chapter 1

1766 Words
" Miss Ganda isang-Bananacue nga sa akin!,tapos Limang Kwek-kwek, -Sampong Isaw, pakidagdagan nang kaunting Saw-sawan ha__ sarap mo kasi mag timpla, parang ikaw lang hinde nakakaumay kahit pag masdan lang. " Banat nang aking customer na si Berto, Halos araw-araw ko na itong custumer, tuwing lalabas ako nang kanto, upang magtinda.Kahit na naiinis ako sa mga pinag-sasabi nito ay hinde ko na lamang pinapatulan,, kailangan kong maging mabait, dahil custumer ko ito, kaya pilit na ngite na lamang ang aking sinusukli, kinikilabutan ako sa uri palage nang tingen nito, pakiwari ko'y -tagos hanggang kaloob-looban ko, ang tingin nito, tingin na puno nang pag-nanasa, Matagal na akong kinukulit nito na ligawan ako, para magkatuwang ako sa Aking negosyo kong sasagutin ko ito.ngunit paulit-ulit ko din sinasabi ditong---hinde ko kailangan ang tulong, at wala akong balak na mag papasok muli nang Lalaki sa Buhay ko..Tama na ang minsang Naging tanga ako sa Lalaki..Isa pa dakila din naman itong tambay, ano?kukuha lamang ako nang sakit ko sa Ulo..hinde na oy!!!! ""Isang Daan lahat!! ito na ang binile mo, kaya magbayad kana at nang makaalis na ako dito..Malumanay ngunit may diin kong sabi, pinaparating dito na hinde ako intresado sa mga sasabihin nya.. ""Pano ba yan Berto.Basted ka na naman ni Miss Ganda.Singet nang isa pang tambay na si Ben. nagkanda haba-haba naman ang Nguso ni Berto sa sinabi ni Ben at inambahan pa ito nang Suntok, pero hinde naituloy nang Tumatawang Tinaas ni Ben ang kamay,tanda nang pagsuko nito sa Pang-aalaska kay Berto.. ""Grabe ka naman kasi Baby Loves, Pinaphiya mo ako sa kanila. Pabebe nitong sabi.Halata sa Boses ang tampo.Tinaasan ko lamang ito nang Kaliwa kong kilay, sabay lahat nang Palad.. "Magbayad kana Ang dami mo pa Kasing sinasabi e.Pag tataray ko dito. na Lalong kinalakas nang tawanan sa aming Paligid, mga bibile din sa aking tinda, ngunit dahil sa Bertong--ito ay hinde makasinget ang iba... Hinde kona pinansin ang tawag nito sa akin, kahit sa Loob-loob ko ay gusto kong masuka,yukkk!baby Loves, ano kami Teenager??tanong ko sa aking sarili. "" Pwide Utang mona?? Bukas pa kasi ako mag kakapera, Pakamot-kamot nitong sabi sa Akin, malakas na napasinghap ang mga tao at kanya-kanyang bulongan, samantalang ako ay Masama ko itong tiningnan, na Ikinayuko nito, ngunit kahit labag sa loob ko ang Pautangin na naman ito, ay Tumango na lamang ako,, kahit pa nga ba, parang Pinamile na sa Puregold.Ang haba nang Listahan nito,, ka'y takaw-takaw lagi namang Walang pera..Hayysss! pag Minamalas ka nga naman... "" Siguraduhin mo lamang Berto na Mag babayad ka Bukas.Pang bili nang Anak ko nang Gamot ang Kinikita ko dito kaya wag mona ko E goyo dahil malilintikan ka talaga sa akin!! Banta ko dito, pilit na ngite at tango lamang Ang tinugon nito, bago nakayukong Umalis.Napahiya din siguro ang Tao..Iiling -iling sa Naisip ko.. "Tatlo pong Kwek-kwek Miss!! ""30pesos lahat! ito ang sukli mo sa 50pesos salamat. "Apat na Bannacue nga! "Limang isaw sa akin! Sunod -sunod na order!! tagaktak ang Pawis! Pero sige pa rin ako,, nang maubos ang Aking paninda, dito sa Tapat nang isang Gusaling Pinapatayo.May ngite sa Aking mga labi, dahil sa Wakas ay may ibibile na ako nang Gamot nang aking Prinsepe.Kahit pagod at Gutom ay nagiging sulit naman ang Aking ginagawa..Para ito sa aking Anak,kaya hinde maari ang Salitang Suko o pagod na. Para sa kanya kaya ako Nabubuhay at nag papakatatag. siya na lamang ang Meron ako.Kaya hinde ko siya pababayaan..Kabilang taon ko lamang nalaman na May Sakit sa Puso ang Aking Anak.May Bara daw ang Puso nito kaya nahihirapan Huminga.Kinakailangan itong Operahan, ngunit wala pa kong ipon Upang Ipa-opera ito.Kaya maintenance na lang mona nang Gamot.Habang hinde pa ako nakakalikom nang napakalaking Halaga..Halos Isang Milyon daw ang Aabutin, kaya kahit suntok sa Buwan ay Dinoble-doble ko ang Aking trabaho. Isa akong Nurse sa isang Pang Publikong Ospital dito sa bayan nang Lopez ,Matutulog lang Ako halos Dalawang Oras, Nagluluto naman ako nang Meryinda, habang nag lalaba nang mga Tinanggap kong Labahin sa Aking mga Suki..Sa katunayan ay nag hahanap pa ko nang Extrang pagkakakitaan, ngunit lahat nang Napuntahan ko ay hinde Maari , dahil tapat sa iba kong trabaho.. "Pauwi kana ba nyan?? hinde man lang ako nakaabot.! sayang Minadali ko pa ang Ginawa ko.ngunit huli pa din ako! bakit kasi ang Sarap mo magluto yan tuloy palage akong Nauubusan.!! Reklamo nito, kaya nakangite ko itong Binalingan.. "" Ngayon kasalanan ko pa kong bakit Masarap ako magluto at naubusan ka?? Dapat ba hinde ko sarapan para may matira? pano kong Hinde maubos at madaming natira babayaran mo ba?? sunod-sunod na pagtatanong ko dito, habang Napamaywang na nakatingin nang deritsyo sa Lalaki. "" Hinde naman ganon--i mean Okay naman sa akin maubos ang paninda mo kasi para maagap ka makauwi at maasikaso mo pa si Gab.Kaya lang Hinde ako nag tanghalian, kaso isip ko madami akong bibilhin, para makatulong sa inyo nang anak mo! ayaw mo naman kasing tanggapin ang tulong ko.Paliwanag nito.Nahabag naman ako sa sinabi nitong hinde siya nagtanghalian , kaya mahina ko itong nahampas sa Balikat. ""Baliw ka ba? bakit hinde ka kumain?Nasisiraan kana tlaga nang Bait.no! wag mona kaming Alalahanin kaya namin ito.Kaya ikaw! tigil-tigilan mo ang kakapalipas nang gutom masama yon.Sermon ko dito.. "" Wow! Concern! Ibig bang sabihin nyan may Pag-asa na ako? tanong nito na kita ang Saya sa Magagandang Pares nang Mata. ""Hoy! feeling ka.wala akong sinabing Ganon!! Wag kang Gawa-gawa jan.At saka alam mo naman ang Pinag dadaanan ko ngayon.sa tingen mo ba maiisip ko pa iyan?? Oh ito nang makakain ka pinag Tirhan kita..Biglang magliwanag ang Muka nito nang Makita ang Hawak ko.Mabilis nito 'yon naabot. "Akin ba tlga ito? "Ayaw mo? "Gusto wala naman akong sinabing ayaw ko.Nagtataka lamang ako.. ""Wag kang magtaka dahil may bayad yan. wala nang libre ngayon sa Pinas! Kahit piso mahalaga kaya.wag kang matuwa dahil pinagtira kita.Dahil special yan, at tinira ko pa mas mahal yan..""usal ko.Agad naman itong napasimangot. "Akala ko pa naman nakalibre na ako sa iyo, kahit kailan talaga ang kuripot mo. ""Ako pa ang kuripot ngayon, ikaw ---itong may magandang trabaho, magarang sasakyan, Magandang Bahay, tapos sa akin mo pa gustong mag palibre.Ang galing mo nmn kong Ayaw mo akin na lang uli, at pwide pa namin iulam yan nang anak ko Mamayang gabi.Napapalatak kong wika dito akmang babawiin na ang tinira kong kwek-kwek at isaw, nang bigla nitong itaas.dahil sa Mas matangkad ito sa akin kaya hinde ko naabot. Joke! lang naman.Hinde kana Mabero, wala akong barya mamaya na lamang ako mag babayad.Nakangite nitong pahayag. Inirapan ko lamang ito.At nagpedal na paalis.Kong dati kotse pa ako nakasay. ngayon! Masaya na ako sa Aking Besekletang May Sidecar.Ito ang nakatuwang ko sa Buhay.Magmula nang Lumipat ako dito sa Bayan nang Lopez.Ito ang kauna unahan kong Binile sa Pera kong dala na nagmula pa sa aking ipon. Apat na taon na akong Naninirahan sa Bayan nang Lopez.Masasabi kong payapa naman ang aking naging Buhay dito.Mahirap mag adjust pero kinaya ko naman. Dito ako natotong Maglaba, mag-saing, at Maghugas.Noon tanging pag Bake lamang ang aking alam. Na patago pa sa aking mga Magulang. Dito kona din Isinilang Ang Naging Bunga nang Kahalayan sa akin ni Ivan.Kahit pa Bunga ito nang kawalang Hiyaan nang Lalaki, Minahal at inalagaan ko ito.Ito ang naging Lakas ko sa mga panahong Mag-isa ako... Sa mga panahon na gusto ko nang sumuko, dumating pa nga sa Point na binalak ko itong ipalalaglag,Noong mga Panahon na Nasa Poder pa ako ng aking mga Magulang. Ngunit nang madinig ko ang Heartbeat nito, nang bago ako isalang sa Operation, ay binigyan mona ako nang pagkakataon na marinig sa Huling sandali ang t***k ng Puso nang Baby ko... Duon ko naisip na Ang t**ga- t**ga ko.para idamay ang Walang Muwang na sanggol.lubos ang aking pag-sisi at doon ko na din napag pasyahan na Lumayo na lamang sa amin..kilala ko si Papa! hinde nya matatanggap ang Batang ito..Sa pag Lisan ko sa aming tahanan, tanging maliit na Backpack lamang ang Aking dala.lahat nang ATm card ay iniwan ko sa bahay upang hinde ako matunton nang mga magulang ko.Kahit mga kaibigan ko ay hinde ko sinabihan. Dala-dala ang kakaunting-ipon, sumakay ako sa Pang-pasaherong Boss,Hinde ko alam kong paano magsisimula, ngunit kailangan kong lumayo para sa anak ko at sa akin na din..Upang maghilom ang sakit na dinulot sa akin nang Una kong pag-ibig.. Naudlot ang Aking pag babalik tanaw nang malakas itong Bumusina sa aking Likuran, hinde ko namalayan na nakatigil pala ako, at hinde ko din alam kong ilang minuto ba akong tulala..hinde ito tumitigil sa kakabusina, kaya inis na bumaba ako sa aking Bisekleta,upang lumapit sa Kotse nito, kinalampag ko ang Salamin nang bintana nito, hinde nmn ako nagtagal dahil bumukas na ito, nakasimangot na muka ni Gab ang Sumabong sa akin.kaya tinaasan ko lamang ito nang kilay at nakapamaywang na tiningnan ito.. ""Sisirain mo ba ang Bintana nang sasakyan ko..Para naman may sunog sa labas ay gusto mo na agad makapasok!! o di kaya ay miss mona ako at gusto mo--- ""ang kapal mo, ang lawak nang daan, bakit dito kapa sa dinadaan ko dumaan?? pang babara ko dito at hinde na ito pinatapos mag salita.Dahil alam ko na ang kasunod non! ang mga pahaging nito. "Anong magagawa ko kong dito din ang Daan ko.Akala ko ba inaantay kana nang Anak mo? bkit nakatigil kapa jan? pag iiba nito ang Usapan.. "Hinde dito ang daan pa inyo.so antin Gagawin mo dito?? taka kong tanong.na ipinag kibit balikat na lamang nito.. ""Hinde nga! dahil sa inyo ang Punta ko! Walang sinaing sa Amin, kaya makikikain ako sa inyo.Don't worry kong iniisip mo ang kakain ko, ay bumile ako nang bigas may kasama pang ulam.Ayaw ko lamang mag luto kaya ikaw na ang magluluto para sa akin..lag-lag ang pangang Masama ko itong tiningnan.. "" Ang kapal mo din ano?? Para sabihin ko sayo hinde mo ako katulong.At lalong hinde kita kaano-ano para ipagluto, ang kapal mo!! sabay irap ko dito at nag martsya na uli pasakay sa aking bisekleta..bago pa man ako makaalis ay nauna na ito sa akin.ngunit bago lumampas at bumusina muli ito, at sumigay na sa amin siya kakain, bibile lamang siya nang pasalubong sa aking Anak..Kaya wala na akong nagwa kong hinde tumango na lamang.total magsasaing na din naman ako, Idamay ko na. Mabuti na lamang at sanay na ang ang aking Anak sa Tito Gab nila, kong hinde ni Paa nito ay hinde makakapasok nang aming tahanan, dahil sa Anak kong Ayaw na may Umaalig na ibang Lalaki sa akin.Tanging siya lamang daw dapat. kita mo yon ki-bata pa napaka Possesive na agad..pipe kong usal...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD