CHAPTER 21

2067 Words
Chapter 21: Hint & Bond "KUNG nag-aalala ka sa girlfriend mo, bakit hindi mo sundan at umuwi ka na sa Manila?" walang emosyon na saad ko kay Jinsen. Kanina pa kasi siya tahimik habang sabay kaming kumakain ng breakfast namin. Ni hindi nga niya ginagalaw ang mga pagkain niya at nakatulala lang din siya. Kami lang ni Jinsel ang maingay at nag-uusap. Tuwang-tuwa pa nga ang anak namin dahil ngayon lang ulit kaming naging kompletong magpamilya at muling magkasabay sa breakfast. Na maging ako ay ganoon din ang nararamdaman ko. Tapos siya? Mukha siyang galit na nag-aalala. Sundan niya kung gusto niya. May pumipigil ba sa kanya? Hindi siya umimik kaya muli akong nagsalita, "Umuwi na kayo ni Jinsel," seryosong saad ko sa kanya. Doon lang siya napatingin sa akin at blangko na naman ang ekspresyon ng face niya. Napahinto naman si Jinsel sa pagkain niya at naibaba niya ang kutsara niya sa plato niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa at hayon na naman ang lungkot sa mga mata niya. "Are we going to separate again? Puwede po bang...ibigay niyo lang sa akin ang oras niyo na makasama ko kayong dalawa?" nagmamakaawang sabi niya sa amin at lumamlam ang mga matang tinitigan ko siya. Binibigyan lang ni Jinsel ang daddy niya ng clue kung sino ba ang biological mother niya. Sa paraan lang nang pananalita niya at pagiging malapit ang loob niya sa akin. Tanga lang ang daddy niya kung hindi niya agad makuha ang dapat na mga sagot sa gumugulo niyang utak. Pero hindi ko naman ipagkakait sa anak ko ang oras ko. Naiinis lang ako kay Jinsen dahil mas apektado siya sa kalagayan ng babaeng iyon. Kahit sinabi na niya na may nararamdaman pa siya sa akin. Ang gusto ko lang ay ang mag-focus siya sa aming dalawa. Na walang gumugulo sa isip niya o walang kahit sinong tao ang naaalala niya kapag kami ang kasama niya. Pero kung ganito naman siya... Mas mabuting bumalik na lang sila sa Manila. "No, hindi iyon. Parang...parang pamilyar lang sa akin ang eksenang ito. Kaya kanina pa ako nananahimik. Parang...ang hirap ipaliwanag. Parang normal na ginagawa natin ito. Hindi ko alam... Hindi ko alam. Naguguluhan ako," paulit-ulit na sabi niya sa akin at sinabayan pa nang pag-iling. Naguguluhan na siya sa mga pangyayari. Ramdam ko na naguguluhan na nga talaga siya. He looked at our son, "I'm sorry, baby. I was just curious dahil sa mga nakikita kong malabong alaala. But yes, I'm on leave sa trabaho ko kaya may oras pa tayo to bond," he said. "I'll be back to Manila, tomorrow," sabi ko at mabilis na tiningnan ako ni Jinsen. Hinawakan niya ang kamay kong nasa table, "Please, huwag muna. Bigyan mo muna kami ng oras na makasama ka. Kahit hindi na para sa akin, just for my son. Please, stay?" sabi niya sa marahan na boses kaya nag-iwas ako nang tingin. Damn it. Kung ganyan lang siya sa akin sa mga oras na sinusundan ko siya at kung hindi niya ako pinapalayo sa kanya ay baka... Darn it. "Whatever. Just eat," masungit na sabi ko at sinubuan ko na ang anak ko na naglaho na agad ang lungkot niya. Napalitan na iyon ng saya at sigla, nang ganoon lang kadali. Nababahala na nga ako. Parang hindi na lang sa paglalaro, toys or something ang kasiyahan ng anak ko. Nakadepende na sa amin ang kasiyahan niya at kami rin ang nagiging dahilan ng lungkot at pighati niya. Ayokong maramdaman iyon ng anak ko. Ayokong lumaki siya na ganoon siya palagi. I want the best for my son. Kaya ginagawa ko ang lahat ng ito, hindi na para sa asawa ko. Kundi para na sa anak ko. Siya na ang first priority ko. "Thank you po," malambing na sabi niya sa akin at maging ang daddy niya ay sinabihan niya ring ganoon. "Anything for my son," he said at hinagkan niya sa noo ang anak namin. Para akong maiiyak... "Bakit ginagawa mo ito?" tanong ko at inabot ko ang isang basong kape na umuusok pa dahil sa init nito. "Hmm, for myself? Nah, mas