2

1410 Words
Magsisimula ko pa lang lasapin ang ginagawa ng tatlong stepsons ko sa akin nang agawin ako mula sa karimlan ng tumutunog na cellphone.  Nang buksan ko ang aking mga mata, tuluyang naglaho ang matinding sarap at napalitan ng pagkadismaya lalo na nang mapansin kong nakirot ang ting gil ko sa loob ng sout kong basang-basang panty. Grabe. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa o hindi na panaginip lang ang nangyaring paggapang nilang tatlo sa akin. Sa huli naisip kong mabuti na rin at panaginip lang dahil nakaramdam ako ng kaunting guilt dahil katatapos lang ng libing ni Genaro kaninang umaga. Alas-diyes na ng gabi sa orasan na nakapatong sa night stand. Wala pang labindalawang oras ang nagdaan, pero heto ako’t nananaginip na kaulayaw sa kama ang mga magkakapatid. Mukhang malaki na ang epekto sa subconscious mind ko ng hindi ko mapigilang atraksiyon sa tatlong anak na lalaki ni Genaro na nagdatingan two days ago.  Inabot ko sa sidetable ang cellphone at sinagot nang hindi tinitingnan kung sino. “Hello…” “Krista?” Si Cherry, ang bestfriend ko ang nasa kabilang linya. Kinabahan ako nang maisip na baka may emergency. “Anong nangyari kay Lilet?” Umisod ako pasandal sa headrest ng malaking kama saka kinusot ang antok sa aking mga mata. Pinakiusapan ko si Cherry na tingnan-tingnan ang kapatid ko kapag nakaduty siya sa Ospital bilang Nurse. May kinuha namang tagabantay si Genaro para kay Lilet pero mas kampante ako na sa kaniya makibalita simula nang hindi ko na matutukan ang pagbabantay dahil sa pag-aayos sa kasal na naganap noong nagdaang linggo. Mismong gabi ring iyon inatake naman sa puso si Genaro at binawian ng buhay. “Relax ka lang bes,” kalmanteng sabi niya. “Okay naman ang kapatid mo. Ganoon pa rin, wala pa ring pagbabago. She’s still in deep coma.” Nakahinga ako ng maluwag. Anim na buwan na ngayong nasa state of coma si Lilet nang mabiktima ng hit and run habang pauwi ng bahay galing eskwela. Pagkatapos ng operasyon niya sa ulo, hanggang ngayon hindi pa rin nagkakamalay ang sampung taong gulang kong kapatid. “So, kumusta ka na? Sa daming tao kanina sa libing, hindi ko na nagawang magpaalam bago umalis.” Madami ngang tao pero karamihan hindi ko kilala. “Okay lang. Naipon yata ang pagod ko nitong mga nagdaang linggo kaya hindi ko nga namalayang nakaidlip pala ako kaninang pagdating. Kung hindi ka pa tumawag baka bukas na ng umaga ako nagising. Si Nanay, nagpunta ba diyan?” “Hindi ko napansing dumating simula ng mag-start ang duty ko. Baka nasa sugalan na naman.” Kabisado na ni Cherry kung saan hahagilapin ang Nanay ko. “Baka nga.” Kung wala kasi si Nanay sa sugalan, malamang nasa bahay at kasama ang lalaki niya na matanda lang sa akin ng tatlong taon. Siguradong ninanamnam ang pakiramdam ng biglang pagkawala ng malaking problema niya dahil sa akin. Nagkautang siya ng malaki kay Don Genaro sa grabeng pagsusugal niya. Wala namang maibayad kaya nang magka-hint siya na may gusto sa akin ang matandang byudo, ako ang inalok niya bilang pamabayad. Hindi naman talaga ako papayag sa gustong mangyari ni Nanay na magpakasal kay Don Genaro na tatlong beses ang tanda sa akin sa edad kong nineteen. Kaya lang ilang buwan ng naka-confine si Lilet. Hindi na nga ako nakapag-enroll sa college course ko at nagpasya munang tumigil dahil malaki ang kailangang pera para patuloy na masuportahan si Lilet sa ospital.  Nang maubos na ang mga naipon ko sa pagtatrabaho sa umaga ng ilang taon habang nag-aaral sa gabi, out of desperation, pumayag na rin akong magpakasal kay Don Genaro. Natuwa si Nanay sa pagpayag ko pero halos manlisik ang mga mata nang papirmahan sa akin ng abugado ni Don Genaro ang isang pre-nuptial agreement. Gayunpaman, iyong mga sumunod na araw, nagawa pa ring huthutan ng pera ni Nanay si Don Genaro. “So ano ng mangyayari ngayon sa ‘yo bes?” Iniisip ko nga kung ano ang sagot sa tanong na ‘yan simula nang gabing atakihin sa puso si Genaro at mamatay. “Sa totoo lang Cher, hindi ko alam. Ang mahalaga lang sa akin ngayon huwag matigil iyong tuloy-tuloy na suporta para kay Lilet.” “Iyon din ang naisip ko lalo na’t may existing na prenup.” “Baka bukas, depende sa laman ng testamento. Sabi noong abugado, bukas ng umaga babasahin ang Last Will ni Genaro.” “Parang ang bilis naman yata.” “Ito kasing tatlong anak niya, para mga sinisilihan ang puwet na gusto ng umalis kaagad at bumalik sa kani-kaniyang lugar.” “Nakita ko nga si Trey kanina. Asawa ba niya iyong katabi niya sa libing?” Isa ang babaeng iyon sa mga kinaiinggitan ko. “Asawa nga niya iyon. Si Donna.” “Sayang. Taken na pala siya,” may panghihinayang ang tinig ni Cherry. “E iyong dalawa?” “Iyong kasama naman ni Zane kanina iyon iyong girlfriend niya. Mira yata ang pangalan.” “E iyong bunso sa magkakapatid?” “Wala siyang kasama nang dumating the other day. Baka walang steady girlfriend.” “Hmmm… pwede,” sabi niyang humagikhik. “Para sa ‘yo? Ilalakad kita, magsabi ka lang.” “Hindi ah,” mabilis niyang tanggi. “Para sa ‘yo.” “Luka-luka ka na ba?” natatawang tanong ko sa kaniya. “Iyan ang sasabihin mo sa akin ngayong ilang oras pa lang naililibing ang asawa ko na ama ni Phillip. At dahil naikasal kami ni Genaro kaya technically stepmother na nila ako.” Tumawa rin si Cherry sa kabilang linya. “Ewan, bigla ko lang naisip dahil nga hindi ba dati… noon…” “Anong dati? Anong noon?” biglang tumaas ang timbre ng boses ko. “Huwag na nga lang at wala pa nga e defensive ka na agad.” Nahulaan ko na kasi ang gusto niyang tumbukin. Ilang segundo ang lumipas bago ako nagsalita. “Kung noon nga hindi nila ako napansin, ngayon pa kaya? Tapos ganito pa ang sitwasyon ngayon.” “Eh paano naman bes, huling kita nila sa ‘yo e six years ago pa. Trese ka pa lang noon at madungis pa ang mukha mo habang tinutulungan mo ang yumao mong ama na naging hardinero nila. Hindi ka pa marunong mag-ayos ng katawan. Given na mapansin ka man nila that time, anong gusto mong gawin nila sa isang trese anyos? E sa pagkakatanda ko, 26, 24 at 22 years old na that time sina Trey, Zane at Lip. Menor de edad ka noon bes at diretso sila ng kulungan sakaling reypin ka nilang tatlo.” Napaigtad ako sa sinabi ni Cherry. Naalala ko ang paggapang nila sa akin sa katatapos ko lang na panaginip. “Luka-luka. Sinabi ko ba na gusto kong reypin nila ako? Kung nasa tabi mo lang ako binatukan na kita.” “Kaya nga malakas ang loob kong okrayin ka,” tumawa ulit si Cherry ng malakas at pagkuwa’y nag-seryoso. “Move on ka na rin sa tatlong iyan bes. May asawa na ang isa, may girlfriend ang padalawa at iyong bunso, siguradong hindi ‘yan nababakante at simula’t sapul iyang Lip na ‘yan ang pinakagarapal pagdating sa mga babae sa magkakapatid.” “Anong move on ang sinasabi mo riyan?” “Okay fine. Magkunwari na lang akong hindi ko alam na kaya ka hindi nagka-boyfriend hanggang pumatol sa matandang hukluban dahil sila ang ginawa mong basehan sa mga manliligaw mo. Kunwari hindi ko rin alam na matindi ang crush mo sa tatlong iyan. Kunwari wala ka ring ikinuwento sa akin na sinasadya mo pang tulungan ang tatay mo sa paghahardin makasilay ka lang isa man sa kanila. At lalong hindi ko alam na magdamag kang nagkanda-iiyak noong araw na umalis sila ng mansiyon six years ago at piliing sumama sa kanilang ina.” “Ang daldal mo,” iyon lang ang nasabi ko para matigil ang litanya niya. Ito ang disadvantage ng may bestfriend na pinagsasabihan mo ng lahat ng nangyayari sa buhay. Tuloy hindi ako makatanggi sa lahat ng katotohanang sinasabi niya. “Ang siste ikaw na ngayon ang ina nila. Stepmom.” “Na-realize mo na ngayon ang sitwasyon ko?” malungkot kong tanong sa kaniya. Napabuntong-hininga si Cherry. “Ano bang naging reaksiyon nila nang malaman na pinakasalan mo ang ama nilang si Don Genaro?” “Mga nagulat pero hindi lang nagpahalata at kinonsidera ang sitwasyon. Baka nga hindi na nila matandaan na ako ang dalagitang anak ng dati nilang hardinero noon.” “Paano para kang ugly-duckling na naging swan. Tapos blonde pa ang kulay ng buhok mo.” “Nagkulay lang naman ako ng buhok dahil sa gusto ni Genaro. Pero ngayong wala na siya, hahayaan ko na ulit humaba at bumalik sa dating itim.” “Bagay naman sa ‘yo ang ganyang kulay. Hindi ka mukhang tagarito sa bayan natin.” Sa totoo lang, nagmukha nga akong foreigner sa buhok ko. Pero mas gusto ko pa rin ang itim na kulay. “Pero siguradong at this time, nakapagtanong-tanong na sila at alam na nila kung sino ka.” “Hindi na importante ang sasabihin nila. Ang focus ko ngayon ay iyong bukas kung anong mangyayari pagkatapos basahin ng abugado ang last will ni Genaro.” Naiusal ko na sana man lang hindi matigil ang suporta sa gastusin ni Lilet sa ospital. Sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD