Chapter 8

1324 Words
Taehyun's POV Mula sa di kalayuan, napansin ko ang di karamihamg mga taong nagtitipon-tipon. Nahagilap naman ng mga mata ko si Yerin dahil saulo ang suot niyang damit. Kausap niya si Mr. Ahren. Nanliit ang mga mata ko habang tinitingnan sila. Parang ansaya nilang mag-usap ah. Walang masyadong tao sa restaurant bukod sa isang lugar kung saan sila nagtitipon-tipon. Nakita ko rin sina Aria, Ms. Lily at Ms. Reena. Mukhang mga kaibigan lang ata ni Mr. Ahren ang nandito dahil wala akong makitang iba na mas matanda kaysa sakanila. Umupo nako sa isang table at nilapitan naman ako ng isang waiter. "May I take your order, sir?" Tanong nito. "Just give me some water, please" sabi ko nalang dahil wala naman akong balak mag-order. Naka-cap at naka-mask ako para walang makapansin sakin agad. Umiinom lang ako habang naghihintay sa hindi ko alam kung anong hinihintay ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako nandito. Ang naisip ko lang ay sundan si Yerin. Hindi ko kase mapigilang isipin siya habang wala siya sa bahay. Ilang minuto na ang lumilipas at nandito parin ako, lihim na nagmamasid. Kumakain ata ng dessert si Yerin. Maya-maya may nagpatugtog ng piano. Nagsitayuan naman ang ibang guest para mag-slow dance. Nangunot ang noo ko nang yayain ni Mr. Ahren si Yerin. Tinanggap naman ni Yerin ang pagyayaya nito. Tsk! Nagsimula na silang sumayaw. Nakapatong ang dalawang kamay ni Yerin sa mga balikat ni Mr. Ahren habang nakalagay naman ang mga kamay ni Mr. Ahren sa bewang ni Yerin. Iniwas ko ang tingin ko at suminghap. Kailangan kong i-relax ang sarili ko dahil parang magagalit na ata ako sa selos. After ng mga ilang minuto, sumulyap ako. Nagtaka ako nang makitang wala na sila sa lugar kung saan sila sumasayaw kanina. Nagpalingon-lingon ako, sinusubukang hagilapin sila ng mga paningin ko. Nakita ko naman silang dalawa, papalabas ng restaurant. Napakunot-noo nanaman ako. Saan sila pupunta? Tumayo nako at sinubukang sundan sila. Pumunta sila sa isang cottage dito sa may tabing-dagat. Hindi tulad ng ibang cottage, may design at mas maliwanag ang cottage na pinuntahan nila. Nagtago ako sa isang puno ng niyog. Medyo madilim dito kaya hindi nila ako mapapansin agad. Sakto lang ang layo sakanila, tahimik naman bukod sa mumunting alon at mahinang hangin. Maririnig ko parin sila kung ano man ang pag-uusapan nila. "Angganda naman dito Ahren" compliment ni Yerin at inilibot ang paningin sa buong cottage. Maganda nga ang design ng cottage, para silang nasa isang romantic movie. "Yerin" tawag ni Mr. Ahren at tumingin naman sakanya si Yerin. "Mmm?" Ngumiti si Yerin. " Ano bayun Ahren?" Parang nag-iipon muna ng lakas ng loob si Mr. Ahren bago paman niya sabihin ang kung ano mang sasabihin niya. Napaisip ako. Tingin ko, may kutob na ako kung ano ang possible niyang sasabihin kay Yerin. Isipin niyo, maaring dinala ni Mr. Ahren si Yerin dito para mag-usap silang dalawa. As usual, ganito ang kadalasang nangyayare kapag magco-confess ang isang tao ng nararamdaman niya para sa isang tao. "Ano ba kase yun?" Inosenteng tanong ni Yerin ulit. Hindi ko alam kung wala ba talagang naiisip si Yerin sa kung anong nanyayare o nagpapanggap lang siyang inosente. She's smart enough to analyze the situation. "Yerin... Can I court you?" Sabi ni Mr. Ahren kasabay ng paglabas niya ng isang maliit na box, isang jewelry case. Binuksan niya ito sa harap ni Yerin. Unti-unti namang nawala ang ngiti ni Yerin, halatang nagulat. Hindi nako nagulat. Kung magpo-propose si Mr. Ahren, malamang singsing ang lalamanin ng box. Pero dahil manliligaw palang siya, maaring bracelet or necklace ang laman ng maliit na box. "Ahren..." Matagal bago ulit nakapagsalita si Yerin. Mukhang may pagdadalawang-isip na tanggapin ang binibigay ni Mr. Ahren. "Hayaan mo muna akong maligaw sayo, okay?" Pangunguna at malumanay na sabi ni Mr. Ahren. Hinawakan niya ang kamay ni Yerin at nilagay