Chapter 6-Family
Jaire and I were dating for almost six months. Our beginning was quite easy but along the run, we saw each other's differences. I admit, we had misunderstandings but we both talked about it and figured things out. Both of us are willing to change our unjust behavior and also for us to grow better.
Hindi naman talaga madali. Kahit ba nauunawaan namin parehas ang pagkakaiba naming dalawa, may mga pagkakataon na hindi kami nagkakasundo. But still, we always choose to stay and fix the argument. Sa aming dalawa, ako ang madalas na makipagtalo. Siya naman ang madalas na nagpapakumbaba. Pero ni minsan, he never tolerate my mistakes. Madali niyang nai-explain sa akin ang mga bagay na dapat kong ayusin.
There is no perfect relationship. Habang tumatagal kami, mas lalo kong nauunawaan kung bakit tama ang naging desisyon ko. Before, I was too distant and expectorant. But Jaire did his best to broke the walls I built within myself. Idagdag pa na halos lahat ng standards na hinahanap ko ay nasa kanya na.
It's okay to have a high standards. Ang mahalaga naman ay ka-vibes at nagkakaintindihan kayo ng partner mo. You should not settle for less just because you have no choice. Ako? Alam ko sa sarili kong siya na ang best para sa akin dahil siya ang pinili ko. Hindi ko kailangan isa-isahin ang mga magagandang bagay na mayroon siya. I know he is more than enough and I will never ask for more.
"Love, you're 15 minutes late."
Iyon agad ang unang salubong ko kay Jaire nang bumaba siya sa kanyang pick-up. Sinulyapan ko muli ang wristwatch kong suot. Kasalukuyan akong nasa parking space ng mall na pinuntahan ko. Hindi ako nakapagdala ng sariling sasakyan dahil coding ito ngayong araw.
"Ash, I'm sorry. Traffic kasi eh." Kakamot-kamot pa sa noo si Jaire habang nakangising lumapit sa akin.
Sinuklian ko lang siya ng irap pero hinagilap lang niya ang kamay ko. Sanay na siguro siya na bossy ako minsan at ayaw ko nang pinaghihintay ako. Mahalaga ang bawat oras sa akin.
"Sana nagtext ka man lang. At isa pa, sabi ko magco-commute na lang ako. Hindi mo na ako kailangang sunduin."
Ipinagbukas niya ako ng pinto ng kotse at inalalayan pa akong maupo. Nakangiti lang siya kahit na nagsisimula na akong manermon sa pagiging late niya. Siya na rin ang nagkabit ng aking seatbelt.
"Gusto kong sunduin ang girlfriend ko. Hindi ako nakapag-text dahil lowbatt ang phone ko. Ayaw ko ring nagco-commute ka. Mag-aalala ako." He said and then planted a soft kiss on my forehead.
Napabuntong-hininga na lang ako. Mabilis siyang umikot patungo sa driver's seat. Nagmaneho na siya patungo sa condo unit ko.
"Kailan nga tayo pupunta sa inyo, love?" I asked after a couple of minutes.
Nilingon niya ako habang nakangiti. Sa aming dalawa, siya ang madalas na cheerful. Hindi siya nauubusan ng energy sa katawan. Madalas pa nga na siya ang clingy at sweet eh.
"Next week na, mahal. Ready kana ba?" Tanong niya habang nakangisi nang malawak.
"Oo naman. Anong akala mo sa akin?" Kampanteng sagot ko na ikinanguso lang niya.
Hindi pa kasi namin naipapakilala ang isa't-isa sa pamilya namin. We took a little time for the family introduction.
"Sus. Pero don't worry, mahal. Magugustuhan ka naman nila eh. Matagal kana nilang gustong makilala nang pormal." He said then held my hand.
Tumango na lang ako. I also told my parents about him. Pero iba pa rin na personal nilang makikilala ang boyfriend ko. Napagkasunduan naming ako muna ang ipapakilala niya sa pamilya niya. Wala namang problema 'yon. Handa naman akong harapin ang pamilya niya anumang oras.
"Asha, huwag kang kabahan."
Hindi ko napigilang kumapit sa braso ni Jaire nang dumating kami sa bahay nila sa Laguna. Nasa veranda pa lang kami ng isang modern style two storey house ay agad na akong inatake ng tensiyon. Sanay naman akong humarap sa maraming tao pero iba pa rin kapag sa pamilya na niya. Hawak na niya ang kamay ko habang papasok kami sa bakuran ng bahay. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang ingay sa may pool area, bandang likuran.
"Hi, guys!"
Si Jaire ang unang nagsalita nang makarating kami sa kumpulan ng pamilya niya na nakaupo sa mahabang hilera ng upuan at mesa. Tila pinaghandaan nila ang okasyon sa araw na 'to. I heard from him na birthday ng mama niya kaya siguradong marami ang kamag-anak nilang dumalo ngayon.
"Jami, anak!"
Mabilis na lumapit sa amin ang isang ginang na sa tantiya ko'y nasa animnapung taong gulang palang. Masaya niyang niyakap si Jaire kaya napabitiw ako sa pagkakahawak sa braso nito.
"Ma, happy birthday!" Jaire hugged his mom even tighter.
Napagawi ang tingin ko sa ilang kamag-anak niya na nakatuon ang atensiyon sa amin. I never felt anything but a welcoming gaze from them. Nakangiti sila sa akin at sa ganoong paraan, alam kong tanggap nila ako.
"Ito na ba ang pa-birthday mo, anak? May apo na ba ako?" Excited na tanong ng mama niya na muntik ko nang ikasamid.
Napakamot sa ulo si Jaire. Mukhang matagal nang naghihintay ang mama niya ng apo mula sa kanya.
"Ma, nagsisimula pa lang kami ni Asha. Pero dadating din po kami dyan. Ako nga po excited na eh pero syempre si Asha ang masusunod." He answered and then caressed my back.
Ngumiti ako nang tipid. His mom seems to be fond at me. Nakaupo na kami ngayon at magkakaharap para sa isang salo-salo. Kanina pa ako in-entertain ng mama niya maging ng papa niya na tanggap din ako.
"Hay naku! Sana naman next year, meron na ah."
Nagkatinginan na lang kami ni Jaire. Pasimple kaming nagkaunawaan sa bagay na 'yon. We've talked about our plans for the future. We need enough time before settling down.
Balak naming mag-stay sa bahay nila ngayong gabi. Ilang oras din kasi kaming babiyahe kaya nagdecide na bukas na lang para makapagpahinga. Nagsiuwian na rin ang iba nilang bisita. Pero ang mga pinsan ni Jaire ay naiwan dahil sa balak nilang inuman.
Halos magtatakip-silim na. Nakatayo ako terrace ng bahay nila sa second floor. Kanina ay hinatid ako ni Jaire sa kwarto niya para makapagpahinga pero wala pa naman akong balak matulog. Kaya nang nakita ko ang terrace ay tumambay muna ako. Tanaw na tanaw ko ang nagtatagong araw at sumasalubong na dilim mula sa kinatatayuan ko.
"Hija.."
Napalingon ako kaagad nang may tumawag sa akin mula sa likuran. It was Jaire's mom. She handed me a cup of brewed coffee. I'm sure Jaire told her about my favorite coffee.
"Hindi kapa ba pagod, hija? Matulog kana kaagad. Mamaya pa siguro ang tapos nila Jami sa baba. Alam mo naman, minsan lang sila magkasama-samang magpipinsan." Ani ng mama niya at naupo sa rattan chair na nandoon. Iniabot niya din sa akin ang tasa ng kape na hawak niya kanina.
"I'm okay po, tita. Mamaya na lang po ako matutulog. Ikaw po? I guess you need to rest." I said politely and then seated on the rattan chair near her.
She smiled and then looked at my face. Kakaiba ang titig niyang 'yon na tila ba ang gaan na kaagad ng loob niya sa akin.
"Asha," panimula niya. " Alam kong hindi ko naman kayo dapat i-pressure pero sana, ikaw na ang makatuluyan ng anak ko."
Natahimik ako pero ramdam kong sobrang saya ng puso ko dahil gusto niya ako para sa anak niya.
"Salamat po sa pagtanggap sa akin bilang girlfriend ng anak niyo. I'll do everything to fight for our relationship, Tita. Mahal ko po ang anak niyo." I said and then found myself getting teary-eyed.
Naramdaman ko ang marahang paghawak ng mama niya sa ibabaw ng palad ko. It seems like she's looking for an assurance from me. I gave her a genuine smile.
"Masaya ako na ipinakilala ng anak ko ang babaeng mahal niya. Alam kong hindi niya 'yon gagawin kung hindi siya sigurado sa'yo. Nakikita kong kakaiba ang pagmamahalan na mayroon kayong dalawa. Sana, manatili kayong matatag. Nandito lang ako bilang sumusuporta sa inyo."
Ramdam ko ang haplos sa puso ko dahil sa mga sinabi ng mama niya. Ilang sandali pa kaming nagkuwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Hanggang sa magpaalam na siya na magpapahinga na. Ako ay ganoon din. Nagtungo ako sa kwarto ni Jaire at nagpasya nang mahiga kahit hindi pa inaantok. Simple lang ang disenyo ng kwarto niya siguro dahil sa hindi na siya umuuwi madalas dito. Napagmasdan ko pa ang mga old pictures niya na nakakabit sa dingding. Maging ang mga libro lalo na yung may kaugnayan sa Computer Programming at Software Engineering ay maayos na nakahilera sa shelf.
I went on his bed. Marahan akong nahiga doon at inayos ang kumot at unan. Pinilit kong pumikit kahit na hindi ako pamilyar sa kwartong kinaroroonan. Ilang minuto lang ang lumipas, naramdaman kong nagbukas ang pinto. Base sa pabangong naamoy ko, si Jaire 'yon. Marahan lang siyang naglalakad siguro dahil ayaw niya akong magising.
Amoy alak din siya pero mukhang hindi naman lasing. Nagkunwari na lang akong natutulog. Naramdaman ko ang maingat niyang paghiga sa kabilang side ng kama. Nakatalikod pa rin ako mula sa kanya.
"Asha," he mumbled.
Naramdaman ko ang marahan niyang pagkayakap sa akin at paghaplos sa aking buhok. It was calming, actually. His warm hug gave me comfort. Kanina ay nalulungkot ako dahil hindi naman ako pamilyar sa lugar na 'to.
"Mahal kita, Asha."
Those are his last words until he fell asleep. Nauna siyang makatulog sa akin dahil ilang oras pa akong natulala dahil sa sinabi niya. Hindi ko maipaliwanag pero sobrang gaan sa pakiramdam na marinig sa kanya ang mga salitang 'yon.
Alam ko...mahal niya ako at nararamdaman ko 'yon.
"So, tell us more about yourself, hijo."
Nasa isang Italian restaurant kami ni Jaire kasama ang parents ko at ang dalawang kapatid. I decided to introduce him to my family. After we came from Laguna, I told him to meet my family also. Kaya nagset ako ng dinner para sa amin.
"I am a Computer Engineer, ma'am and sir. I am also a stockholder in a telecommunications company and business owner. My family were from Laguna. " He answered my mom's question.
My parents seem to be amused with Jaire's gesture towards them. I didn't even sense that he was nervous about this introduction. He remained composed and formal while talking with my parents.
"When is the wedding? I'm sure, nagpa-plano na kayo." My older brother intervened.
Napatingin naman ako sa kanya. He isn't married yet. Ni wala nga atang girlfriend. Bakit parang ako ata ang minamadali niya? Siguro para hindi sa kanya magdemand sila Mama.
"We've talked about that. Di bale, ipapaalam din namin kaagad kapag may exact date na." Kaswal na sagot ni Jaire sa aking kuya. Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa kanyang hita.
He smiled at me, saying that I should not bother anything.
"I'm glad that you guys have plans of settling down. I am happy for the both of you." My youngest sister said while having a smile on her face.
Alam kong masaya siya para sa amin, maging si Papa na tahimik lang at wala gaanong komento.
"So, welcome to the family, hijo. No need for formal address, just call me Tito or Papa." Jaire smiled at my father upon hearing him.
"Thank you po. I'll take care of your daughter, no matter what happens. You have my word, T-tito.."
Tumango lang si Papa at kinuha ang baso ng alak para uminom doon. Nakita ko naman ang masayang reaksiyon ni Mama. She even had a spark on her eyes. I knew she's proud at me for being like this. Alam niyang noon, hindi buo ang pagmamahal na binibigay ko sa mga nagiging kasintahan ko.
"Welcome to our family, Jaire. Please...take care of my Asha. Please make her happy, always." My mom said while looking at Jaire's face.
He nodded and held my hand firmly. Mas ramdam ko ang pagtanggap nila ngayon sa lalaking pinili kong mahalin.
"I will, Tita. Asha is my happiness and indeed my everything..."