Kabanata 11 Flowers "Salamat," nakangiting sabi ko kay Monique. Kinawayan muna niya ako bago siya tuluyang umalis. Napatingin ako sa aking relo. Pasado alas sais na ng gabi. Panay ang kwento sa akin ni Monique kaya hindi namin namalayan ang oras. "Good evening anak." Bati ni Nanay sa akin nang makapasok ako sa bahay. Niyakap ko siya agad. "Good evening din nanay. I missed you" "Naglalambing ka na naman. Kain ka na." sabi niya at ginantihan din ako ng yakap. "Tapos na po akong kumain nay." Dahil kumain ulit kami ni Monique bago namin naisipang umalis. "Kamusta na kayo ni Lucas anak?" nabigla ako sa tanong ni Nanay. "Po?" naguguluhang tanong ko. Paano niya nalaman ang tungkol kay Lucas gayong wala naman akong kinukwento sa kanya. "Kapitbahay natin hindi ba? Nagkausap kami sa kanyang

