CHAPTER 2

1011 Words
MARY POV "Mary... a... anong ginagawa mo rito? Akala... ko ba next year ka pa uuwi?" nauutal na sabi niya pa. Sa kabila ng pagka gulat niya sa akin, nagawa ko pa rin siyang ngitian, "Shempre surprise ang pag uwi ko dito sa bahay natin," sagot ko. Napa ngiti siya kahit medyo gulat pa rin ito. Subalit bakit ganun? Di ko nararamdaman na na surprise ang asawa ko? Wala sa kanyang mukha ang pagka saya ng makita niya ako kagaya ng pananabik ko sa kanya ngayon. Three years kaming di nag kita, napa tingin ako sa mga mata niya subalit parang hindi na ito sa akin. "Oh ano di mo ba kami papapasukin dito, Carlo? Aba, pag silbihan mo ang asawa mo, amoy Singaporean dollars pa ito tapos naka tunganga ka lang sa kanya? Ipasok mo itong mga gamit niya sa kwarto mo at pag hahainan ko ito ng pagkain nang matikman niya ang adobo ko." Tapos nito ay umalis na si tita, pinasok ni Carlo ang mga gamit ko at pumasok na rin ako. Sa sala pa lang, ang sakit na ng mga mata ko dahil sa kalat nito. Puro balat ng mga sigarilyo at mga balat ng chichirya, mga bote ng alak at mga pulutang di nila naubos. Ganito rin ang buong paligid, kalat kalat ang mga gamit. Literal na ganito rin ang nadatnan ko sa bahay ng amo ko. Mabilis pa namang mag init ang ulo ko lalo na kapag nakaka kita ako ng kahit isang kalat. Maging ang kwarto namin na katabi lang ng sala, ganito rin kadumi. Para bang walang nakatirang tao dito. Naging blangko ang utak ko sa mga sandaling ito. At isang mahigpit na yakap muna sa aking likuran ang aking naramdaman. "Sorry mahal, hindi medyo pagod lang din kasi ako kaya hindi ko na nagawa pang mag linis. Hayaan mo liligpitin ko na lang yung mga kalat, mag pahnga ka muna-" Di ko matiis ang amoy ng alak sa kanyang bibig kaya kumalas kaagad ako sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin. "Teka lang? Ang sabi sa akin ni tita ay wala ka na raw trabaho? Taliwas ito sa sinabi mo sa akin na may trabaho ka pa?" Napa kamot siya sa kanyang tenga, ganitong ganito ang mannerism niya sa akin kapag nahuhuli ko siyang nag sisinungaling. At kung totoo nga na wala siyang trabaho, gusto kong malaman kung bakit niya ito inilihim sa akin. Mahal ko si Carlo pero at sigurado akong may explanation ang asawa ko dito. "Oo eh, two months na akong walang trabaho. Nag sinungaling ako sayo kasi ayaw kong isipin mong pabigat ako sa bahay natin," naka yukong sagot niya pa sa akin. "Carlo, di naman ako ganung babae, alam mo namang maintindihin ako di ba?" "Kaya nga sorry di ba-" "Teka lang, bakit ka nawalan ng trabaho? Nag resign ka ba o tinanggal ka?" "Tinanggal ako ng boss namin, eh wala na raw pondo yung company kasi kakatapos lang ng pandemic. At isa pa, mayroon kasing mga nanakaw na gamit sa office habang nag babantay ako kaya tinanggal na ako ng boss ko," sagot niya sabay tingin sa akin. Nakikita ko yung lungkot sa kanyang mga mata. Subalit may ilan pa akong tanong sa kanya. "Bakit dito ka nag inom? Sino ang kasama mo? Di ba ang kasunduan nating dalawa ay walang mag iinom dito sa bahay kasi maraming mga magnanakaw dito?" tanong ko. "Eh bday kasi ni Cindy kaya nag punta sila dito ng asawa niya at ilang mga kaibigan ko. Wala kasing ibang lugar na pwedenaming pag inuman kaya sinabi kong dito muna. Lasing na lasing nga sila kagabi eh. Bakit nga pala inabot ng tatlong taon bago ka bumalik dito?" Nag taka ako sa kanya, nahawa na ba siya ng pagiging hulyanin ni tita o sadyang lasing lang din siya kaya nakalimutan niya na ito? "Di ba nga sinasabi ko sayo noon na nag iipon tayo para sa future natin kaya di pa ako nakaka balik dito sa Pilipinas. Siguro naman ay nasa 400 thousand na ang perang naipon natin sa joint account nating ginawa mo di ba?" "Ay oo, tama ka, sorry lasing lang din talaga ako," sabi niya pa. Lumapit siya sa akin na pagewang gewang ang kanyang paglalakad. Mukang malakas pa ang tama ng asawa kong ito ngayon. Inalalayan ko siya sa sofa. "Teka lang, ipag titimpla muna kita ng kape, inom ka kasi ng inom, dapat sa loob ng two months ay nag hanap ka ulit ng work," sabi ko pa. "Kung alam mo lang ang buhay dito sa Pilipinas noong pandemic, sobrang hirap kasi isang kahig at isang tuka ang mga tao dito sa atin. At sa sobrang daming nawalan ng trabaho, sobrang hirap maghanap." "Pero negosyo? Kahit sana sa online selling? Dapat dumiskarte ka pa rin," sabi ko ulit. Tiningnan niya ako ng masama at pagkatapos nito ay bumungisngis siya. Pero ang mga mata niya, sinasabi nito sa akin na nainsulto siya sa aking tanong. "Madali lang sabihin sayo yan kasi nasa abroad ka at nagpapaka sasa ka sa trabaho mo. Di ba ang sabi mo sa akin, nasa mansyon ka nakatira? At masarap ang mga pagkain na hinahain sayo ng amo mo? Nakapag abroad ka lang, akala mo ay kung sino ka na?" Oo sinabi ko ang mga ito subalit puro pawang kasinungalingan lang ang lahat. Siguro ay kasalanan ko rin na itinago ko sa kanya ang mga mapapait na karanasan ko sa kamay ng mapang abuso kong mga amo. Ngayon, kailangan ko nang baliktarin ang kung ano mang mga iniisip niya sa akin. "Carlo, hindi madali ang maging isang OFW, akala mo ba ay buhay reyna ako sa lugar na yun ha? Ang dami kong tiniis para lang makapag padala ng pera sayo, tapos ano? Ganito yung ibubungad mo sa akin?" Gustong pumatak ng mga luha ko subalit ito ay aking pinipigilan. "Sus! Napaka drama mo naman," sabi niya sabay lakad ulit papunta sa kwarto, gumegewang ang kanyang katawan hanggang sa bumagsak siya sa aming kama. Tinulugan niya pa ako imbes na makipag usap sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD