CHAPTER 3

1789 Words
CHAPTER 3 (My Strict Bodyguard) YASSY POV: "SERYOSO KA BA? DITO TAYO TITIRA? AS IN WE GONNA SLEEP HERE?!" inis kong bigkas nang huminto kami sa isang maliit at mabahong bahay. Yucks! I can't. Aatakihin lang ako rito ng allergies ko. And my skin, don't deserve this kind of house. Well, hindi ko nga masasabi na bahay ito dahil kung titingnan parang basura lang. Matapos kasi ang diskusyon na nangyari sa pagitan namin ni Dad, tuluyan na akong sumama sa lalaking ito. Wala ng choice eh. Alangan matulog ako sa kalsada at pagnasaan ng mga manyakis diba? And besides, lahat ng pera ko kinuha ni Dad. Sa bank accounts at maging sa gcash accounts. Nakakademonyo! Wala na rin akong malapitan na mga kaibigan dahil mahigpit niyang pinagbabawal ito. Pakiramdam ko tuloy isa akong preso na hindi makagalaw ng maayos at malaya. Kaya sa madaling salita, mahihirapan ako nang husto sa pag-adjust. Lalo pa't hindi ko kinasanayan ang punyetang lugar na ito. "Ano pang tinutunganga mo? Pumasok ka na." Sambit ng binata. Nasa harap ng pinto na siya at hinihintay niya na gumalaw ako. As if naman papasok ako dyan noh? Kadiri kaya! "Oh? Titingnan mo lang ba? Kapag ako ang pumasok, isasara ko na ito." pananakot niya. Napahinga naman ako nang malalim kasabay no'n kinuha ko ang alcohol sa aking bag para lagyan ang kamay ko. Mabuti yung safe at makaiwas sa kung anong germs ang dulot dito sa pesteng lugar. "Ang arte." rinig kong bigkas ni Adrian. Hindi ko na lang siya pinansin pa dahil inaantok na ako. Hello? Galing palang ako sa party ng kaibigan ko. And my head hurts right now. Kanina pa ako nahihilo. Aside from that, nawala na yung mood ko dahil kay Dad at dahil na rin sa kanya! So here we go, tumungo na ako sa loob para hindi na ako papakin ng lamok sa labas. At sa pagpasok ko, halos masuka naman sa naging amoy dahil sa sobrang baho. "Bahay ba ito ng tao? Parang bahay ng baboy ha?" maarte kong turan habang tinatakpan ko ng panyo ang aking ilong. Kinuha ko na rin ang pabango at inispray ko ang bawat paligid nang sa gano'n maalis nang konti ang amoy. At least I can help in a little way. "By the way, where's my room? I need to rest na." pagtatanong ko sa lalaki. "Anong room ang sinasabi mo? Wala ka ritong room. Nananaginip ka yata." usal nito nang lingunin ako. "Eh anong tawag dyan? Duh?" pagtuturo ko sa dalawang pinto na animo'y nagsisimbolo na dalawa ang kwarto rito. "Isa lang ang room dito. At 'yon ay kwarto ko lang. Tapos 'yang isa naman na nasa kanan ay banyo. Kaya huwag kang assuming." pagpapaliwanag niya dahilan para mapataas ang kabila kong kilay. "WHAT? SO YOU MEAN, WALA AKONG MATUTULUGAN?" malakas kong bigkas. I already asked him dahil mukhang hindi ko yata gusto ang bunganga niya. "Syempre meron. Meron kang matutulugan. Alangan naman na wala." aniya nito na naging hudyat para mapaisip ako. "Saan? At teka, don't tell me na dyan din ako sa room mo? At magkatabi tayong matutulog?" wika ko naman. "Bakit Miss Maldita? Ayaw mo ba?" Saad nito na may pang-aakit sa boses. "Pwede ba, stop me! Eww. Mahiya ka naman sa sarili mo!" I shouted. "Tsk. Asa ka rin na gusto kong makatabi ka. Kaya nga dito ka sa lapag matutulog." ngusong sabi nito kasabay ng pag-nguso ng labi na tila tinutukoy ang sahig. Bigla tuloy uminit ang ulo ko na halatang lalabas na naman ang aking sungay. "Gago ka ba? Papatulugin mo ako sa pesteng lapag na 'yan? Wala ka yata sa tamang pag-iisip, Mister?!" "Matagal na akong gago. Kaya nga kahit anong kamalditahan ang gawin mo, hindi mo matatalo ang kagaguhan ko, Missis ko." wika nito na hindi pa rin mawala ang ngisi lalo na nung banggitin niya ang salitang Missis. Napatili na lamang ako ng malakas nang pumasok na ito sa kwarto niya at iniwan ako. TANGINA! MUKHANG MAKAKAPATAY AKO NG TAO! "Nga pala, eto yung kumot at unan na gagamitin mo." saad niya pagkabukas ulit ng pinto para ibigay sa akin iyon. Pero hindi ko 'yon kinuha, sa halip, tinitigan ko siya nang matalim. Kung nakakapatay lang siguro ang tingin ko, matagal na siyang todas. "Okay. Ilalapag ko na lang dito." He said again. And this, nilagay niya na ito sa sahig. "Matutulog na ako ha? Kaya matulog ka na rin. Goodnight and sleep well." pagpapatuloy ni Adrian na may kasamang kindat pa. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Walang modo! This is the worst night ever that I've experience in my life! ASAR ko namang pinulot ang kumot at nilatag ito sa sahig. Kahit ayokong humiga dito, wala akong magawa. Inaantok na talaga kasi ako dahil sa wine na ininom ko sa party ng friends ko. But s**t! Ang sakit talaga sa likod. At hindi ako sanay sa ganitong higaan. Masyadong matigas at hindi ko yata makakaya na tumagal na ganito ang pwesto. Bakit ba kasi pinaparusahan ako ng ganito ni Dad? I feel so unlove today. Pakiramdam ko, wala akong kakampi. Wala akong pamilya. Siguro kung nabubuhay lang si mommy, hindi siya papayag sa naging desisyon ni Dad. "Hays! Wala bang electric fan dito?!" pagsisigaw ko baka sakaling marinig ako ng binata. "May pamaypay dyan! Huwag kang senyorita!" balik na sambit nito. Kaya kinalap ko naman ang tingin para hanapin ang pamaypay na sinasabi niya. Buti na lang at nasa upuan ito at hindi ako nahirapan na abutin ito gamit ang aking paa. Yes, I'm so talented in that way. "Tsk. Ang init-init!" asar kong bigkas. Kahit anong paypay ang gawin ko hindi pa ito sapat para maibsan ang init sa katawan ko. Siguro nga dahil sa wine na ininom ko kaya ganito na lamang ang nararamdaman ko ngayon. Namumuo na rin ang pawis sa aking katawan dahilan para mapa-upo muli ako. "Hindi pa nga nag-iisang oras, parang ayoko nang mabuhay!" Since I can't sleep in this f*****g place, may naisip akong plano para bwisitin din ang gabi ni Adrian. Papasok ako sa kanyang kwarto at guguluhin ko ang tulog niya. "HOY! BUMANGON KA NGA DYAN! KWARTO KO ITO!" Bulyaw ni Adrian habang pinapalayas ako sa kama niya. Oo, nakapasok ako at agad na humiga sa tabi ng binata. Inalis ko na ang pagiging maarte ko ngayon para makaganti. And guess what? Dalawang electric fan lang naman ang nandito sa mismong room niya. Oh diba? Ang kuripot masyado at sinungaling pa! Isama mo na ang itim ng budhi niya para ipagdamot ang electric fan! Talagang sinolo niya ito at hindi man lang sa akin pinahiram ang isa! "f**k! SINO BANG MAY SABI SAYO NA PWEDE KA RITO?" pagalit niyang bigkas. "Hindi ko kailangan ng permiso mo. Papasok ako kung kailan ko gusto. So better shut your mouth and let's just sleep." mataray na turan ko kasabay nang pagpikit ko nang mata. Ang kaso nga lang mabilis niya akong binuhat at dinala ulit sa labas. Masyado talaga siyang malakas. Kung sabagay, makisig ang katawan niya. Malaki ang muscles at may malaki na---ah basta. "Ano ba?!! Gusto ko lang naman tumabi sayo! Mali ba 'yon ha? Pakipot ka!" paninigaw ko. "Hindi ba't ikaw ang nagsabi na ayaw mong matulog na katabi ako? Kaya bakit parang nagbago yata ang isip mo?" pagtatanong niya. Sa oras na ito, isinanday niya ang katawan niya sa pader ng pinto at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Well, kanina 'yon. And I changed my mind for my better future. Besides, binabayaran ka naman ni dad diba? At ang sabi niya, turuan ako ng leksyon at hindi maubusan ng dugo. Kaya here, gusto kong tumabi sayo, para naman may electric fan ako." pagpapaliwanag ko. "Ang haba ng sinabi. Gusto mo lang ako chansingan." confident na turan nito sa akin. Tangina? Nagmukha pa tuloy ako na may binabalak sa kanya. "You know what? Over my sexy body, walang gustong chumansing sayo! At wala akong balak na galawin ka! My ghad!" panduduro ko sa lalaki. "Ikaw wala? Pero ako meron. Kaya kung balak mong pumasok sa kwarto ko, dapat handa ka rin na lumabas na hindi ka na virgin." aniya nito na naging dahilan para mapanganga ako. "So pa'no, gusto mo bang tumabi sa akin ngayon? Pwede naman, basta ba, hindi ka magrereklamo kung magdamag tayong maglalabanan sa kama." pahayag niya muli bilang patuloy. "ARGGHH! MANYAK!" gigil kong turan at tinalikuran siya. Mukhang napatiklop niya ako sa pinagsasabi niya. Tama nga siguro ang kasabihan na kapag nasa harapan mo na, mauulol ka bigla. NARINIG ko naman ang nakakainsulto nitong tawa na talagang sinundan pa ako nang tingin. Kaya heto, para akong isang caterpillar na tinago ang sarili ko sa kumot. Gusto ko lang naman gumanti, pero pumalpak pa. "ADRIAN HUMANDA KA!!!!!" pagsisigaw ko. "Matagal na akong handa, hinihintay lang kita. Kaya matulog ka na para may energy ka! Hahaha." tugon nito. Sa pangalawang beses, sinara niya na ang pinto. Kaya ako naman, pinilit kong matulog kahit hindi ko kaya. ISANG MALAKAS na bagting naman ang bumulabog sa aking tenga dahilan para magising ako. Kaya dahan-dahan kong minulat ang mata ko at do'n ko nasilayan ang binata na may hawak na takip ng kaldero. Ito yata ang ginamit niya para makabuo ng ingay. "ANO BA?! CAN YOU PLEASE STOP?! DON'T YOU SEE HA? NATUTULOG PA AKO! MASYADO KANG ISTORBO!" mataray kong bigkas at tsaka muling tinakpan ang aking mukha gamit ang unan. Kay aga-aga pinapagalit ako. Ayoko pa naman sa lahat yung ini-istorbo ang tulog ko lalo pa't madaling araw na akong dinalaw ng antok. "Miss Maldita, alas-otse na. At gusto kong ipaalala sayo na hindi ka dito prinsesa! Kaya bumangon ka na!" wika ng lalaki. "Wala akong pakialam kung alas-otse, alas-nuwebe, o alas-diyes pa 'yan! Kaya pwede ba, umalis ka na dyan at hayaan mo akong matulog!" muli kong sabi. "Kung hindi ka babangon, bubuhusan kita dyan na mainit na tubig. Gusto mo ba 'yon?" He said again. Awtomatikong napa-upo ako nang mabilis kahit na magulo pa ang buhok ko. Tangina! Napilitan na nga akong humiga sa malamig na sahig, pati ba naman pagtulog ko, kokontrolin niya pa?! Tsk! "ALAM MO IKAW? PABIDA KA MASYADO! SIGURO KAPATID MO SI JOLLIBEE NOH? BUKOD KASI SA MUKHA KA NG BUBUYOG, ANG GALING MONG MAGBIDA-BIDAHAN! ISABAY MO PA NA PANGET KA!" Bulyaw ko sa mismong pagmumukha nito. "Pwede ba? Bago mo ako tarayan, magtoothbrush ka muna? Ang baho ng hininga mo. Ang arte mong tao pero nakakadiri ka rin naman." wika ni Adrian. GRRRRRRR!!! I hate him! Nakakaasar siya! Hindi ko tuloy maigalaw ang katawan ko dahil sumasakit ito. Siguro epekto ito ng sahig na hinigaan ko. Ang sakit ng leeg ko. Isama mo pa ang legs at ang braso ko. Mukhang magkakasakit yata ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD