5th HOUR: First Blood!

1373 Words
“Ui bestfriend, mauuna na akong pumasok sa’yo ha? May gagawin pa kasi akong project eh!” apologetic pang sabi ni Elize pakalabas ko ng CR. Kakatapos ko lang maligo habang ito ay nakasuot na ng complete uniform. “Ehh? Pero di ba 10am pa din naman ang class mo? 9am pa lang oh!” nakasimangot kong sabi sa kanya. “Eh yun na nga, may kakausapin pa kasi ako!” “Hmp, sige na nga! Ingat ka ha?” “Okay! Tara na Cyril!” napaawang ang bibig ko nang yayain nito si Cyril na umalis at sumabay sa kanya. Parang gusto ko tuloy magtampo. Nakangiti naman ng maluwang ang huli at saka sinukbit na ang bag. Umupo naman ako sa mesa at saka tiningnan ang nakahaing pagkain. May pancakes at sunny side-up na nasa plato at may supot din ng pandesal. “Sinong nagluto?” “Not me,” sagot ni Phi na nasa harap ko pala at nagkakape. Ngayon ko lang napansin na nakaligo na din pala ito at nakauniform na. So, ako talaga ang huling nagising sa amin? Kung sabagay, halos madaling araw na din pala akong nakatulog dahil sa kaiisip. Tumayo ako at saka nagtimpla ng kape. Black coffee in the morning really helps relax my brain. “Can I just call you Phi?” halos masamid ito sa bigla kong tanong. “Are we that close?” “Ang haba naman kasi ng Phillipse,” mahina kong sabi sa kanya at saka humigop ulit mula sa tasa ko. Pasimple ko siyang tiningnan at napansin ko ang bahagyang pamumula ng magkabilang pisngi nito. Napakurap-kurap tuloy ako. Shiz. That’s cute. *** Hindi ko alam kung bakit parang pakiramdam ko ay ang daming matang nakatingin sa akin… I mean, sa amin ng kasama ko. Kasabay ko kasi sa pagpasok ang weirdong si Phi. I’m not sure kung dahil ba puno pa rin ng benda yung magkabila kong braso o dahil kahit ang init-init ngayon nakahoodie-jacket itong kasama ko? Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko nang maramdamang nagvibrate ito. Yieeh magkakalablayf ka na bestfriend! Boto ko jan kay papa Phillipse! Napanganga ako sa text ni Elize. Ang babaeng iyon talaga! Sabi niya may tatapusin siyang project kaya maagang umalis! Nananadya pala siya! Nakuu! Don’t tell me… I replied. Hehe I noticed you kasi since yesterday na panay ang nakaw mo ng tingin kay Phillipse kaya me and Cyril decided na bigyan kayo ng moment! HAHA I’m very supportive, right? Am I really that obvious yesterday? Nakucurious lang naman ako sa kanya saka sa mga pinagsasasabi niya kaya ako napapatingin sa kanya. I replied. It’s not wat u think! “Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Mamaya niyan madapa ka kakatingin sa cellphone mo!” masungit nitong sabi. Napasimangot ako. Ibinalik ko na yung cellphone sa bulsa ko at naglakad sa tabi niya. “Hindi ka ba talaga naiinitan?” maya-maya’y tanong ko sa kanya. “Hindi,” maiksing sagot nito. “Akala ko ba hindi ka nalabas ‘pag may araw?” pang-iinis ko sa kanya. “Hindi nga kasi ako vampire!” nakakunot ang noong sagot nito. “Pero ayaw mo sa liwanag?” “Sort of” “Nyctophilic ka?” Napatigil ito sa paglalakad. U-oh! May nasabi ba kong masama? “I’m impressed you’ve found that word with that brain of yours!” sarcastic nitong sabi. “Anong palagay mo sa’kin, walang utak? Tss,” nilampasan ko siya. Ayoko pa man din sa lahat, yung hinuhusgahan yung I.Q ko! Nakakainis! “Sino ba namang nasa matinong pag-iisip ang pupunta sa gym ng 7 pm ng gabi at walang kasama?” sabi nito. Bigla akong natigilan. “Paano mo nalamang 7 pm ako nagpunta ng gym?” Hindi niya ako sinagot. Nauna itong pumasok ng room. Tiningnan ko yung room na pinasukan niya. Room ko din ito ah? Sinundan ko siya at nabigla ako nang mapansing nagbubulungan ang mga tao sa loob. Bulong na naririnig ko naman. Napasimangot na lang ako. “Look who’s here…” “Malanding babae…” “b***h!” “She deserves those bandages!” “Carrier of a monster’s blood!” napatingin ako sa nagsabi nito. Tinaasan niya lang ako ng kilay. “My brother is not a murderer!” sigaw ko sa kanya. “Oh yeah? Eh anong tawag mo sa taong pumatay ng tao? Ng maraming tao? Hindi ba murderer? Monster?” “Stop it Yvette!” lumingon ako sa babaeng bagong dating. Biglang tumahimik ang lahat. “Totoo naman ang sinasabi ko Pres! That girl’s brother is a murderer!” “May ebidensya ka ba diyan?” tanong ni Cyril na kakapasok lang. Kasunod nito si Keiichi at Christine. Teka, room din ba nila ‘to? Oo nga pala, minor subject lang ito kaya pwedeng kumuha kahit taga-ibang department. “Hindi pa ba sapat na ebidensya na yung kuya niya lang ang hindi pa nakikita ng mga pulis? For all we know baka nasa malayong lugar na iyon at nagtatago!” “Stop it Yvette! Wala kang kinalaman sa nangyari kaya mabuting tumahimik ka na lang!” mahinahong sabi ni Keiichi. “Pero Keiichi—“ “Sige na bumalik na kayo sa upuan niyo! May iaannounce ako!” sabi nung babaeng tinawag na Pres kanina. Napabuntung-hininga na lang ako sabay lakad papunta sa likod. Tumabi ako kay Phillipse na nakatungo lang sa desk nito. Nakakadismaya naman ang isang ‘to! Parang laging walang pakialam sa mundo! Naramdaman ko na namang nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko. From: +6397532***** Absorbed in a maze, like a rat being trapped Let’s start the game and see if I’ll be stopped. You look, you seek but not what you need A heart of a b***h, I’ll get, I’ll succeed. Sino naman kaya ‘to? I replied. Who are you? Message sent! Ipinatong ko na lang muna sa table ko yung cellphone ko. Tumingin ako sa harap nang magsimula nang magsalita yung tinatawag nilang pres kanina. “Good morning everyone! Sa mga hindi pa nakakakilala sa’kin, I’m Yvonne Virtucio, student council president and I’m here to inform you na magkakaroon tayo ng camp two weeks from now!” “Camp? Ayokong sumali dyan!” “Oo nga… paano kung maulit yung nangyari sa Camp Chiatri?” “Ano ba namang iniisip nila?” “Baka nahihibang na ang Student Council?” Napuno ng bulungan ang class room. “Shh! Quiet!” sigaw ni Yvonne. “Hindi mandatory ang camp kaya wag kayong mag-alala! This camp is only good for 15-20 students na pipiliin ng mga professors. So sa mga mapipiling sumama, you have no choice but to go!” Parang may masama akong kutob dito ahh… “So ibig sabihin kapag napili ka, hindi ka pwedeng tumanggi?” tanong nung isa naming classmate. “That’s right! Itetext ng mga professors yung mga students na mapipili nila this week kaya sa mga mapipili, you really have no choice but to participate!” “Random ba ang gagawin nilang pagpili o may criteria sila?” tanong ng isa pa. Napatingin ako sa babaeng nagpakilalang president ng Student Council at sa di malamang dahilan ay nagtama ang mga mata namin at ngumiti ito ng makahulugan. “Only the chosen ones will be needed to come.” Hanggang sa matapos ang klase, panay pa rin ang bulungan ng mga classmates ko. Hinintay ko munang makalabas ang lahat bago ako tumayo. Nilingon ko yung katabi ko na buong tatlong oras na klase ay natutulog. Gigisingin ko pa ba siya? “Wui Phi! Tapos na ang klase!” sabi ko sabay yugyog sa balikat niya. Nakatungo pa rin ito sa desk nito. “Asdfghjk—“ ungol nito. “Ha?” nilapit ko ang mukha ko sa ulo niya para marinig ko kung anong sinasabi niya. “I said ‘just go!” bigla itong bumangon kaya muntik na akong tamaan ng ulo nito. “Ang sungit mo naman! Ikaw na nga ginigising diyan eh! Tss!” inis na sabi ko sabay kuha ng gamit. “Bahala ka nga diyan!” sigaw ko sa kanya sabay labas ng room. Oo nga pala, hindi ko pa tinitingnan kung nagreply na yung tinext ko. Kinuha ko yung cellphone ko at tiningnan ito. From: +6397532***** Go to the restroom so you would know. Bigla akong kinutuban ng masama. Tumakbo ako papuntang restroom na hindi naman kalayuan mula sa room namin. Hindi pa man ako nakakapasok ay nakarinig na ako ng sigaw mula sa loob. “Ahhhhhhhh!!!” napatakbo ako papasok dito. Naabutan ko yung isa sa mga classmates ko kanina na umiiyak habang nakaturo sa pang-apat na cubicle. “Anong nangyari?” tanong ko pagkalapit ko sa kanya. Tiningnan ko yung tinuturo niya. Shiz. Si Yvette. Nakasalampak siya sa sahig ng cubicle at naliligo sa sarili niyang dugo. May mga laslas siya sa leeg at mukhang may malalim siyang sugat sa dibdib. Sa kanang kamay niya’y may kung ano siyang hawak. Napatakip ako ng bibig at halos masuka ako nang marealize ko kung ano ito. Puso. Tinanggalan siya ng puso. Napaatras ako. Who could have done this? Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong magring. Habang nanginginig ang kamay ay sinagot ko ang tawag. “First blood!” halos bulong na sabi ng nasa kabilang linya at pagkatapos ay nakarinig ako ng tawa. Tawa ng isang walang awang nilalang. Tawa ng isang halimaw. Damn it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD