Pero hindi ko naman lubos akalain na lolokohin ako ng sarili kong pamilya. Nagawa nilang magsinungaling sa ‘min para mapapunta kaming magkapatid sa Canada at maging sunod-sunuran sa taong inakala naming tutulong talaga sa ‘min. Pinaasa nila ako. Kung hindi dahil sa ginawa nilang panloloko sa ‘kin, hindi ko kakailanganing umalis ng bansa noon. Gusto ko nang kalimutan ang lahat ng ‘yon dahil nandito na kami sa Pilipinas. Nagawa naming makatakas sa kanila at makapagsimula nang bagong buhay na wala kaming ibang maaasahan kung hindi ang isa’t isa lang. Dumiretso muna ako sa banyo at naghilamos. Kailangan kong mahimasmasan. Tinignan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Mukha ngang wala ako sa wisyo ko. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga picture na pinakita sa ‘kin ni Ate Kristina. Mas

