TFW
Chapter 30: Accident
NAGISING ako na masyadong mabigat ang pakiramdam at parang dinaanan ng malaking truck ang katawan ko. Err, what?
Napabangon ako ng wala sa oras at halos mahilo ako dahil sa biglaan kong pag-upo sa kama. Napahawak ako sa ulo ko.
"Huwag ka kasing bumangon nang hindi pa tuluyan na nagigising ang diwa mo," narinig kong sabi ng asawa ko at namilog ang mga mata ko sa naalala ko kagabi.
Ginawa talaga namin iyon?! Seriously?
Kumunot ang noo niya nang makita ang reaksyon ko.
"Don't look at me like that! Na para bang pinilit kita na gawin iyon!" asik niya sa akin.
Naghahanda na yata siya para sa trabaho niya. Dahil pormal na ang suot niya ngayon.
"What time is it?" tanong ko at napatingin ako sa bedside table.
8AM na at may pupuntahan pa kami ngayon ni Miamor!
Agad-agad akong bumaba sa kama at doon ko lang nakita ang suot ko. Iyong hinubad na shirt ni Jinsen ang suot ko ngayon at puting pajama niya rin.
Muntik pa akong mawalan nang balanse kung hindi lang mabilis na hinapit niya ako sa baywang.
"What's wrong? Bakit nagmamadali ka?" naaasar na tanong niya sa akin.
"I need to go home!" sagot ko at sinubukan kong kumawala mula sa bisig niya pero hindi niya ako hinayaan.
"Jinsen!"
Humigpit lang ang yakap niya sa baywang ko at ang isang kamay niya ay itinaas niya sa mukha ko para lamang ayusin ang nagulo kong buhok.
Amoy na amoy ko na ang pamilyar na sabon na ginagamit niya at ang pabango niya rin pero wala lang sa kanya ang yakapin ako, eh alam kong amoy pawis na ako dahil sa ginawa naming exercise kagabi!
Inangat pa niya pataas ang chin ko para lamang nagsalubong ang mga mata namin.
"I just claimed you last night. But why the hell you looks beautiful even more? Is that your secret, honey?" naaaliw na tanong niya sa akin at nagawa pa niyang singhutin ang buhok ko kaya tinulak ko na siya sa dibdib niya.
"Claimed? Nag-enjoy ka sa exercise natin kagabi?" nang-aasar na tanong ko sa kanya. Dahilan na nawala ang ngiti niya sa labi.
"Y-You called that exercise? What the fvck, Hersey?!" Napahalakhak lang ako pero impit na napahiyaw ako nang basta na lamang niya akong inihagis sa kama at mabilis na kinubabawan ako.
"Jinsen!" I warned him. Nang-aasar na tinawanan lang niya ako at dinala sa gilid ng ulo ko ang magkabilang kamay ko. Mahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko.
"Jinsen! Let go of me!"
"Ulitin mo ang sinabi mo kanina. What is it again? An exercise, Hersey?"
"Bitawan mo ako, Jinsen. Mahuhuli ako sa lakad namin ni Miamor Ferrara!" sigaw ko pero umiling lang siya. Ni hindi man lang siya kumilos.
"Miamor Ferrara? Si Senator Ferrara ba `yan, Hersey?" tanong niya sa akin.
"Yes, bitawan mo na ako," humihingal na sabi ko dahil pinipilit ko na tanggalin ang kamay niya sa akin.
"Bakit nilalapitan mo si Senator Ferrara? Magulo ang buhay niya, Hersey. Dapat alam mo `yon," seryosong sabi niya sa akin.
"I know. I'm her bodyguard! Bitaw na dahil may pupuntahan kami later," sabi ko.
"Jinsen..." naiinis na sambit ko sa pangalan niya.
"What's going on here?!" Umalingawngaw sa buong silid ang boses ni Sarina na may halong hinanakit? Kasi ganoon ang boses niya, eh.
Ni hindi man lang ako pinakawalan ni Jinsen pero nagawa ko na siyang pagtulakan kaya nakaalis na ako sa kama.
"Babe?" malamig na sabi nito.
"Sarina." I rolled my eyes nang marinig ko ang malambing na boses niya.
"Ano'ng ginagawa niya rito? At ano'ng... ano'ng nangyari sa bed mo, Jinsen? Bakit magulo?" namimilog ang mga matang tanong niya. Gusto kong tumawa para mas maasar siya.
"Nag-exercise kami kagabi, eh," singit ko.
"Hersey!" I shrugged my shoulder dahil sa pagsambit niya sa pangalan ko.
"Eh, ano ba ang dapat na itatawag doon? Nag-s*x tayo?" walang ganang tanong ko at mariin na napapikit mata siya. Nabuga nang hangin mula sa bibig niya.
Lumayo ako nang akmang lalapit siya sa akin. Malutong na napamura na naman siya.
"What...what did you do last night, Jinsen? Are you... are you?"
"Let's talk outside, Sarina. May sasabihin din ako sa `yo," mahinahon ang boses na sabi niya at ako na sana ang mauunang lalabas nang hilahin ni Jinsen ang siko ko.
"Ano? Uuwi na ako, may lakad pa ako mamaya," sabi ko at pinanlakihan ko pa siya ng mga mata.
"Hindi ka uuwi sa condo mo na ganyan ang suot mo, Hersey," mariin na sabi niya sa akin at umigting pa ang panga niya.
Tiningnan pa niya ang dibdib ko na mabilis din siyang nag-iwas nang tingin doon tapos biyolenteng napalunok pa.
"What's this?! M-May nangyari nga sa inyo kagabi?! Jinsen!"
Bored na tiningnan ko lang si Sarina at galit na galit na siya ngayon. Hawak niya ang hinubad ni Jinsen na bra ko.
"Ano ba dapat ang gagawin namin ni Jinsen kagabi? Sa tingin mo, Sarina, ano?" malamig na tanong ko sa kanya.
Hindi ko masasabi kung saan ba siya mas maiiyak. Sa nalaman na may nangyari sa amin ng asawa ko kagabi o ang maiiyak siya dahil parang wala lang iyon kay Jinsen?
"Jinsen! How dare you?! You cheated on me with this damn girl na wala namang ibang ginawa sa `yo kundi ang paglaruan ka lamang?!" sigaw niya at ako ang nawalan ng kontrol sa sarili kaya hindi ko namalayan na nakalapit na pala ako sa kanya. Malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi niya.
Napasinghap siya sa gulat at mas naiyak na. Para siyang baliw kung makasigaw.
"Sarina, stop it!"
"How dare you, Jinsen?! How dare you do this to me! You asshole! Magsisisi ka kung bakit nilapitan mo pa siya! Masasaktan ka lang sa kanya!" sigaw niya at mag-asawang sampal na ang ibinigay ko sa kanya.
"Ang kapal ng mukha mo na sabihin`yan," walang emosyon na sabi ko at bago pa makahakbang papalapit sa amin si Jinsen ay nagawa ko nang hablutin ang buhok niya.
Kinaladkad ko pa siya kaya mas lalo siyang umiyak nang malakas.
"Hersey!" Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ng asawa ko at hinila ko palayo roon si Sarina.
Hindi ko nga rin alam kung bakit ang bagal-bagal niyang maglakad para lapitan kami. Parang hinahayaan niya rin kami, eh.
"Damn you, Hersey! Bitawan mo ang buhok ko!" Naiirita ako sa boses niya kaya mas humigpit ang hawak ko sa buhok niya.
"Alam mo. Hindi pa ako nakakaganti sa `yo. Iyong tipong iiyak ka talaga ng dugo, Sarina. Matagal na akong nagtitimpi sa `yong tang-na ka, ah!" mariin na sigaw ko sa tainga niya at nang makalabas na kami sa kuwarto ay ro'n ko lang siya binitawan.
"AHH!" umiiyak na sigaw niya.
Mas lalong nadagdagan ang galit ko sa dibdib nang paulit-ulit niya ring sinisigaw ang pangalan ng asawa ko. Naririnig ko rin ang mabibilis na footsteps ni Jinsen. Nagmamadali na siyang lumapit sa amin.
"Sinasabi ko sa `yo, Hersey! Hindi mo matutulungan si Jinsen dahil mas lalo mo lang siyang pinapahamak!" sigaw niya sa akin pero hindi ako nagpatinag.
Walang emosyon na tinitigan ko lang siya, "Sige, para magkaalaman na tayo ngayon. Sasabihin ko--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang marinig ko ang boses ng anak ko.
"Mommy?" tawag niya sa akin na ikinalingon ko sa kanya.
Nakita kong naglalakad na siya palapit sa amin at hawak-hawak pa niya ang music box niya. Napangiti siya nang makita ako.
"Mommy!" sigaw niya at hahakbang pa sana ako para salubungin siya nang mabilis na hinila ni Sarina ang anak ko.
"Sarina..."
"Dito ka na masisira, Hersey," banta sa akin ni Sarina.
Nabigla ako sa sunod na ginawa niya at hindi ko na magawang kumilos pa nang marinig ko ang sigaw ng anak ko.
"Mommy!"
"Jinsel!" sigaw ko sa pangalan ng anak ko at sa ganoong eksena kaming nadatnan ni Jinsen.
Nanlaki ang mga mata ko at ramdam ko na ang pag-iinit ng sulok nito. Umawang ang labi ko at namanhid ako sa sobrang takot na lumukob sa akin sa mga oras na iyon. Para akong mawawalan ng ulirat at tila nawalan ako ng pandinig.
"Jinsel!" Ang nakabibinging sigaw ng asawa ko ang tanging narinig ko at ang nagmamadali niyang paghakbang sa baitang ng hagdanan upang makababa kung saan nandoon ang anak ko at si Sarina na halos naliligo na sila ng sariling dugo nila.
"Jinsel, baby! Fvck!"
Hindi ko... Hindi ko... Damn it... Ang anak ko...
Kahit nanghihina ang mga tuhod ko at sa sobrang lakas nang kabog sa dibdib ko ay nagawa kong bumaba para lapitan din si Jinsen.
Ang anak ko... His eyes are closed...
"J-Jinsel..." basag ang boses na sambit ko sa pangalan ng anak ko.
"Jinsel, baby... Wake up... W-Wake up, son... Jinsel..." umiiyak na sambit niya sa pangalan ng anak namin.
Nagsunud-sunod na bumagsak ang mga luha ko sa pisngi at ang tila patalim na sumaksak sa dibdib ko dahil sa mga nakikita ko ngayon.
"Jinsel! J-Jinsel, don't do this to me, baby... Please, Jinsel!"
Doon nawalan ako nang panimbang at bigla na lang ako bumagsak sa sahig habang hawak-hawak ko ang nananakit kong dibdib.
Isa sa bagay ang kinakatakutan ko ang makita ang anak kong nasasaktan. Ang makita ang pag-iyak niya dahil alam ko kung ano ang mga dahilan kung bakit nagkakaganoon ang anak ko pero ito...
Ito ang pinakamasakit na makita na walang malay ang anak ko at punong-puno ng dugo sa maliit niyang katawan.
"Jinsel, I'm sorry... J-Jinsel..." umiiyak na sabi ko at halos kapusin ako nang hininga.
Maririnig sa buong mansion ang sunod-sunod na footsteps at alam kong natataranta ang mga kasambahay dahil sa malakas na pagsigaw ni Jinsen.
"Call the fvcking ambulance! Hurry up!"
"Jinsel..."
"No, stay there! Don't come near us!" sigaw sa akin ng asawa ko habang yakap-yakap niya ang anak namin. Wala siyang malay...
Si Jinsel... A-Ang anak ko...
"J-Jinsen..." Napalingon ako kay Sarina na malapit lang sa puwesto ng mag-ama ko at umiiyak na siya ngayon.
"S-Sarina... W-What happened? Bakit... bakit..."
"Si Hersey..." Iyon lang ang sinambit ni Sarina bago siya nawalan nang malay.
Hindi ko magawang makalapit sa kanila dahil sa malamig na tingin sa akin ng asawa ko.
"Jinsen... K-Kasalanan ko... Kasalanan ko..." ang tanging nasambit ko dahil mas nag-aalala ako sa kalagayan ng anak ko.
"Huwag kang lumapit sa amin! Diyan ka lang! D-Diyan ka lang..." Masama ang tingin niya sa akin at sobrang lamig no'n pero umaagos ang mga luha niya sa pisngi.
"J-Jinsen si Jinsel..." umiiyak na sambit ko.
"This is your fvcking fault! You hurt my son!"
"I'm sorry... I'm sorry, J-Jinsel... B-Baby..."
"Stop! Sana... sana nakinig na lang ako kay Sarina. S-Sana nakinig na lang ako sa kanya... Na hindi ka nakabubuti sa amin... Na wala kang ginawa kundi ang saktan kami ng anak ko! You tried to kill my son, Hersey..."
"I'm s-sorry... I'm so s-sorry..." I said as I cried.
Gusto kong lumapit... Gusto kong yakapin ang anak ko... Gusto kong gisingin siya...
I'm so sorry, baby... Jinsel... Kasalanan ni Mommy... K-Kasalanan ni Mommy... Gumising ka, anak... Gumising ka, please...
Huwag mong iwan si Mommy... Jinsel, anak ko...
"W-Wake up, son... Wake up... Don't leave me, baby... Please, wake up... Huwag mo namang saktan si D-Daddy... Gumising ka na, anak ko... Please..." patuloy na sabi niya at pinipilit niya na huwag gumawa nang kahit ano'ng galaw dahil natatakot siya.
"Sana hindi ka na dumating sa buhay namin! Hindi na sana kita pinilit pa na gawin ang bagay na iyon! Hindi na sana kita minahal! Sana hindi ko na binigyan pa ang sarili ko na maalala ka pa! Nagbingi-bingihan ako sa sinabi sa akin ng lahat na you're not good for me! Na hindi lang ako ang kaya mong saktan! Maging ang anak ko! Sana hindi ko na pinakinggan ang sinisigaw ng puso ko kaya naisipan ko ang cross the line! Hindi na sana nangyari ito..."
"Jinsen..." Humagulgol lang ako dahil wala akong magawa...
"I love you, Hersey... But this... Hindi ko alam kung kaya pa kitang mahalin gayong dinamay mo pati ang anak ko... Handa akong mag-risk... Handa na akong bitawan si Sarina kahit siya ang tumutulong sa akin para makaalala... Handa na akong tanggapin ka at gawing ina ng anak ko pero sinira mo lang! I fvcking hate you! At hinding-hindi kita mapapatawad! I'll sue you..." umiiyak na sabi niya at kasabay no'n ang ingay ng ambulansya mula sa labas.
Napatakip ako sa bibig ko. Sobrang bigat sa dibdib...
"Jinsel..."
Naiwan ako sa mansion nang mag-isa at halos hindi ko namalayan ang lahat tanging nagawa ko ay ang yakapin ang music box ng anak ko na natanggal na ang buwan at bituin nito sa itaas pero tumutunog pa rin.
Nanikip ang dibdib ko at iyak lang ako nang iyak.
"Hersey..."
Sa nag-uulap kong mga mata ay nilingon ko siya. Hindi ko siya makita nang malinaw pero sa boses pa lang niya ay kilalang-kilala ko na siya.
Mahigpit na yakap ang ginawa niya sa akin at mas lalo akong umiyak.
"G-Gusto kong puntahan ang anak ko, please..."
"Just calm down, Hersey..."
"Please, d-dalhin mo ako sa anak ko... Kailangan niya ako roon... Kailangan ako ni Jinsel, Cyan..."
"Alright..."
Please, Lord... For the second time around. I want to beg...help me. Save my son... Save my son, please...