Chapter 10

1242 Words
Yerin's POV Nandito kami ngayon sa isang garden ng accomodation na pinag i-stayhan namin tonight, nagpapahinga. "Everyone" tawag ni Beoumgyu sa lahat habang nakatayo. "Dahil wala naman tayong ginagawa, maglaro kaya tayo" anunsiyo niya, mukhang nabo-bored ata siya. "Ano namang laro yun Beomgyu?" Tanong ni Yeunjun, mukhang naging interesado sa sinabi ni Beomgyu. "Mmm... Gusto ko kase ma-experience yung spin the bottle na napapanood ko sa mga movie. Pwede ba natin laruin yun? Sinong game?" Tuloy-tuloy niyang sabi sabay taas ng kamay niya. Pero walang nagsalita. "It's a Truth or Dare game guys" sabi niya ulit. "Game" this time, nagsalita si Aria sabay taas ng kamay niya. "Game" sabi naman ni Yeunjun. "Game din ako" -Lily "Game here" -Soobin *Katahimikan* Apat nalang kaming hindi nagtataas ng kamay. Ako, si Ahren, si Taehyun at si Reena. "Game" napatingin ako kay Ahren nang magsalita siya. Hindi ko in-expect na sasali siya sa game. "Okay, mukhang wala ng may balak magtaas ng kamay but the majority wins! Kaya maglalaro parin tayong lahat. Walang kill joy guys please..." Sabi ni Beomgyu at tiningnan kaming tatlo. Akala ko, silang mga nagtaas lang kamay ang maglalaro pero isasali niya din pala kami. We all gathered to make a circle, ganun naman talaga ang dapat na position kapag mag i-spin the bottle. Wala nalang umangal saming mga hindi nagtaas ng kamay at sumunod nalang. Nakaupo kami in a circle. Bago namin sinimulan ang game, nagpahayg muna ng rules. Truth or Dare - spin the bottle game. Kung saan tututok ang ulo ng bottle, siya ang magtatanong ng Truth or Dare. At kung saan tututok ang paa ng bottle, siya ang sasagot sa tanong ng Truth or gagawa ng i-de-dare sakanya. Truth rules: >Kailangan sagutin ng totoo ang tanong shempre. >Pwedeng magtanong ng personal. >Pwedeng magfollow-up question. >Kapag hindi nasagot ang tanong, simple lang ang parusa, do-drawingan sa mukha gamit ang white board marker. Dare rules: >Kailangan sundin ang i-uutos shempre. >Kapag hindi nagawa ang dare, simple lang ang parusa, do-drawingan sa mukha gamit ang white board marker. Ini-spin na ni Beomgyu ang bote sa gitna namin. Huminto ang bote. Nakatutok ang ulo nito kay Reena at nakatutok naman ang paa nito kay Beomgyu. "Hay, bakit si Ms. Reena pa" naka-pout niyang sabi. Nagrereklamo. "Ikaw ang nag-isip ng game nato kaya wag kang magreklmo, sege na Ms. Reena" sabi ni Yeunjun. "Truth or Dare?" Simula ni Reena. "Dare" -Beomgyu Mukhang nag-isip muna si Reena. "I dare you to eat two cookies in one bite" sabi ni Reena. "Oooohh" hiyaw ng mga ka-member niya. Siguro nalaman ni Reena na kukunti-kunti lang kapag kumakain si Beomgyu. It's true, Beomgyu only eats a little piece of his food that's why it takes him to finish his food in many bites. I heard it from their past interview. Kumuha si Beomgyu ng dalawang cookies sa isang box ng cookies malapit sakanya. "Hindi porke kukunti-kunti lang yung kinakain ko kapag kumakain ako ng ganito, e hindi ko na kayang kainin ang dalawang cookies nato sa isang kagat lang" pagmamayabang na sabi ni Beomgyu. Saka niya pinilit nilagay ang dalawang cookies sa bunganga niya at nginuya. Nagtawanan naman kami sa asal niya. Nagawa ni Beomgyu ang dare ni Reena. "Next!" Inikot ni Soobin ang bote. This time, huminto kina Yeunjun at Ahren ang bote. Si Yeunjun ang magtatanong ng Truth or Dare. "Truth or Dare?" -Yeunjun "Truth" -Ahren "Okay... Ano kaya magandang itanong. Mmm, may girlfriend kanaba Mr. Ahren?" -Yeunjun Ngumiti si Ahren "Wala pa...pero malapit na" pansin ko ang pagsulyap ni Ahren sakin pagkasabi niya nun. "Yieeee" hiyaw naman nina Lily at Aria. Ofcourse, alam nila na ako ang tinutukoy ni Ahren. Bigla nanaman akong nakonsensya. Kailangan ko ng sabihin kay Ahren ang totoo para hindi na siya umaasa pa. Ini-spin na ulit ni Beomgyu ang bote. Huminto ang bote kay Lily at Beomgyu. "Nice..." Beomgyu uttered. Si Beomgyu ang magtatanong ng Truth or Dare. "Truth or Dare?" -Beomgyu Nag-isip muna si Lily. "Dare" -Lily "Mmm..." Beomgyu with evil smile. "I dare you to send a selfie with a kiss to you ex" "What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lily. Hindi ko alam kung magagawa yun ni Lily. May galit at nakipaghiwalay siya sa ex niya dahil niloko siya nito. At ang masakit, nakahanap agad ito ng iba. "Will you do it or not?" -Beomgyu *Katahimikan* "Pass" pagtatapos ni Lily. "I'd rather endure the embarrassment than to send a selfie to that stupid" mukhang inis niyang sabi. "Ooohhhh" hiyaw nanaman nila. Dinrawing-an naman siya ni Beomgyu sa mukha. Nag drawing si Beomgyu ng parang whiskers ng pusa sa pisngi niya. Nagmukhang kuting si Lily sa itsura niya. "Cute hahaha" -Aria. Naasar naman si Lily at nakapout lang. Natawa naman ang iba at mas lalong naasar si Lily. Pati ako, hindi ko mapigilang hindi matawa. Inikot nanaman ulit ang bote. Huminto ang bote sakin at kay Kai. Si Kai ang magtatanong ng Truth or Dare. "Truth or Dare" -Kai "Truth" -Ako. Wini-wish ko na sana kaya kong sagutin ang tanong niya. "Mmm... Ate Yerin, may boyfriend kanaba?" Tanong niya. Alam niyang may asawa nako. Bakit niya tinatanong kung may boyfriend ako? Well, kunsabagay sa mata ng mga kaklase ko, single ako. "Wala" sagot ko naman. "Gusto kong magfollow-up question" sabi ni Kai sabay taas pa ng kamay. "Kung wala, may nagugustuhan kanaba?" Tanong niya. I didn't expect that. "Ooh" sagot ko sa tanong niya. "Yieeee" hiyawan nanaman ulit nina Lily at Aria. Napansin ko namang ngumiti si Ahren. "Pwede ba ulit magfollow-up question?" Kulit na tanong ni Kai. "Pwede ba namin malaman kung sino siya?" *Katahimikan* Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya o hindi. "Eeyy, that's too private Kai" sabi ni Soobin nang hindi ako sumagot. "Okay sorry, iibahin ko nalang ang tanong. Nandito ba siya ngayon, Ate Yerin?" -Kai "Y-yeah..." -Yerin "Yieeee..." Sina Lily at Aria nanaman ulit. Ang alam nila, si Ahren ang tinutukoy ko pero hindi. Inaamin ko na sa sarili ko na may gusto ako kay Taehyun. Nagpatuloy pa ang laro. Maya-maya, tumapat kay Soobin at Taehyun ang bote. "Nice, Truth or Dare?" -Soobin "Dare" -Taehyun. Nag-pout si Soobin "You should have chosen Truth, Taehyun. But since you chose Dare, I'm not gonna make it simple for you" pagbabanta pa ni Soobin. "Here's your dare... I dare you to kiss... Aria" Medyo nagulat ang lahat sa dare ni Soobin pati ako. Napatingin ako kay Soobin at nakatingin din pala siya sakin, nakangiting mapang-asar. I guess he dare that because he wanted to tease me. Iniisip niya siguro na magseselos ako. Well yeah, I think so. Tiningnan ko sina Taehyun at Aria. Aria seems to be excited. Kinikilig siya. Tss. "Eyy it's just a game. Walang malisyahan" sabi ni Soobin. Biglang kiniss ni Taehyun si Aria sa pisngi nito. "Omg, did he just kiss me?" Kilig na sabi ni Aria. "It's just a dare Aria" sabi naman ni Lily. "Psh kahit na" masaya paring sabi ni Aria. "Ok ok, let's continue " Beomgyu said. The game continued again. Masaya ang laro pero hindi ko na magawang maging masaya ulit. Nakikitawa nalang ako. I guess that simple kiss made feel jealous the whole time. Hindi ko akalain na ganito ako kadaling magselos. A/n: Hello lovely readers! Pasensya na ulit sa lame update. Sorry for the typos and grammatically errors, hope you'd understand. Thank you so much for reaadingg and I hope you'll read and support this untill the end! Kamsaranghae mwah~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD