Xander's point of view Nakasandal ako dito sa may pader sa may tapat ng bahay ni cheska at tinignan ko ang phone ko kung nag reply na siya pero wala akong natanggap na text galing sakanya kaya pag lingon ko sa likuran ko nakita kong pinatay niya ang ilaw kaya napangiti ako. Buti nalang sinunod niya ang mga sinabi ko sakanya na magpahinga na siya at wag na siyang mag kakasakit ulit dahil pag nangyari ulit 'yon hindi ko kakayanin. Binuksan ko na ang pinto ng kotse ko at pumasok na ako doon at nag maneho na ako pabalik sa bahay ko at ng makarating na ako sa bahay ko pinark ko kaagad 'yon at lumabas ng kotse. Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumeretso sa may kwarto at sabay higa sa kama. "Nakakapagod ngayon araw hays"bulong ko sa sarili ko at ipinikit ko na ang mga mata ko para matulog

