9th HOUR: The Camp

2098 Words
“Paano kaya pinili yung mga kasama sa camp?” tanong ni Elize na nakaupo sa tabi ko. I looked at my watch. It’s only 4am in the morning and here we are waiting for the other participants of the training camp. Ilang linggo na nga pala ang lumipas simula nang bisitahin namin ang Camp Chiatri at August na ngayon. “Random daw ang pagpili sabi nung SSC President,” sagot ko sa kanya. Or that’s what I want to believe. Tiningnan ko ang mga taong kasama naming naghihintay. Si Cyril ay nasa isang sulok kasama si Keiichi at Christine. Si Yvonne naman ay may kausap sa phone habang may dalawa pang estudyante malapit sa’min na hindi ko kilala. Ilan kaya kaming kasama? “Narinig ko yung mga kwento about… you know, sa Camp Chiatri? Papaano kung mangyari din yun sa’tin? Natatakot ako!” halata sa boses nito ang pag-aalala. Bakit ba kasi pati ang bestfriend ko dinamay nila? “Don’t worry, walang mangyayaring masama sa’yo! Nandito lang ako!” nakangiting sabi ni Cyril na nakalapit na pala sa’min. Nalingunan ko sila Edison at Noemi na mga bagong dating. Kasama din pala sila… Parang gusto ko tuloy isipin na hindi coincidence ang pagkakasama-sama namin sa dorm at ang pagkakakrus ng mga landas namin. Paano kaya kung nandito na ang killer kasama namin? Tiningnan ko yung SSC President na abala sa kausap nito sa cellphone. Ano kayang pinaplano ng Student Council at nag-organize sila ng ganitong event? Balak kaya nilang hulihin yung killer? Pero, paano naman kaya nila yun gagawin? Masama talaga ang kutob ko dito. Napailing na lang ako at napakibit-balikat. Sana lang walang mangyaring masama… Mukhang matagal pa naman bago umalis kaya napagpasyahan kong pumunta muna ng restroom malapit sa building kung saan kami naghihintay ng service. Isang pinto lang ito sa dulo ng pasilyo at base sa signage sa dingding nito, pwedeng pumasok dito babae man o lalaki. Pagpasok ko sa loob, bahagya pa akong nakaramdam ng ginaw dahil sa malamig na hanging biglang dumaan. Hinubad ko muna ang suot kong jacket at saka inayos ang suot kong sleeveless shirt na tinernuhan ko ng jogger pants. Humarap ako sa malaking salamin sa harap ng apat na cubicle at tiningnan ang repleksyon ko. Yosh! Bago ako pumasok sa unang pinto, narinig ko pang may gumagamit sa dulong cubicle. Napalunok ako. Naalala ko na naman ang ilang kwentong nabasa ko noon tungkol sa mga white lady na nagpapakita sa mga CR kapag mag-isa ka lang pumasok sa loob o kaya naman mga poltergeists na dumudungaw sa taas ng pinto ng cubicle habang nasa loob ka at nakaupo. Shiz. Dali-dali akong pumasok sa loob ng pintong kaharap ko at inilock ito. Sobrang tahimik. Napailing na naman ako. Langya Percy ang duwag mo talaga sa dilim! Pilit kong kinalma ang sarili ko. Ilang saglit pa bago ko naramdaman ang paglabas niya. Napahinga ako ng maluwang at saka napailing. Kapag madilim talaga, nagiging paranoid ka Percy! Pagkalabas ko sa cubicle, parang biglang bumagal ang t***k ng puso ko nang makita ko kung anong nakasulat sa puting tiles ng lababo. HI PERCY, LARO TAYO. Napaatras ako. Hindi multo o kung anumang maligno ang nandito kanina. Nandito siya! Nandito ang killer na hinahanap namin! Lipstick ang ginamit na pangsulat ng salarin. Kung ganun… babae siya? Babae ang killer? O baka naman yun lang ang gusto niyang palabasin… Dinampot ko na ang jacket ko at saka lumabas ng restroom. Lakad-takbo ang ginawa ko para makabalik agad sa mga kasama namin. Hindi ko pinahalata ang nararamdaman kong takot nang salubungin ako ni Elize at itanong kung saan ako galing. Sino kaya siya? Aish! Bahala na nga! Kung sino man siya, sisiguraduhin kong mahuhuli ko siya! Maya-maya pa, dumating na rin yung dalawang prof na mukhang makakasama namin sa camp. “Hello guys? I’m Mr. Marlo Laoag and this is Ms. Jyn Miranda, both of us were from College of Psychology at kami ang makakasama niyo sa camp!” nakangiti nitong sabi. Medyo may kalakihan siyang tao habang payat na matangkad na babae naman yung kasama niya. “Kumpleto na ba tayo?” tanong ni ma’am Jyn kay Yvonne. Tiningnan nito ang hawak na listahan at saka bumaling sa’min. “Isa na lang po ang kulang!” sagot nito kay ma’am. “Pumwesto na kayo sa loob at aalis na tayo pagdating ng last student!” sabi nito sa’min. Tiningnan ko yung iba naming kasama. Siguro nasa more than 10 kaming lahat. Pumasok na ako sa loob ng mini-bus at naupo sa likod. Sumunod naman sa’kin si Elize at umupo sa tabi ko. “Ui Percy, dito na lang ako sa tabi ng bintana uupo ha? Gisingin mo na lang ako ‘pag dumating na sa destination!” mahinang sabi nito. “Ah sige,” sagot ko sa kanya. Nagsuot na ito ng earphone at saka sumandal sa bintana sa left side. Ako naman ay nasa right side. Tumingin ako sa labas. Madilim pa din. Kinuha ko yung earphone sa bag ko at saka nagbrowse ng music. Saka na ako mag-iisip tungkol sa kaso. Oo nga pala, iniwan lang naming natutulog sa room si Phillipse kanina. Hindi man lang ako nakapagpaalam. Mamimiss niya kaya ako ngayong 1 week akong mawawala? Ay shiz! Parang may biglang pumitik sa puso ko. Bakit ko ba iniisip yung weirdong yun ngayon? Pinindot ko yung key to play randomly sa phone ko at saka pumikit. Phi… I’m only one call away I’ll be there to save the day Superman got nothing on me Naramdaman kong may biglang tumabi sa’kin kaya napadilat ako’t napalingon. I’m only one call away “Phi?” malakas kong sabi pagkakita sa kanya. Automatic na kumunot ang noo nito. Tinanggal ko yung earphone sa kaliwa kong tainga at hinarap siya. “What are you doing here?” tanong ko sa kanya. “Kasi kasama ako?” nakakunot ang noong sagot nito. “T-talaga? Bakit hindi mo agad sinabi sa’kin?” huli na ng marealize ko kung anong nasabi ko. Napapikit ako bigla. “S-sorry nabigla lang ako hehe,” lumingon ako sa kanan ko para itago ang mukha ko. Ano ba yan Percy! Ano ka ba niya para magsabi sayo di ba? Tsk tsk. “Gusto ko kasing masurprise ka,” narinig kong sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. Nagkamali lang ba ko ng dinig? Nakapikit na ito at may suot na earphone. Hindi ko maiwasang mapangiti. No matter where you go You know you’re not alone I’m only one call away I’ll be there to save the day Superman got nothing on me I’m only one call away “Tss… sa isip pa nga lang kita tinawag ihh,” mahina kong sabi habang nakatingin sa kanya. *** Nagising ako nang maramdamang may mabigat na nakapasan sa kaliwang balikat ko. Paglingon ko, nakita ko si Phi na ang sarap ng tulog habang nakasandal sa’kin. Shiz. Ang lapit ng mukha niya! Bahagya itong gumalaw kaya bumalik ako sa pagkakapikit. Mukhang nagising siya dahil naramdaman kong umalis siya sa pagkakasandal. Ihaharap ko na sana sa kanan yung ulo ko nang maramdamang hinawakan ako ni Phi at sinandal sa dibdib niya. Iniakbay niya pa yung isang kamay niya sa kanang balikat ko. Shiz! Ang bango! “Okay guys! Gising na! Nandito na tayo!” maya-maya’y rinig kong sigaw ni sir Marlo. Parang ayoko pang dumilat! Pwede bang mag-extend? Naramdaman kong nagsimula nang magtayuan yung iba dahil medyo umingay na sa loob ng bus. “Pwede mo kong gawing unan kahit anong oras but for now, bumaba na tayo Percy,” bulong ni Phi. “Kanina ka pa gising di ba?” napaalis ako bigla sa dibdib niya sa sinabi nito. Ay shiz! Obvious ka Percy! Lumingon ito sa kaliwa at halatang nagpipigil ng tawa. Pakiramdam ko, nag-init yung buong mukha ko. Agad kong kinuha yung backpack ko sa taas at saka nauna sa kanyang bumaba. Narinig ko pa yung mahinang pagtawa niya. “Pfft—“ napalingon ako kay Elize na nagpipigil sa pagtawa. “Nakita mo yun Elize?” nanlaki ang mga mata ko sa kanya. “Ihh kasi naman—hahaha nakakatuwa ka bestfriend! Hahaha,” tuloy pa rin ito sa pagtawa. Tinakpan ko yung bibig nito nang makitang palapit sa’min si Phi. Hindi ko tuloy alam kung paano titingin sa kanya. “Hanggang dito na lang yung bus dahil hindi na siya makakapasok pa sa loob dahil masyado ng masukal. We need to walk from here!” sigaw ni ma’am Jyn. Napanganga ako. Tiningnan ko yung lalakarin namin. Mukhang papasok kami sa isang gubat. Naalala ko tuloy yung pagpunta namin sa Camp Chiatri. “Seriously ma’am? We’re gonna walk inside that forest with all our baggages?” maarteng sabi nung kasama naming may kulot na buhok. “Yes. Nasa gitna ng gubat ang tutuluyan nating lodging house kaya kailangan nating makarating doon bago maggabi!” malakas na sabi nito. Nag-angalan yung iba. “Oh my gosh! Ang hina ng signal dito!” sabi nung babaeng may maiksing buhok habang hawak yung phone niya. “Okay class bago tayo pumasok sa loob ng gubat, gusto kong magkakila-kilala muna tayong lahat!” sigaw ni sir Marlo. Tumahimik ang lahat. “This camp is composed of 15 students from different colleges na random pinili ng faculty plus we, 2 professors para magbantay sa inyo! Gusto ko, every stop maghe-head count tayo para alam natin kung may nawawala okay?” “Yes sir!” sagot namin. “Yvonne, you start the introduction!” sabi ni ma’am Jyn kay Yvonne. Nagsimula ng magpakilala ang lahat. Yung maarteng babae na may kulot na buhok kanina ay Steffi pala ang pangalan. Arnie naman yung name nung may maiksing buhok na babae na naghahanap ng signal kanina. Yung dalawang lalaki kanina na maaga din dumating ay sina Wayne at Pampy. Yung ibang kasama ay kilala na namin. Sino magaakalang kasama din sa camp na ‘to sina Aaron, Miviel, Edison, Noemi, Keiichi at Christine? Tinandaan kong lahat ang mga names ng lahat ng participants para mas madali akong makapagtake notes ng observations sa kanila. Isa sa mga natutunan ko sa mga advice ni kuya before ay ang magobserve ng mabuti sa kahit na ano pa mang sitwasyon, lalo na at criminology ang course ko. Kritikal kung may makakaligtaan akong detalye dahil kahit maliit na bagay ay posibleng maging clue sa pagsolve ng isang case. “Okay class, I’ll be giving each of you a map and be sure to walk by groups okay? Wag kayong maglalakad mag-isa! May mga red flag bawat stop-over station at doon tayo maghihintayan at magpapahinga. Bago tayo pumunta sa next station, kailangan kumpleto muna tayo, is that clear?” malakas na sabi ni sir Marlo. “Yes sir!” malakas na sagot namin. Nagsimula ng maglakad yung iba. Nilingon ko si Elize na masayang nakikipag-usap kay Cyril at Aaron. Mukhang nakita niya akong papalapit pero sinenyasan niya lang ako na mauna na. Paglingon ko sa likod ko, nakita kong nakaupo pa sa Phi. Nilingon ko ulit si Elize. Naggood luck sign pa ito. “Err… tara?” lakas-loob kong yaya kay Phillipse. Tumayo na ito. “I thought you’ll just stay here!” nakangiti nitong sabi sabay unang maglakad habang nakapamulsa. Tulad nito, malaking back-pack lang din ang dala niya. Sumunod ako dito at naglakad sa tabi niya. “Ano sa tingin mo ang mangyayari sa camp?” casual na tanong ko sa kanya. “Hmm… tingin ko… may mamamatay,” napatigil ako sa sagot nito. “May mamamatay?” tanong ko sa kanya. Hindi ko maiwasang kabahan. “Blood lust. I can smell it from here. That monster is with us,” seryoso nitong sabi. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Naalala ko yung nag-iwan ng note kanina sa CR. Mukhang tama si Phi dahil ngayon pa lang, nasisiguro kong kasama na namin siya. Tiningnan ko yung mga nasa unahan namin. Mga ilang metro lang ang layo nila sa’min. Nagtatawanan sila at halatang excited. Hanggang sa matapos kaya ang camp na ‘to, ganyan pa rin kaya sila? Makapagsoundtrip na lang kaya total parang wala ng balak si Phi na kausapin ako? Kinapa ko yung cellphone sa bulsa ng jacket na suot ko. May nakapa akong papel kaya inilabas ko ito. Ano ‘to? Strike, struck by a dark reddish dot Clap, clap and a body would drop You walk, you run, unaware of the path A dark road filled with someone's wrath Huh? Automatic na kumunot ang noo ko sa nabasa. Saan galing ‘to? “Oi wag kang magsasound trip dito!” sita ni Phi hindi ko pa man nasasalpak sa tainga ko yung earphone. Napasimangot tuloy ako. Naalala ko bigla yung papel kaya inabot ko ito dito. “Ano yan?” tanong niya. “Nakita ko sa bulsa ng jacket ko,” sabi ko sa kanya. Binasa naman niya ito. “It looks like a manifesto,” seryoso niyang sabi. “You mean, galing sa killer? Kapareho nung text message bago mamatay si Yvette?” tanong ko sa kanya. Tumango ito. “Pero sino? Sinong magiging biktima niya?” “Kahit sino, wag lang ikaw,” bulong nito. Napatitig ako sa mga mata niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. “Wag kang lalayo sa tabi ko,” mahina niyang sabi sabay hawak sa kamay ko. Napansin kong medyo namumula din ito kaya nag-iwas ito ng tingin. “T-tara na!” sabi nito at naglakad na kami. Pakiramdam ko nag-iinit yung buong mukha ko. Hala? What’s with him? And what’s with my heartbeats? Shiz.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD