AUTHOR'S NOTE;
THE STORY CONTAINS SCENES THAT NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG READERS.
TAON 1519 | SA BALAY NG RAJAH
Ipag paumahin niyo ang aking biglaang pag dalaw sainyong balay mahal na Rajah naiis ko sana kayong makausap ng masinsinan tungkol sa inyong anak na binukot nasi Sanaya sana ay pag bigyan niyo ang aking kahilingan..
Walang problema Ginoo,ano ba ang nais mong pag-usap natin tungkol sa aking anak?Mahinong tanong sakanya ng Rajah.
Nais ko sanang kunin ang kamay ng inyong anak at hilingin ang basbas upang siya ay aking mapangasawa nawa'y ipag paumanhin niyo ang aking kapangahasan.
Magalang at naka yukong sabi nito sa harap ng Rajah..
Nagulat man ang Rajah sa sinaad nito ngunit sumangayon din ito kalaunan dahil satingin niya ay karapat dapat nga ang Ginoo sa kanyang anak na Binukot(dalaga)
Bukod sa isa itong magiting na mandirigma ilang taon din nitong pinag silbihan ang bukot ng kaniyang mga anak at hindi lang iyon marangya rin ang kanilang pamumuhay dahil ang ama nito ay isang datu at galing din siya sa dugo ng mga kadatuan..
Mamaya sa pag lubog ng araw ay nais kung magbalik ka dito sa aking balay kasama ang iyong mga magulang at ang bugay na nararapat sa aking anak upang simulan ang pamamangkaw (pamamanhikan).
Nakangiti ngunit ma awtoridan na sabi nito.
Na agad namang sinang-ayunan ng Ginoo kayat nung araw din iyon ay nag nagbalik siya sakanilang banwa upang ipagbilay alam sa kaniya mga magulang ang kaniyang naging pasya..
Nang malaman ni Sanaya ang balak ng Ginoo na pamamangkaw ay nag uumapaw ang kaniyang saya at sabik na siyang makitang muli ang kaniyang sintang Ginoo at wala siyang nararamdaman na anumang pag tutol dito bagkus ay ikinatuwa niya pa ito ng lubos.
Bago pag lubog ng araw tulad ng napag usap ay dumating na nga sila Fides kasama ang kaniyang amang Datu nasi Surigadon at ang kaniyang ina nasi Hara Odessa dala ang mga bugay na nararapat sa binukot..
Sa balay ng Rajah naganap ang pamamangkaw
kayat naroon na ang mga matatandang timawa na may mataas na katungkulan sa kanilang puod, maging ang Ina nitong si Hara Salema at kapatid na binukot nasi Hasinas ay naroon nasa balay ng Rajah na kapwa balot na balot ang buong katawan.
Maayos na ang lahat at pawang pag dating nalamang ni Sanaya ang hinihintay..
Sa ilang sandali ng paghihintay ay dumating nadin sa balay ng Rajah ang kaniyang anak na binukot,lulan ito ng isang kahon na kahoy na may upuan sa loob at tatlong siwang na nag sisilbing daanan ito ay buhat ng apat na Uripong lalake.
Pag pasok sa loob ay umupo ito sa tabi ng kaniyang iloy(Ina)at kapatid,kahit mata lamang ang makikita mo rito ay sapat na upang mapuno ng galak ang puso ng ginoo.
Isang mahabang pag uusap ang naganap sa magkabilang panig at pag katapos ibigay ang bugay na kanilang dala ay napagkasunduan ng mga ito na bukas pag putok ng araw ay gaganapin ang kanilang pag iisang dibdib.
Kapwa hindi makapaghintay ang dalawang mag katipan sa kani lang pag iisang dibdib para bukas..
******
Masaya ang buong puod dahil ngayong araw gaganapin ang pag iisang dibdib ni Fides at Sanaya na lubos na ikinatutuwa ng kanilang mga naaakupan.
Naganap na ang sirimonya ng kasal na pinamunuan ng kaniyang amang Rajah saksi ang matatandang timawa na nakakataas sa puod.
Ang buong banwa ay nag diwang ng matapos ang pag-iisang dibdib ng dalawa.
Sa unang gabi ng kanilang pagsisiping ay hindi maitatangi ng dalawa na parehas ang emosyon na nararamdaman nila sa isat isa, isang mapusok na halik ang ginawad ni Fides sa kanyang asawa na kapwa sinangayunan nito, ang bawat halik ay pumalibot sa buong katawan ni Sanaya na tila nag papaubaya lamang ito sa kagustuhan ng kahiyang bana,
Isa isang inalis ng Ginoo ang saplot ng kaniyang asawa at isang nag aalab na sensyon ang hatid nito kay Sanaya na tila hindi mapigilang humalinghing sa bawat hakbang na ginagawad sakanya ng kaniyang kabiyak.
Kapwa humihingal ang dalawa ng sila ay muling magyakap pag katapos pagsaluhan ang init ng kanilang pagmamahalan at mula sa bintana ang liwanag ng sinag ng buwan ang bumabalot sa kapwa hubad nilang mga katawan.