Kabanata 4
Wala
Panay ang pahid ko sa aking ilong. Kanina pa tumutulo ang aking sipon. Kung bakit ba naman kasi ngayon pa ako sisipunin. May tatlong quiz kami ngayon at hindi ako nakapag-aral last night dahil sa tama ko sa aking noo na medyo masakit pa din. Tatlong araw na ang nakalipas simula nang matamaan ako pero hanggang ngayon ay sumasakit pa din.
Kinuha ko ang hand-outs ko sa aking bag. I need to study these terms.
"Nakapag-usap na ba kayo sa iyong partner para sa title ng inyong research?" narinig kong tanong ni Monique sa kanyang katabi. Mabilis na pumasok sa aking isipan si Lucas. Hindi pa kami nakapag-usap tugkol doon. Wala pa din kaming communication sa isa't isa. Napaisip tuloy ako kung seryoso ba siya sa pagiging partner sa akin.
Napakamot ako sa aking ulo. I need to focus on my subjects and study these notes. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa aking isipan.
"Submission na after next week sa title. Naku! Baka magalit pa atin si miss A."
After next week? After next week na pala iyon? Naman e.
Tumayo ako at lumabas ng classroom. I can't study inside kung ganoon ang maririnig ko sa bibig ng aking mga classmates.
Tinanaw ko ang lawak ng scicom field. Tila mga langgam ang kaliitan ng mga tao sa ibaba. Malamig na yumakap sa aking pinsge ang hangin. Maaga pa kaya medyo masarap pa ang simoy nito. Huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili.
**
"Sama ka?" nilingon ko si Monique sa tanong niya. Nakita kong nakatayo na din ang iba ko pang classmate at parang handa nang umalis sa classroom. Kakatapos lang ng klase namin at salamat naman dahil nakasagot ako sa aming quiz.
"Thank you na lang." tipid kong sagot ko. I need to look for Lucas and ask him about our title. Wala akong ideya kung saan ko siya mahahanap kaya tinawag ko si Monique na mukhang paalis na.
Huminto siya at nilingon ako. "Yes?"
"Saan ko mahahanap ang iyong pinsan?" tumaas ang kilay niya sa aking tanong dahilan sa pagkunot ng aking noo.
"Sorry, nanibago lang ako. It's either sa gym or sa engineering building. Pero kadalasan sa gym ko siya nakikita." Tumango ako at nagpasalamat sa kanyang sinabi.
Niligpit ko ang aking mga gamit at saka tumayo. Kumulo ang aking tiyan sa gutom pero hindi ko muna papansinin ito. May dalawang oras pa akong vacant ngayon kaya saka na lang ako kakain kapag nakausap ko na si Lucas.
Pumasok akong gymnasium. Nakita ko agad ang mga varsity players na naglalaro sa court. May mga bading din sa gilid ng court na panay ang cheer sa mga lalaking naglalaro.
Pumunta ako sa may harapan at hinanap ang aking sadya. Nakita ko si Lucas na naglalaro at pawis na pawis na. Napabagsak balikat ako. There is no way na makakausap ko siya sa lagay na ito.
Is he interested in our research? Ba't parang wala pa siyang sabi sa title?
Walang gana akong tumalikod at pumuntang cafeteria. Ikakain ko na lang ito. I need to study for my subject later.
Lumapit ako sa table nila Monique at panay ang usap nila sa research.
"Dito ka." Sabi nung isa kong kaklase. "Salamat," sabi ko at umupo. May mga hawak silang notebook at nakalista doon ang kanilang magiging research title.
Umiwas ako ng tingin at kumain. If only I have his number.
**
Maaga akong umuwi ng bahay dahil sa sakit ng aking ulo. Hindi ko alam kung makakapasok ba ako nito bukas dahil mukhang ramdam kong lalagnatin ako.
Tumunog ang aking cellphone at nakita kong may text sa hindi ko kilalang number. Kinuha ko at tiningnan.
Unknown:
You were looking for me?
Kumunot ang noo ko sa aking nabasa. Sino ba ito?
Ako:
May I know who this is please?
Unknown:
Lucas. Pumunta ako sa inyo kanina and your lola gave your number to me.
Seriously?
Well, kailangan ko siyang tanungin sa aming research,
Tumunog ulit ang aking phone.
Unknown:
I'm sorry if I didn't see you kanina sa gym. Naglalaro kasi kami.
Hindi ko na lang pinansin ang text niya.
Ako:
I'd like to ask if you are serious with our research.
Text ko. Binasa ko ulit at para akong namalditahan sa aking naitext. Naku! Bahala na nga.
Unknown:
Of course I am. I'm sorry pero busy pa talaga ako sa aming laro. Malapit na kasi ang MASCUF. Don't worry, I'll attend to you soon kapag natapos na ako dito.
Bagsak-balikat ako. What can I say? This research is not his number one priority. I need to accept that. Bahala na kung saan kami dalhin dito basta ayaw ko lang marinig sa kanya na wala na siyang panahon para dito.
Hindi ko na nireplayan dahil wala na din naman akong sasabihin at isa pa, nasabi na niya ang sagot sa aking tanong though hindi nga lang ang klase ng sagot na gusto kong marinig.