dito ang maliit na box. "Alam kong hindi kapa handang suotin to kaya itago mo muna" sabi niya kay Yerin. "Hahayaan mo ba akong manligaw sayo?" Panunuyo pa nitong sabi. "Ahren..." -Yerin. Wala na ata siyang ibang masabi. "Please Yerin..." -Mr. Ahren. "Alam mong hindi ko kayang humindi sayo ngayon" -Yerin. Natahimik ang isipan ko. Wala akong masabi. Hindi ko alam pero iniisip ng isipan ko na gusto niya si Mr. Ahren kaya hindi niya kayang humindi dito. Pumapayag siyang ligawan nito. Pakiramdam ko bumagsak lahat ng cells ko sa katawan. Bigla akong nanghina. Nagdecide nalang akong umalis na at wag na silang pakinggan. "Sir Taehyun" Nagbalik ako sa wisyo nang marinig ang boses ni Manong Joe. Hindi ko man lang namalayan na narating ko na pala ang parking lot. "Pakihatid nalang ng safe si Yerin, mauuna napo ako" sabi ko nalang sakaniya at pumasok na sa kotse ko. Tuluyan nakong umalis. Pagdating ko sa bahay, naisipan kong pumunta sa dance studio. Hindi rin lang naman ako makakatulog agad kakaisip kaya magpa-practice nalang ako ng sayaw para malibang. Yerin's POV Alas dyes nang magpaalan ako kaya Ahren na uuwi na. Pagkauwi, naligo na agad ako. Ofcourse pagtapos maligo lumabas nako ng banyo. Napansin ko ang higaan namin ni Taehyun, walang tao. I was expecting na makikita ko siyang tulog nang pumasok ako kanina sa kwarto, pero hanggang ngayon wala parin siya dito. I wonder where did he go. Maybe at his dance studio? Kase hindi ko naman siya nakita sa sala kanina. Umupo nalang ako para mag hair dryer. After ko mag hair dryer, kinuha ko ang bag na dinala ko kanina. Pagkabukas ng bag, napansin ko ang maliit na box na binigay ni Ahren sakin kanina. Seeing this little thing makes me remember what just happened. Napabuntong hininga ako. Nahahalata ko ng may gusto sakin si Ahren noon pa. Kaya minsan dumedistansiya ako sakanya. But he keeps making me feel that he truly cared for me. He's worth it to love but I'm not deserving for his feeling. Honestly, gusto ko rin si Ahren. Let's say that I have 20% out of 100% feelings for him. Pero sa tuwing maiisip ko ang status ng buhay ko ngayon. Feeling ko, mali ang magkagusto sakaniya. I know that my parents and Taehyun's parents give us the freedom to tell who we wanted for life but the fact that I'm married makes me feel that loving another guy is wrong. Isa pa, I'm married to Taehyun because that's what my parents want. After all, walang parents ang gustong mapasama ang kanilang anak kaya gusto ko silang sundin. Tsaka feeling ko din kase, hindi ko kaya ipagpalit si Taehyun bilang asawa, kahit wala naman kaming pagtingin sa isa't isa. It's better to be practical. That's why I decided to be his friend no matter what. Pero hindi ko lang talaga siya kayang i-reject kanina kase birthday niya. I don't want to put a memory of rejection on his birthday. May ibang araw pa naman. Rinig kong bumukas ang pinto. Pumasok si Taehyun. Mukhang galing nga siya sa studio, pawisan siya. "Is it yours?" Tanong niya habang naglalakad papasok. Napansin niya ata ang jewelry case na hawak ko. "Someone gave it to me" sagot ko naman. "Did Mr. Ahren gave it to you?" Tanong nya ulit. "How did you know?" Medyo nagulat ako sa tanong niya. "Pumunta ka sa birthday ni Mr. Ahren diba?" Sabi niya, then he smirked. "Pumunta ka sa birthday niya pero ikaw ang nakatanggap ng regalo" sabi niya pa saka siya pumasok sa banyo para siguro maligo. I don't know pero parang ang cold ng pagkakasabi niya nun. Is he jealous? Impossible. Ayaw kong maniwala na nagseselos siya kaya ganun ang tuno ng pananalita niya. Siguro, pagod lang siya. Inayos ko na ang mga gamit ko saka ko nagpag-desisyonang matulog. A/n: Pasensya na sa lame update but I hope you still enjoy it. Thank you so much for reading and hope you'll read and support untill the end~ I'm sorry nga po pala ulit sa typos at grammatically errors. Kamsaranghae ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD