Angelo Cervantes Katatapos ko lang ligpitin ang mga gamit ko ng maisipan kong sa mansyon muna tutuloy. Namimiss ko na rin ang luto ni Nanay Caring. Dumaan muna ako sa mall bago umuwi para bumili ng ice cream para sa mga pamangkin ko at alak para sa aming magkakapatid. Nabalitaan ko kasing nagka-camping ang mga kapatid ko sa mansyon kasama ang mga anak nila. Agaran kong diniretso ang kotse sa garahe nang makarating ako sa mansyon. "Nandito na pala sila." Nang makita ko ang kotse ni Patrick na nakaparada sa gilid. Papasok na sana ako nang marinig kong masisinsinang nag-uusap sina Patrick at Athena. Alam kong masamang nakikinig sa usapan ng may usapan pero narinig ko ang pangalan ko. "Hon, 'wag natin siyang pangunahan. Alam na niya kung anong dapat niyang gawin." ani ni Athena. "Pero