mahalaga sa akin ang kasiyahan ng anak ko. Nararamdaman ko lang na nitong mga nakaraang araw ay hindi na siya ganoon kasigla at kasaya. Hindi ko alam pero iyon ang nararamdaman ko. Narinig ko rin siya kagabi na umiiyak. Nakadapa siya sa kama habang nakatalukbong siya ng unan sa ulo niya," nababahalang sabi niya. "Miss ko lang po si Mommy, Dad. Don't worry about that," Jinsel said. Chill-chill lang siya noong sinabi niya iyon. "And I started to hate your Mom, whoever she is," seryosong sabi ni Jinsen at dahil kasalukuyan nga akong sumisimsim ng kape ay bigla akong nasamid and take note ang init pa! "Be careful," nag-aalalang sabi niya sa akin. Kahit na pinapagitnaan namin si Jinsel ay nagawa pa rin niya akong abutin. Hinagod niya ang likuran ko at inilapit naman ni Jinsel sa akin ang bottled water. "Thank you. Ayos na ako," sabi ko at pinunasan ko ang gilid ng labi ko. "Dad, don't hate my Mom. She might hear you," wala sa sariling usal ni Jinsel. "She's always around, Daddy," he added. Naibaba ko ang kamay ko sa paanan ko at mahigpit na kinuyom ko ito. Huwag ganyan, anak. Binibigyan mo lang ng hint ang Daddy mo kung sino nga ako sa buhay niya, sa buhay niyong mag-ama. Nagpalinga-linga naman si Jinsen sa paligid na akala mo ay mahahanap nga niya ang ina ng anak niya. But I think, that's a good idea na bigyan siya ng hint at makaalala man lang kahit maliit na bagay lang tungkol sa akin. Kahit na isang eksena man lang na magkasama kami. "What do you mean by that, baby? Patay na ba siya?" Gusto kong sumimangot sa tanong niya. Hindi na nga niya ako naaalala tapos kaya pa niyang sabihin sa akin na patay na ako? Seriously?! Sa dami ng puwede niyang maisip ay iyon pa? "Dad, don't say bad words," marahang suway sa kanya ni Jinsen. Sumimangot pa ito sa kanya halatang hindi nagustuhan ang sinabi niya. Tss. "I'm sorry. Nakausap ko na siya over the phone." "Yeah. What do you think about her, Daddy?" "She's a iresponsible mother. Bakit ka niya iniwan at tinitiis?" Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Tama nga naman sabihin na iresponsable akong ina dahil nagawa kong iwan sa kanya ang anak ko at nagawa ko rin itong tiisin, and worst pinagtatabuyan ko pa siya kahit siya na itong lumalapit sa akin. "Because you forget about her, Daddy. You didn't remember my Mom. You only remembered your girlfriend, which is Tita Sarina. She even told you that my Tita Hersey is your ex-girlfriend. Just what if po na ang Mommy ko ay si Tita Hersey? What you gonna do?" mahabang sabi ni Jinsel. Seryoso siya noong sinabi niya iyon sa Daddy niya. Ako na nabahala na naman pero natigilan si Jinsel at mariin na tinitigan ako. Pinagtaasan ko siya ng kilay. O, ano'ng isasagot niya? "Daddy?" "I don't know, Jinsel. Sumasakit ang ulo ko. Enough that topic, please." "That's it. Paano ka makakaalala kung iniiwasan mo ang mga bagay na puwedeng makatulong sa 'yo para maalala mo ang nawala mong memorya, Jinsen? Hanggang kailan mo ise-set aside ang bagay na iyon? The doctor can't help you to bring back your memories, but yourself. Iyong sarili mo lang ang makakatulong sa 'yo, hindi ang ibang tao," sabi ko. "I don't know... Ang hirap..." problemadong sambit niya. "Ikaw ang susi para maalala mo ang nakaraan mo, Jinsen. Bakit hindi ka magsimula sa Mommy ni Jinsel? Bakit hindi ang ina ng anak mo ang uunahin mong alalahanin? Sa kanya ka mag-focus," I said. "Just gimme time. Parang hindi ko pa kaya sa ngayon. Nalilito ako. Ayoko muna sa Mommy ni Jinsel." I gritted my teeth. Pero sa dinugtungan niyang pangungusap ay parang tumigil ang ikot ng mundo at natigilan ako. "Ikaw ang gusto kong maalala. Interesado akong makilala ka ulit at maalala ka kung sino ka sa buhay ko. Na kung bakit magaan ang loob ko sa 'yo. Na kung bakit ganito ang t***k ng puso ko sa tuwing nakikita kita at nasa tabi lang din kita." *** "DADDY, gusto ko po iyon, oh!" masiglang sabi ni Jinsel at itinuro niya isang mannequin na nakasuot ng puting shirt na may naka-print na cartoon pero may nakaukit na salitang 'son'. Tatlo iyon, eh. Family couple shirts? Nasa shop kami na malapit lang sa hotel na tinutuluyan namin sa Boracay at ako lang din sana ang pupunta rito para bumili ng mga gamit ko habang nandito pa kami. Pero sumama ang mag-ama ko at hindi ko naman sila matanggihan, dahil kay Jinsel. At kahit siguro hindi ako sumang-ayon na sumama sila sa akin at susundan pa rin nila ako. Tumingin-tingin pa ako sa mga dress na naka-hunger lang. May hawak-hawak na nga akong underwear. "Kukunin po namin ang isang ito, Ma'am," narinig kong sabi ng asawa ko. Saglit ko lang siyang sinulyapan at lumapit ako sa racks kung saan nandoon ang mga toothbrush at iba pang mga gamit sa banyo. "Naku, hindi po puwede ang isa lang, Sir. Family couple shirts po siya, eh," umiiling na sabi ng tindera. "Iba na lang, baby." "But I want that, Daddy. Puwede mo naman pong bilhin. One for you, then to Tita Hersey." Nagkibit-balikat lang ako sa suhestiyon ni Jinsel. Hindi ko alam kung binili nila ba iyon dahil naging abala na ako sa mga pinamili ko saka ako lumapit sa counter. Bumaba ang tingin ko nang may yumakap sa legs ko at nakita ko ang anak ko. Ang ganda-ganda ng ngiti niya. Ipinakita niya sa akin ang laruan niya na eroplano. Nakuha ko ang ibig sabihin ng paraang nang pagtitig niya sa akin. He's my son kaya alam niya ang tungkol sa pagiging piloto ko. Ginulo ko ang buhok niya at hindi na siya umalis sa tabi ko. Nanatiling nakadikit na lamang siya. "Ako ang magbabayad nito," sabi ko kay Jinsen at itinuro ko ang eroplano ni Jinsel. "No, ako na," tanggi niya pero umiling ako. "Hayaan mo na ako ang magbayad nito for him. Come on, Jinsen. Maliit na bagay lang ito," masungit na sabi ko sa kanya. Napakamot pa siya sa batok niya at hindi na tumanggi pa but in exchange ay siya raw ang magbabayad ng mga pinamili ko. I let him, basta galing sa akin ang laruan ng anak ko. "Isuot na po natin, Daddy! Tapos picture po tayo!" Simula nang magkasama kami kaninang umaga ay hindi na nawala ang pagka-hyper ng anak ko. Ngayon ko nga lang din siya na nakita na sobrang saya. Dahil kami ang kasama niya. Nagniningning pa nga ang mga mata niya at hindi binitawan ang kamay namin ni Jinsen. Iyong Daddy niya rin ang nagdala ng pinamili namin kanina at nasa akin naman ang laruan niya. Nang hindi sumagot si Jinsen ay tumalon-talon ang bata. Dahil hawak niya kami pareho ay pati ako naalog. "Okay, okay. Stop that. Baka mahilo ka," mahinang sabi niya at binitiwan na ni Jinsel ang pareho naming kamay. Inabot sa akin ng asawa ko ang isang paper bag. Nagsalubong ang kilay ko, "Ano ito?" tanong ko. "Just wear it, for the sake of my kid," sabi niya lang at si Jinsel ang tiningnan ko. Naghihintay sa magiging reaksyon ko. Katulad ni Jinsen ay mas mahalaga rin sa akin ang happiness ng anak ko kaya pinagbigyan ko siya. Pumasok sa men's room ang dalawa habang ako ay sa ladies' room naman. Tiningnan ko ang laman ng paper bag. Ito iyong shirt na gustong bilhin ni Jinsel kanina. Pakulo lang ito ng batang iyon. Nagiging clingy sa amin at ang sweet pa. May nakaukit na 'mommy' naman sa kamisetang ito at may light blue pa na short-shorts. Naka-tuck in na lang ang suot kong shirt at mataas na nakapusod ang mahaba kong buhok. Next time ay pakukulayan ko ito ng red. Lumabas na ako agad after kong magpalit at nasa labas na agad ang dalawa. Inaayos ni Jinsen ang manggas ng shirt ni Jinsel. "Ang ganda!" Ngayong araw lang ay wala akong ibang narinig kundi ang halakhak lang ng anak ko at hinding-hindi ako magsasawa na panoorin siya buong araw nang nakangiti at masaya. Sana lang ay ganito na lang kami palagi... "Come on. Bonding time!" sigaw pa niya at muli niyang hinawakan ang kamay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD