hindi ka makakasama, okay lang. Sasabihin ko nalang sakaniya na hindi ka makakapunta." dugtong ko. Last time kase na pinapunta kami dun, hindi siya sumama kase busy siya sa work. "Kailan ka pupunta?" Tanong niya. "Sa weekend." sagot ko naman. "Pwede bang pumunta tayo sa day off ko?" -Taehyun. Napatingin ako sakaniya na nakatingin din pala sakin. Umiwas ako ng tingin. Ewan ko ba, nitong mga nakaraan naiilang ako sakaniya. Siguro dahil aminado na akong gusto siya. "Um.. ikaw. Kailan ba ang day off mo?" Tanong ko habang pasulyap-sulyap lang kaniya. "Mmm... I guess next week may day of kami" -Taehyun. Tumungo lang ako sakaniya bilang pagsang-ayun saka tahimik na nagpatuloy sa pagkain. >>>>>>>>>> "Lo!" Tawag ko kay Lolo Jung-in nang makalabas ako ng kotse. Sinalubong niya naman ako. "Andiyan na pala kayo" Niyakap ko siya saglit at nakangiting tumingin sakaniya. "Kumusta po?" Agad kong tanong. "Mabuti naman ako Apo, Kayo? Kailan niyo ako bibigyan ng Apo sa tuhod" sabi niya. "Lolo..." Sita ko sakaniya. Everytime kukumustahin ko siya, yun na yun na idudugtong niya. Ngumiti lang siya ng pang-asar na ngiti sakin. "Buti nakasama si Taehyun" sabi niya nang makita si Taehyun na papalapit samin. "Opo" -Yerin. "Kumusta po Lo?" Nakangiting tanong ni Taehyun sa Lolo niya nang tuluyang makalapit. "Namiss kita Apo" nakangiting sabi naman ni Lolo Jung-in saka niyakap si Taehyun. "I miss you too Lolo" sabi ni Taehyun sakan niyakap pabalik si Lolo Jung-in. Nafe-feel ko talaga na miss na nila ang isa't isa. Para tuloy akong naiiyak hay. Lolo ni Taehyun si Lolo Jung-in. Ofcourse naging Lolo ko na din dahil asawa ko si Taehyun. Siya nalang ang natitirang grandparent namin. Wala na kase si Lola at Lolo sa sa side namin at wala nadin si Lola Serra sa side nila Taehyun. "Siya kumain na tayo. Nagugutom na ako kakahintay sa inyo" sabi ni Lolo nang matapos silang magkayapan. "Lolo, bakit niyo pa kami hinintay, pwede namang mauna napo kayong kumain" sabi ko. Tanghali na kase kaming dumating. "Gusto ko kayong makasabay kumain kaya tara na" sabi niya lang saka niya kami inakbayan ni Taehyun papasok sa loob ng resort. Nasa pagitan namin siya ni Taehyun. "Andami niyo namang pinahanda Lolo" sabi ko nang makarating kami sa dinig area. Punong-puno ng pagkain ang isang katamtamang pahaba na lamesa. "Syempre, hindi pwedeng hindi kayo mabusog. Tsaka tingnan niyo" tinuro niya pa kaming dalawa ni Taehyun. "Ang payat-payat ninyong dalawa. Pano ako magkakaroon ng Apo sa tuhod niyan" tuloy-tuloy niyang sabi. Saan niya naman nakuha ang koneksiyon sa pagitan ng pagiging payat at sa pagkakaroon niya ng Apo sa tuhod. Hindi naman kami payat ni Taehyun. Sadyang gusto niya lang mang-asar. "Lolo..." Sita ko nanaman ulit sakaniya. "Bakit mo ba ako sinisita Yerin apo, gusto ko lang naman magkaroon ng Apo sa inyo" malumanay niyang sabi saka kami umupo sa upuan. Feeling ko mas lalo pa akong namula sa sinabi niya. Ni hindi ko magawang sulyapan si Taehyun. "Magkakaroon narin naman po kayo ng Apo sa tuhod kay Ate Emily" sabi ko nalang. "Iba ang magiging Apo sa kaniya at sa inyo. Hahayaan niyo ba akong mawala sa mundong ito nang hindi ko nakikita ang Apo ko sa inyo?" Tanong niya pa. *Katahimikan* Mas nagiging madaldal ata siya ngayon. Tiningna ko si Taehyun na nakatingin din pala sakin. Pinilit kong hindi mailang at hindi umiwas ng tingin. Sinenyasan ko siyang kausapin niya ang Lolo niya. Pero nakangiting nagkibit balikat lang siya sakin. "Kumain napo tayo Lo, hindi po ba nagugutom na kayo? " pang-ibaba ko nalang sa usapan dahil mukhang ayaw atang magsalita ni Taehyun. "Gusto niyo po ng rice?" Saka ko kinuha ang isang platter ng kanin at nilagyan siya sa plato niya. "Ano pong gusto niyong ulam? Shrimp? Chicken? O gusto niyo yung fish?" "Kahit ano Apo" nakangiti niyang sabi. Mukhang nadala ko ata siya sa pag-iiba ko ng usapan. Nilagyan ko ang plato niya ng Creamy Garlic Shrimp at Grilled chicken. "Kumain napo kayo" nakangiti ko sabi matapos lagyan ang plato niya. "Salamat Apo" saka siya kumain. Mukhang nagugutom na nga siya. Maglalagay na sana ako ng pagkain sa plato nang lagyan ni Taehyun ng kanin ang plato ko. Napatingin nanaman ako sakaniya. Sumulyap lang siya sakin. "Ako na" sabi at akmang kukunin sakaniya ang platter. "Mmm" -Taehyun. Sabay iling kaya hinayaan ko nalang siyang lagyan ang plato ng pagkain."Anong gusto mong ulam?" Tanong niya pa. "Mmm..." Tiningnan ko ang mga ulam na nakahain. "I want that chicken adobo" -Yerin. Tahimik niyang nilalagyan ng chicken adobo ang plato ko. Hindi ko alam kung anong nakain niya at bigla siyang ganito ngayon. Ito na ata ang kauna-unahang beses na nilagyan niya ako ng pagkain sa plato. O baka naman ganito lang siya ngayon dahil gusto niyang ipakita kay Lolo na caring siya pagdating sakin. Caring person naman talaga si Taehyun but not all the time. Pero kahit ganun, gugustuhin ko parin siya although hindi siya caring all the time. "Yerin..." -Taehyun. Narinig kong ngumiti siya. Saka ko na-realize na nakatingin pala ako sakaniya habang naglalakbay ang isip ko. Napapahiya akong umiwas ng tingin. "Cute" rinig kong sambit niya. Hindi ko tuloy mapigilang lingunin siya ulit. Tumingin naman siya sakin. "Kumain kana" malumanay niyang sabi saka siya nagsimulang kumain. *Dub dub dub dub dub dub* (heartbeat) I think... I'm inlove... >>>>>>>>>> Pagkatapos naming kumain, namasyal kami dito sa garden ng resort. Magkakasama parin kaming tatlo. Magkasabay kaming naglalakad ni Lolo habang nakasunod lang samin si Taehyun. "Wow angganda parin ng mga bulalak dito Lolo, mukhang naaalagaan po ninyo ng mabuti" komento ko nang makarating kami sa area kung saan hitik sa bulalak ang mga halaman. "Kailangang alagaang mabuti Apo, baka dalawin at sermonan ako ng Lola Serra mo sa panaginip ko" sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi "Sisermonan po kayo ni Lola Serra sa panaginip niyo?" Natawa nalang din siya sa tanong ko. Actually silang dalawa ni Lola Serra ang may-ari ng resort. At mahilig si Lola Serra sa bulaklak kaya pinataniman niya ng iba't ibang bulalak ang isang area nato. Dito siya namamalagi dati nung buhay pa siya. "Namimiss ko na ang Lola Serra niyo" malungkot niyang sabi habang patuloy kami sa paglalakad. "Namimiss narin po namin siya, Lo..." -Yerin. Napansin kong nalungkot siya nang maalala ang dating asawa. "Angganda talaga ng mga bulalak. Pwede po ba akong pumitas Lo?" Pang-iiba ko sa usapan. Tumingin siya sakin at ngumiti. "Magpaalam ka muna sa Lola Serra mo" tinuro niya ang langit. "Lola, pipitas po ako ng bulaklak ha" sabi ko habang nakatingin sa langit. Natawa nalang si Lolo sa inasal ko. Pumitas ako ng cannonball flower saka nilagay sa gilid ng tainga ko. "Lolo, maganda po ba ako?" Tanong ko nang humarap ako sakaniya. "Kailan ba naging pangit ang Apo ko" tawa niyang sabi. Ngumiti ako. "Thank you Lo..." Pumitas ulit ako ng isang pang flower. "Dapat lagyan ko din po kayo" saka nilagay sa tainga niya ang pinitas kong bulaklak. "Ginagawa mo namang akong bakla Apo" sabi niya pa. "Mmm" umiling ako. "Never po kayong magiging bakla Lo. Nagkaroon nga kayo ng gwapong Apo" sinulyapan ko si Taehyun, pahiwatig na si Taehyun ang tinutukoy ko. "Kung ganun... dapat gwapo din ang magiging apo ko sa inyo, okay?" -Lolo Jung-in. Napatigil ako saglit. Kailan kaya mawawala sakaniya ang pagkakaroon niya ng Apo sa tuhod samin. "Opo naman Lo..." Nakanigiti ko nalang sang-ayun sakaniya. "Dapat lagyan mo din si Taehyun" sabi niya. "Po?" -Yerin. "Sabi ko lagyan mo din ng bulaklak sa tainga si Taehyun. Hindi pwedeng tayo lang ang meron, tapos siya wala." Ulit niyang sabi. Narinig ko naman talaga ang sinabi niya. Sadyang di ko lang en-expect na palalagyan niya rin si Taehyun. Napapahiya akong ngumiti "Opo nga naman" sabi ko nalang saka pumitas ulit ng bulaklak. Hinarap ko siya para ilagay sa tainga niya ang bulaklak. *Dub dub dub dub dub dub* Ayun nanaman ang ngakakarerang t***k ng puso ko. Nagdalawang-isip pa ako kung ilalagay ko ang bulalak sa tainga niya o hindi. Simpleng paglalagay lang naman ang gagawin ko pero bakit parang ang hirap gawin. Pinilit kong hindi tumingin sa mga mata niya pero binigo ako ng mga pasaway kong mata. Akmang ilalagay ko na ang bulalak sa tainga niya nang hawakan niya ang kamay ko. *Dub dub dub dub dub dub dub dub dub dub* Mas lalo tuloy'ng bumilis ang t***k ng puso ko. Inalalayan niya ang kamay ko hanggang sa malagay sa taing niya ang bulaklak. Hindi niya parin binibitawan ang kamay ko pagkatapos nun. "Are you okay, Yerin?" Tanong niya na muntik ko ng hindi marinig dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. "H-ha?" -Yerin. Babawiin ko na sana ang kamay ko para mabitawan niya nang hawakan niya ito ng mahigpit. Napatingin tuloy ulit ako sakaniya. "O-ooh o-okay lang ako" pinilit kong ngumiti sakabila ng kabang nararamdaman ko. Hindi ko akalain na ganito nalang ang kabang mararamdaman ko ngayong kaharap ko siya. Kita ko paano naningkit ang mga mata niyang nakatingin sakin saka ngumiti. "Easy Yerin... I can hear your heartbeat" sabi niya na nagpalunok sakin. A/n: Confession sana yung isusulat ko sa Chapter nato kaso mukhang napahaba ata ng imagination ko pagkakaroon ng kaba ni Yerin HAHAHAHA. Thank you for reading ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD