Tanya Davin Dalawang linggo nang dumating sa pilipinas si Gio at nanligaw sa'kin. Araw-araw niyang pinadama niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Hindi ko na ako nagdadalawang isip sa kanya pagdating sa mga anak ko dahil habang pinagbubuntis ko pa lang sila ay para siya na ang ama. Nandito ako ngayon sa mall para makipagkita kay Gio kasama ang mga anak ko. Nakiusap kasi siya na siya ang susundo sa tatlo sa school na siya namang ikinatuwa ng mga anak. May maipagmamalaki na raw sila sa mga kaklase nila na dumating na ang Daddy nila. Alam kong naghahangad sila ng pagmamahal ng isang ama kaya laking tuwa nila nang ligawan ako ng Tito Daddy nila at alam kong mapupunan ni Gio ang kakulangan sa kanila. Pinagpasalamat ko na lang na hindi sila nagtatanong tungkol sa kanilang tunay na ama.

