Kabanata 25 Flowers Dahil sa mga sinabi ni Oxan ay naging magulo ang utak ko sa susunod naming klase. Gusto kong maintindihan kung bakit siya ganyan, kung bakit siya ganito sa akin but she is way too much. She likes Lucas? So? Kailangan talaga niyang magalit sa akin? Ganoon? Naikuyom ko ang aking mga palad. Kung kaya ko lang siyang... I wish I had the guts to talk to her. Natatakot kasi akong hindi ako makapagsalita at sampalin na lang siya para tapos. "Hoy!" tawag ni Monique sa akin. Tiningnan ko. Ngumuso siya sa labas sa room. At dahil transparent wall ang meron kami, nakita ko si Lucas sa labas na may dalang bouquet. Uminit ang pisnge ko sa aking nakita. "Grabe na talaga iyan, Maria ha. Binabaliw mo na iyan!" ani Monique. Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa babaeng nasa likod

