YEAR 2021| Makati City, Philippines
Good Morning Ms.Charm,maaari napo kayong pumasok sa opisina ni sir Lukaz,
Magalang na sabi ng sekretarya ni Lukaz at pinag buksan pa siya nito ng pinto at sumenyas na maaari ng tumuloy sa loob.
Hello Charm!take a sit,
Sabay tayo nito sa swivel chair at itinuro ang couch na nasa wing side ng opisina nito,at pagkatapos ay sabay na umupo ang dalawa
By the way,napag isipan muna ba yung tungkol sa Email na sinend ko sayo kagabi?
Nakangiting bungad na tanong nito,at ngumiti naman si Charm at tumango ..
Yes,tinatanggap ko ang offer mo Mr.Sandoval, satingin ko maganda ang kuwento ng at marami ang magkaka interes na panuodin isa pa hindi ito yung common na movies na napapanuod natin ngayon sa kasalukuyan.
Tama ka Charm,this is a Classic tale between two people from the ancients times.
Oh! By the way naihanda kuna yung script,pwede mo nang mabasa para mag karoon ka ng idea and one more thing, please call me Lukaz napaka formal ng Mr.Sandoval di ako sanay.
Sobrang inspired talaga ako gumawa ng bagong movie pagkatapos ng event sa museum,then i researched about more sa lovestory nila para maging maganda ang kalalabasan.
And here,
Sabay abot nito ng dalawang litrato kay Charm at mabilis niya naman itong kinuha at maiging pinagmasdan.
Ayon sa lumang kwento,ang iksaktong lugar na pinangyarihan ng pag iibigan nila ay sa dulong parte ng ating bansa.
"Manuk Mangkaw Island Simunul Tawi-Tawi"
Naisip ko kasi na para mas mag mukhang makatotohanan ang gagawin nating movie ay doon natin mismo ito isu-shoot,
Wow,! Napaka galing mo talaga, kaya't hindi na ako magtataka kung bakit nahahanay ka sa mga magagaling na director dito sa bansa natin mr.Sandoval .
Buong paghangang nasambit ni Charm kay Lukaz na kinangiti naman nito.
By the way sino nga pala ang magiging lead actor?meron naba kayong nakuha?
Magiliw na tanong nito kay Lukaz habang tutok pa rin ang mga mata nito sa script na binabasa
Oh yes, great questions, honestly may tatlo kaming pinagpipilian para sa role na iyon,kaso ang gusto ko kasi yung fit na fit para sa gagampanan nilang karakter,
Like Vince,bagay na bagay siya sa karakter ni Fides,matangkad,matipuno at higit sa lahat he looks like native Filipino.
Tila napansin naman ni Lukaz ang pag iba ng timpla ng mukha ng dalaga,
Oh sorry Charm,'i mean is pinag iisipan ko palang naman,
No it's Okay mr.Sandoval wala pong problema sa akin kahit sino po ang maging lead ko okay lang.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ngumiti ito kay Lukaz,kahit na ang totoo ay tila may nagrambulan ng mga daga sa loob ng dibdib niya.
I'm sorry Charms,i know about what happened before,pero alam kung hindi ikaw yung tipo ng babae na mahina at magmumukmok, listen Charm kung makikita ng tao na hindi kana affected sa nangyari noon sila mismo mahihiya ng manghusga sayo.
Tama naman si Lukaz,hindi ko kailangan magpaliwanang sa lahat ng tao,kung gusto nilang paniwalaan ang side ko edi maganda,at kung ayaw naman nila wala na pa akong dapat gawin doon dahil problema na nila iyon.
*********
Kinagabihan ay abala si Sammy at Charm sa pag iimpake ng mga gamit na dadalhin nila sa isla dahil hindi naman ito short film siguradong aabutin sila ng mahigit isang buwan doon kayat nag pasya silang dagdagan ang mga damit na kanilang dadalhin.
Totoo bang si Vince ang makakasama mo sa next project mo?
Tanong ni Sammy kay Charm ng mapansin nito ang pananahimik ng kaibigan.
Yeah,maikling sagot naman nito at patuloy parin sa pag lalagay ng gamit sa maleta nito.
Napapaisip si Charm kung paanong pakikitungo ba ang gagawin niya rito sa oras na magkita silang muli ng dating kasintahan.
Natatandaan pa nito na wala na silang huling pag uusap matapos ang panunugod na ginawa ng asawa ni Vince sakanya at nalaman niya na lamang nasa lumipad na ito patungong Amekira.
At pagkatapos noon ay wala na siyang nabalitaan pa sa dating nobyo,kahit galit ay nais niya parin itong makita makausap dahil napakaraming tanong sa isip niya noon nagusto niyang masagot ngunit kahit personal breakup ay hindi narin nangyari.
Umasa siya ng mga panahon na iyon na magpapakita sakanya si Vince upang humingi ng tawad o kahit magpaliwanang man lamg pero talagang wala,kaya lalong hindi naging madali para sakanya ang makalimot dahil hindi nabawasan ang sakit kundi lalo lang nadadagdagan sa pag lipas ng panahon.
Nang masigurado ng ayos na ang lahat ng mga dadalhin ay tinawagan ni Sammy ang personal hairstylist ni Charm nasi Lara upang sabihan na kasama itong aalis at upang makapaghanda.
Dahil maaga pa ang alis nila kinabukasan ay nag-aya nadin si Sammy na mag pahinga na ng gabing iyon,dahil pagod nadin si Charm ay hindi na rin ito tumangi pa.
Kinabukasan ay maaga namang dumating ang personal driver ni Lukas upang sunduin sila at ihatid sa isang private resort sa Batangas na pag mamay-ari ni Lukaz,'
Pag dating doon ay na mangha sila sa ganda ng paligid at napakagandang resthouse na nababalutan ng puting pintura meron din itong glass pool sa taas na bahagi ng resort at napapalibutan ng mamahaling mga halaman.
Naglibot-libot pa sila Charm at Sammy kasama rin nila ang ibang staff at nagulat sila sa nakita na tila di makapaniwala na may dalawang yate na nakadaong sa may baybayin dika layuan sa may resort na sa tingin nila ay pag mamay-ari din ni Lukaz.
Magiliw naman silang sina lubong ng taga pag bantay ng resort at inayang pumasok muna sa loob upang makapang tanghalian bago sila umalis,"
Pag dating sa loob ng villa ay dumeretcho sila sa dulo bahagi nito at isang malaking painting ang sumalubong sakanila at isang mahabang lamesa na gawa sa nara at pinapatungan ito ng isang makapal na salamin napapalibutan din ito ng ibat ibat uri ng seafood at mga prutas.
Gawa sa purong salamin ang bawat parte ng dinning area naka bukas din ang glass door kaya naman napaka aliwas at napaka presko ng hangin na pumapasok roon idagdag mupa ang mamahaling halaman sa bawat sulok ng lugar na lalong dumadagdag sa kagandahan nito.
Hello everyone!!Nasiyahan ba kayo sa paglilibot sa labas??
Nakangiting tanong ni Lukas sa kanyang mga bisita habang nag lalakad palapit sa mga ito.Naka suot lamang ito ng puting cotton na T-Shirt at summer short at pares ng puting tsinelas na talaga namang bumagay sa maamo nitong mukha..
Come on let's eat first,bago tayo magbyahe papa puntang tawi-tawi naka ngiting sabi naman nito sa bisita at hinatak ang upuan para umupo.
Habang kumakain ay di maiwasan ni Charm na mapatingin kay Lukas,kung noon ay sa TV at cellphone niya lang ito napapanuod ngayon naman ay kasama niya na ito at ano mang oras ay maaari niyang mahawakan.
Napaka simple niya lang kung titingnan at dimo aakalaing na sobrang yaman at napaka down to earth din nito kung makitungo sa mga tao kaya dina siya magtataka kung bakit marami ang humahanga dito.
Pag katapos ng masayang kainan ay umalis na din sila Charm kasama ang buong team ni Lukas gamit ang yate nito,
Dahil malayo ang tawi-tawi ay malamang gabi na sila makakarating doon,habang nasa byahe naman ay masayang nag kekwetuhan ang mga ito nag labas din ng ilang maiinom at makakain ang staff ni Lukaz.
Napapangiti si Charm habang pinagmamasdan si Lukaz makipag kwentuhan sa mga tauhan nito na para lang silang mag kakakaibigan yung tipong hindi na sila ilang sa isat isa kaya't ramdam mong maganda ang pakikitungo nito sa mga empleyado niya kung minsan pa nga ay binibiro pa sya ng mga ito at nakikisabay din sa tawanan.
Alas dos na ng madaling araw ng makarating sila, sa isla dumeretcho sila sa isang private resort na pag mamay-ari ng isang batang negosyate na kasalukayan ngayon nasa america.
Dahil madilim pa ang paligid kahit gustuhin man nilang ikutin ang isla ay madilim na at antok na sila kaya nagpasya silang magpahinga muna at ipagpapabukas na lamang at paglilibot sa paligid.