Chapter 04: Welcome Party

1286 Words
Chapter 04 3rd Person Pov (The Guerrero's Mansion) Abala ang buong pamilya Guerrero sa pag hahanda sa pag salubong sa ngayong bagong Head ng Rossi Family at Cosa Nostra Familia na inaasahan ding magiging asawa ng panganay na anak ni Don Zavian Guerrero. Lahat nakatutok sa kanilang mga gawain upang masiguro na walang magiging problema sa pag dating ni Iris mamayang gabi. Pababa na ng hagdan si Zeke na kagagaling lang sa pag kaka-tulog, para tignan ang pag aayos na ginagawa sakanilang tahanan. "Is everything set?" tanong ni Zeke sa isa sa mga tauhan na nag aayos. "Yes Sir. Nag titriple check nalang po kami, utos po kasi ng Doña para masiguro na maayos ang lahat" tumango naman si Zeke bilang pag tugon dito. Ngayon pa konti-konti ng na rerealize ni Zeke kung gaano kahalaga sa pamilya niya ang mga Rossi. 'This is the first time my family prepared something like this for someone' usal ni Zeke sa sarili niya habang pinag mamasdan ang open area nila na in-aayos para maging gathering place mamaya. Napahinto naman siya ng may biglang tumapik sa balikat niya. "Dad..." habang naka tingin ngayon sa ama niya. "What are you still doing here son? Bakit hindi ka pa nag hahanda ng iyong sarili?" imbis na sagutin ang ama nag balik naman ng tanong si Zeke dito. "You're here too early too dad, akala ko ba ay may mga inaasikaso ka pa sa empire bakit ang aga pa nandito ka na?" napailing at ngumisi ng bahagya ang Don sa sinabi ng anak. "You know that this is an important day for our family right hijo? That's why I cancelled all my appointments to be able to come home early. Lalo na kaninang lunch time palang ayaw na ko tigilan ng mommy mo at pina pauwi na ako" pag sagot ng Don sa anak sabay tawa ng bahagya. "She's really that important huh?" pag sasalita ni Zeke. Inakbayan naman siya ng ama bago sila sabay umupo sa bench na malapit lang sa pool area nila. "Zeke listen to me, Iris is not just an ordinary woman na pinag kasundo sa pamilya natin para lang ipakasal. Hindi din dahil Rossi siya kaya't ganito siya ka importante sa pamilya natin." Napatigil naman si Zeke sa sinabi ng ama at seryosong tumingin dito. "What do you mean dad?" may himig ng pag tataka niyang tanong sa ama. "5 years ago, papunta kami ng mommy mo kasama ang kapatid mo na si Brianna sa isang party. Remember that time? Hindi ka nakasama because you want to hangout with your cousin Leo kasi aalis siya noon... Nang pauwi na kami may humarang sa sasakyan namin may nag tangkang um-ambush sa amin noon Zeke" bumuntong hininga ang Don bago patuloy na inaalala ang nangyari, napatigil naman si Zeke sa mga narinig dahil wala man lang siyang kaalam alam patungkol doon. "Itatakas ko na sana ang mom at kapatid mo dahil nauubos na ang mga tauhan ko, then suddenly our savior came... Nagulat kami ng mom mo sa biglang pag tahimik ng kapaligiran sa side ng gustong um-ambush samin pati ang mga tauhan natin ay nag tataka sa pananahimik nila bigla. They are forty men in total Zeke, twenty lang ang tauhan na dala namin noon kasi masiyado akong nag pa-kampante. Bigla nalang may lumabas na bulto ng isang babae galing sa partido ng kalaban, inutusan ko ang mga tauhan na ibaba ang mga baril nila habang papalapit ng papalapit ang babae, doon ko napag tanto kung sino siya..." "Si Iris ang babae na iyon Zeke, siya ang nag ligtas sa buhay namin ng mommy at kapatid mo." mahabang salaysay ng Don na seryoso ang mukha habang naka baling sa anak. May halong gulat at pagka mangha sa mukha ni Zeke sa nalamang kwento ng ama na ngayon niya lang nalaman. "Why didn't I know about this dad? Bakit hindi ninyo man lang sinabi sa akin? And why would Iris save all of you?" may pag tatampo at kuryosong tanong ni Zeke sa ama. "Because your mom and I promised na hindi na namin ulit pag uusapan ang gabi na iyon, it's been a traumatic experience para sa mom at kapatid mo hijo. I actually asked that to Iris that night, tinanong ko pa siya kung pinadala ba siya ng daddy niya doon but..." biglang natigil ang Don sa sinasabi at tumingin ulit ng diretso kay Zeke. "But what dad?" tila naiinip na tanong ni Zeke. "But she just said na nagkataon lang daw na nandoon siya and she also said that she didn't even know who we are, pero I know who she is that time hindi pwedeng hindi ko siya makilala dahil anak siya ni Isaiah. Alam ko din na kilala niya ako, I just couldn't figured out what's her real reason for saving us. Ni hindi man lang siya nanghingi ng kahit anong kapalit, she just silently left after ko siya tanungin. Kung ano man ang dahilan niya sa pag ligtas niya sa amin noong gabi na iyon ay tatanawin na malaking utang na loob ng pamilya natin sakanya habang buhay hijo. She saved our lives." mahabang sagot ng Don sa anak, natahimik naman si Zeke sa nalamang kwento ng daddy niya. Kinalaunan nag salita din naman siya ka agad sa ama. "Kaya pala ganoon nalang siya ka-importante para sainyo lalo na ang pag dating ni niya, now I understand dad" isang tapik naman sa balikat ang binigay sakanya ng daddy niya. "She may look intimidating and ruthless for other people that surrounds her son but for us, for me and your mom and especially your sister she's more than that. She's been trained by your Tito Isaiah to be the heiress and the boss of their family sigurado ako na hindi naging madali para kay Iris ang buhay niya, lalo na maagang nawala sakanya ang parehong mga magulang niya. She has this big responsibility on her hands simula ng mawala ang daddy niya ay siya na ang sumalo ng lahat ng responsibilidad nito. Kaya be nice to her hijo, and don't easily be intimidated by her, she's a nice woman I'm sure about that." mahabang usal ng Don sa anak. "I will dad" tipid na sagot ni Zeke sa ama na tila hindi pa din makapaniwala sa mga nalaman. "Sige na umakyat ka na at mag ready, time freak si Iris son we need to be on time later. Baka parehas pa tayo mapagalitan ng mommy mo pag nakita na hindi pa tayo nag re-ready" napailing nalang si Zeke sa sinabi ng ama. 'Time freak huh?' pag usal niya pa sa isip niya. Hindi na siya kumibo sa Don at dire-diretso ng umakyat sa silid niya para mag ayos, pero hindi pa din ma-waglit sa isip niya ang kwento ng ama niya sakanya sa ginawang pag ligtas ni Iris sa pamilya niya. "Now I'm totally starting to get much more interested with the real you Iris" usal niya sa sarili. At exactly 6:58pm dumating na sila Iris sa labas ng mansion ng mga Guerrero. Papasok na ang mga sasakyan niya sa loob habang pinag mamasdan ang paligid ng mansion. Namangha siya ng mapag tanto na mukha talagang pinag handaan ng pamilya ang pag dating niya dito, nakita niya din kung gaano ka aliwalas at kalaki ang mansion ng mga ito. 'They got my respect for this, looks like they really prepared for me' usal niya sa sarili habang pinag mamasdan ang paligid ng mansion. Bumaling naman sakanya si Alister na naka upo sa passenger seat sa harapan niya at tinanong siya nito. "Ready to go Madam?" Tumango siya kaya na-unang lumabas si Alister at inayos ang sarili nito, at dali daling pinag buksan siya ng pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD