TINUYO muna ni Dolce ang basang mga mata bago muling ibinalik ang tingin sa lalaking bigla na lang sumulpot at yumakap sa kanya.
Hindi niya kailanman nakalimutan ang mukhang iyon na tuwing naaalala ay pinapainit ang kanyang ulo at pinapakulo ang dugo.
"Just play the game," bulong ni Pure sa punong tenga ng dalaga na sinundan ng paghalik dito.
Mula naman sa unahan ay nagpupuyos sa selos si Gener habang walang kurap na nakatitig sa nagaganap na eksena. Kitang-kita niya ang paghalik at pagyakap ng ibang lalaki sa kanyang nobya.
"Wala na kayo, 'di ba?"
Nabaling ang tingin ng binata sa babaing kasama. "At sinong nagsabi?"
"Ikaw."
"Binabawi ko na."
"What?"
Sa halip na sumagot ay tinalikuran at iniwan ni Gener ang babae na hindi niya pinansin ang pagmumura.
"He's coming."
Bigla namang nataranta si Dolce na nakatalikod sa direksyon ng dating nobyo. "Anong gagawin ko?"
Napangiti ang binata. "I'm giving you the freedom to decide."
Hindi na nag-isip pa ang dalaga nang marinig ang pagtawag ni Gener sa kanyang pangalan. Kumapit siya sa batok ng kaharap at mabilis itong siniil ng halik.
"Dolce!"
Naghiwalay ang labi ng dalawa nang marahas na hatakin ang braso ng dalaga.
"Anong ginagawa mo?" asik ni Gener.
"Nakikipaghalikan din. Bakit gusto mo ikaw lang ang may katukaan?"
"Lalaki ako."
"Puwes, babae ako. At magagawa ko ang kaya mong gawin." Binalingan niya si Pure at yumakap dito. "Babe, doon tayo sa walang istorbo."
"Sure. And I know a quiet and peaceful place."
"Gusto ko 'yan," nasisiyahang wika ng dalaga na sinabayan pa ng masuyong haplos sa pisngi ng kaharap. "Minalas man ako sa iba, suwerte naman ang pagdating mo. And I want to keep you forever."
"Dolce!" Muling hinatak ni Gener sa braso ang nobya at iniharap sa kanya. "Ako ang boyfriend mo!"
"Correction--- EX."
Hindi ko sinabi sa'yong makikipaghiwalay ako."
"Kung gan'un ako na ang magkukusa. Break na tayo!" singhal niya.
"Ayoko."
"Sa tingin mo, pagkatapos kitang mahuli sa akto ng panloloko, okay lang sa akin? Punong-puno na ako sa'yo!"
"Patawarin mo na ako. Hindi na mauulit. Please?"
Tinitigan ni Dolce ang nagsusumamong binata. Matagal na panahon din sila nitong nasa relasyon bilang magkasintahan, pero hindi na niya mabilang sa daliri ng kanyang paa at kamay ang maraming beses na pagbibigay lagi ng pagkakataon. "Tama na, Gener. Tapusin na natin ang anumang meron tayo."
"Hindi!"
Maagap na nahawakan ni Pure ang braso ng lalaki bago pa nito muling mahatak si Dolce. "Hindi ka naman siguro bingi, pare?"
"Huwag mo akong mapare-pare dahil hindi kita kilala!"
Kumapal ang mga usyusero't usyusera sa paligid na ang ilan ay kinukunan ng video ang nagaganap na eksenang tinalo pa ang mga dekalidad na teleserye sa telebisyon.
"Sandali, sandali!" Humarang sa pagitan ng dalawa ang dalaga. "Ikaw..." Dinuro niya ng daliri si Gener, "Tigilan mo na ako dahil wala nang tayo. Period. At ikaw," sabay baling kay Pure. "Dalhin mo ako sa pribadong lugar na tayo lang. Maliwanag?"
"Ofcourse, babe."
"Dolce!"
Hindi na pinansin ng dalaga ang pagmamakaawa ng dating nobyo. Mabilis na siyang tumalikod at humakbang palayo bago pa magbago ang kanyang isip.
"Hay! Bakit ba may mga lalaking gan'un? Nabiyayaan lang ng kaguwapuhan, akala mo diyos na!"
Abala sa litanya si Dolce habang lumilipad ang isip kaya nakalagpas dito ang pagbukas ng pinto ng isang kotse at deretsong pagpasok sa loob.
"Hamak namang mas maganda ako sa babaing 'yun."
"Indeed."
Napatitig ang dalaga sa mukhang hininga lang sa kanya ang pagitan. Kung dati ay inis na inis siya sa tuwing maaalala ito, pero sa mga oras na iyon ay gusto niyang hilingin sa langit na habangbuhay na sila sa ganoong posisyon.
"T-talaga?"
"Natural beauty is indeed beautiful than anyone with colourful make-ups."
"Sounds like an expert, huh?"
Nabiyayaan lang ako ng malilinaw na mata."
"At wala ka namang balak pagsamantalahan ang kagandahan ko, 'di ba?"
"Hindi lang halata, pero mabait ako."
"Mabait ka talaga sa lagay na 'yan? Nag-iisip kang nakawan uli ako ng halik, 'no?"
Natawa si Pure. "I'm just putting your seatbelt, babe."
"Teka, teka! Anong ginagawa ko rito?" Nataranta siya ng makita ang sarili sa loob ng magarang kotse. "At paano ako nakasakay nang hindi-" Pinutol niya ang iba pang sasabihin nang may sumaging masamang pangitain sa isip. "Kidnapper ka, 'no? At gumagamit ka ng hipnotismo sa bibiktimahin mo!"
"Hindi ko na kailangang gawin 'yan. I have wealth and charisma."
"Ang yabang!"
Pinaandar na ni Pure ang sasakyan bago pa maisipang bumaba ng kanyang pasahero.
"Saan mo ba ako dadalhin, ha? Hindi kita kilala!"
"My name is Pure. Sinabi mo kanina na dalhin kita sa tahimik at pribadong lugar, 'di ba?"
"Sinabi ko 'yun?"
"At sabi mo pa sa akin...I want to keep you forever!"
"Sinungaling! Walang forever, 'no?"
"Meron. At para lang 'yun sa naniniwala."
Tumirik ang mga mata ng dalaga sa pagsalungat. "Ibaba mo na 'ko. Wala na si Gener kaya tapos na ang palabas."
"Not that fast, babe. Sa kahit anong palabas laging may ending. And we will give ours just like any other. Ano sa tingin mo?"
"Itigil mo ang kotse. Bababa ako. Aalis ka na. Hindi na tayo magkikita kahit kailan. The end."
"Ganyan ang ending ng mga broken-hearted. Pero dahil inspired ako, leave that matters to me."
"At ano namang ending ang gusto mo?"
"Nakita ko kanina habang nagmamakaawa sa'yo si Gener na gusto mo nang bumigay at patawarin siya."
"Mahal ko unggoy na 'yun."
Sa halip na magkumento ang binata ay kinuha niya sa dashboard ang isang brown envelope at inilahad sa kasama.
"Ano 'yan?"
"Kunin at buksan mo."
Nag-atubili si Dolce, pero tumalima rin siya dahil sa pagtataka. At nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Larawan iyon ng dalawa pang ibang babae na kayakap at kahalikan ng dating nobyo.
"Sa tingin ko, may sakit ang ganyang tao. Hindi makuntento sa isang babae."
Pinagpira-piraso ng dalaga ang mga litrato. Nagliliyab siya sa galit.
"Anong nararamdaman mo ngayon?"
"Gusto ko siyang patayin!"
"Huwag kang maging kriminal dahil lang sa walang kuwentang lalaki. Maraming paraan para makaganti ka. Uhm, masama pala ang gumanti kaya turuan mo na lang ng leksyon para matuto siyang magpahalaga at rumispeto ng kababaihan."
"Anong gagawin ko?"
"Show him you're happy."
"Paano ko gagawin 'yun, e halos nga madurog ang puso ko ngayon?"
"Mabait ako kaya tutulungan kita."
"Talaga?"
"Ipagpatuloy natin ang palabas."
Agad nakuha ni Dolce ang ibig sabihin ng kausap. "Gusto mong pagselosin natin siya?"
"Iparamdam mo sa kanya ang panghihinayang na pinakawalan niya ang tulad mo."
Tama! Dapat manghinayang siya!"
"And I will offer you more."
Pinasadahan ng tingin ni Dolce ang katawan ng nakatagilid na binata. At nagtagal iyon sa bukol na nasa pagitan ng mga hita.
"I'm pure as a honey, so don't mingle it with your dirty mind."
Namumulang iniiwas ng dalaga ang mukha at bahagya pa itong tinakpan ng palad. "Sinisiguro ko lang na dapat ka talagang pagkatiwalaan. Anong offer 'yun?"
"Ibabahay kita."
"What?!"
Muling natawa si Pure sa naging reaksyon ng dalaga.
"Anong akala mo sa akin? Kaladkarin?"
"Alam kong mabuti kang babae. Pero maliliwanagan ka lang sa sinabi ko kapag nakauwi ka na sainyo.
----
MALAYO pa lang ay tanaw na ni Dolce ang tatlong pigura na nakaupo sa labas ng kanilang bahay. Agad siyang bumaba ng kotse nang huminto ito at patakbong tinungo ang pamilya.
"Ate!" magkasabay na tawag nina Tikboy at Tekla.
"Anong nangyari?"
"Wala na tayong bahay," deretsahang wika ng batang lalaki.
Nilapitan ng dalaga ang humahagulhol na ina. "Ma?"
"Anak..."
Mahigpit na nagyakap ang mag-ina. At dito ay inilahad ni Aling Baning ang kuwento tungkol sa pagsangla ng kanyang huling asawa sa bahay na naipundar niya sa limang taong pagtatrabaho sa Japan.
"Bakit ganitong biglaan? At bakit wala man lang tayong natanggap na notice mula sa banko?"
"Meron, ate."
Nabaling ang tingin ni Dolce sa nakayukong pitong taong gulang na kapatid.
"Sorry, ate. Akala ko naligaw lang sa bahay natin 'yung sobre dahil ingles ang nakasulat lahat."
"Nasaan na, Tekla?"
"Wala na po, ate."
"Anong wala na?"
"Ginawa ko pong eroplanong-papel. Hindi ko na alam kung saan lumipad."
Nahagip ng mga mata ng dalaga si Pure na nakatayo sa gilid ng kotse nito. "Sandali." Tumayo siya at nilapitan ang binata. "Bakit alam mo ang tungkol dito?"
"Nalaman kong sinusundan ka ni Tania kaya kailangan kong umahan siya."
"Sino 'yun?"
"Ex-fiancee ko. Nakilala mo na siya doon sa hotel noong unang araw na magkita tayo."
"At bakit niya ako sinusundan?"
"Gusto niyang malaman kung anong klaseng babae ang ipinalit ko sa kanya."
"Wala tayong relasyon."
"Magpapanggap tayong meron."
Mapait na napangisi ang dalaga. "Kapalit ba 'yan ng tulong na inalok mo para gantihan ko si Gener?"
"Sa panahon ngayon, wala nang libre."
"Umalis ka na bago ko pa lagyan ng pasa 'yang mukha mo."
Tumalikod na si Dolce, ngunit napahinto siya nang makita ang nakakaawang sitwasyon ng ina't mga kapatid na nag-iiyakan. Mahalaga sa kanya ang pamilya higit sa sariling kaligayahan.
Ipinikit niya ang mga mata at umusal ng taimtim na dasal. Handa niyang kalimutan ang lahat huwag lang mahirapan o magdusa ang kanyang mga mahal sa buhay.
"Kailan tayo magsisimula?"
"ASAP."
Muling hinarap ni Dolce ang binata. "At kailan 'yun matatapos?"
"Hanggang matanggap na nina Gener at Tania na hindi tayo para sa kanila."
"Matagal ang makalimot. Inaabot 'yun ng taon."
"Then, we'll stick together for years."
Ganoon ako katagal na magiging single?"
"You have me, babe."
"Pumapayag ako na makipagkasundo sa kabaliwan mo dahil kailangan ng pamilya ko. Pero hindi ibig sabihin na ibibigay ko sa'yo lahat ng gustuhin mo sa akin."
"Don't worry. Hindi ikaw ang tipo kong babae."
Hindi ipinahalata ng dalaga na nasaktan siya sa deretsahang pahayag ni Pure. "So, bakit hindi ka na lang pumili ng type mo?"
"Mahirap bumitaw ang taong may pagmamahal. Baka mag-demand pa sila ng higit sa pagpapanggap lang."
Iniiwas ni Dolce ang mukha sa pangambang may mabasa ritong kakaiba ang binata.
"Ikaw..."
"Anong ako?"
"Wala ka namang gusto sa akin, 'di ba?"
"Hindi rin kita type."
"Good."
----
MABIGAT ang kalooban ni Dolce nang pumasok siya sa trabaho kinaumagahan. Kahit may maayos nang matitirahan ang kanyang pamilya, hindi pa rin mawala sa isip niya ang malaking kapalit nito.
"Sis, okay ka lang ba?" pag-aalalang tanong ng kasamahan ng dalaga.
"Oo naman. Bakit?" Sinundan ng tingin ni Dolce ang itinuro ng nguso ng katrabaho. "Ay!" bulalas niya nang makitang halos mangalahati na ang laman ng hawak na medicated oil sa likod ng kanyang minamasahe.
"Pasalamat ka dahil tulog-mantika 'yang kliyente mo."
Buong araw na wala sa sarili ang dalaga. Ilang kostumer na ang nagreklamo kaya inulan rin siya ng sermon ng amo. At maging si Mrs. Magnifico ay pinuna ang kanyang pagiging matamlay.
"Ilabas mo 'yan para gumaan ang pakiramdam mo. Makikinig naman ako."
Napabuntong-hininga muna ng malalim ang dalaga. "Natatandaan niyo po ba 'yung lalaking ikinukuwento ko na bigla na lang sa aking humalik?"
"Oo. Nagkita ba uli kayo?"
Tumango si Dolce.
"Baka kayo ang nakatadhana na magsama habangbuhay."
"Hindi niya raw po ako type. Huh! Ang yabang niya! Hindi ko rin naman siya type!"
"Anong nangyari sa second encounter niyo?"
"Gusto niyang magpanggap ako bilang girlfriend niya."
"Ay, salbaheng bata."
"Saksakan po talaga ng salbahe. Hindi yata pinalaki ng maayos ng mga magulang."
"Baka kasi inaatupag ang pagpapayaman o pagwaldas ng salapi," kumento ng ginang na nadadala na rin sa emosyon ng kausap. "Baka shopping doon, shopping dito."
"Pasyal doon, pasyal dito."
"Relaks doon, relaks dito."
"Gan'un naman ang mga mayayaman." Lumambot ang ekapresyon ni Dolce nang mapansin ang pagtitig sa kanya ng ginang. "Ay, ibang-iba ka po. Ikaw 'yung mayaman na may pusong pangmasa. Tama po ba?"
"Korek."
"Nakakahiya ang ganoong mga magulang na may anak na mapagsamantala ng kapwa."
"Pumayag ka ba sa gusto niya?"
Marahan uling tumango ang dalaga. "Kailangan ko po kasi ng pera. Na-remata ang bahay namin."
Ikinuwento niya ang buong detalye sa ginang habang patuloy itong minamasahe. Nakasanayan na nila iyon tuwing session
"Puwede naman kitang tulungan."
"Naku, huwag na po. Malaking tulong na 'yung malaking tip na ibinibigay niyo sa akin tuwing pumupunta kayo rito. At isa pa, gusto ko rin pong makilala ang mga magulang ng lalaking 'yun para masabi ko sa kanila kung anong klaseng sungay ang tumutubo sa anak nila."
"Anong klase ba?"
"Matulis, maitim at mapanganib."
Naputol ang usapan ng dalawa nang tumunog ang cellphone ng ginang na agad namang sinagot. "Yes, Baby Bear? Don't worry, Mama Bear is coming."
"Aalis ka na po?" tanong ni Dolce nang maibaba ng ginang ang telepono.
"May importante akong pupuntahan. Sa susunod na lang uli."
"Okay po. Salamat, ma'am."
"Bye."
Napasulyap sa orasang nasa dingding si Dolce nang makalabas ng VIP room ang bigating kliyente. Sampung minuto na lang at darating na ang kanyang sundo. May oras pa siya para mag-ayos ng sarili.
"Sis, sino 'yung guwapong boylet na kausap ni Mr. Chan?"
Napatingin si Dolce sa direksyon ng counter kung saan naroon ang kanyang amo at lalaking makalaglag-pustiso ang postura.
"Ulam na ulam mula ulo hanggang paa!"
"Hay! Mapait ang lasa n'yan!"
"Paano mong alam?"
"Natikman ko na!" sabay talikod sa usyuserang katrabaho. Lukot ang mukhang tinungo niya ang naghihintay na binata. "Bakit naman ang aga mo?"
"Early birds, catches early worms."
"Siguradong hindi ako ang uod na 'yun. Halika na!"
Binalewala ng dalaga ang kantiyawan ng mga kasama sa trabaho lalo na ng kanyang amo, ngunit kabaliktaran naman ito ng naging reaksyon ng binata na kumaway pa at nagpalipad ng halik.
----
"KINAKABAHAN talaga ako sa plano mo."
"Just relax and be yourself."
"Magsisinungaling tayo tapos 'be yourself'?"
Hindi na pinansin ni Pure ang dalaga nang matanaw ang ina sa ipinareserba niyang mesa a isang exclusive restaurant. "Hay'un siya!"
Mabilis na tumalikod si Dolce nang makilala ang itinuro ng binata. Nakayuko man ang ginang, kilalang-kilala niya ang bawat anggulo ng mukha at katawan nito.
"Com'on."
Kinuha ng dalaga ang sunglasses at isinuot habang tinakpan naman ng hawak na panyo ang halos kalahati ng mukha. Paatras itong humakbang na naaalalayan sa braso ni Pure.
"Ma."
Nag-angat ng mukha si Purita. At napakunot ito ng noo nang mapansing nakatalikod sa kanya ang kasama ng anak. Mabuti na lang pala at naisipan muna niyang mag-relax kanina sa spa. Mukhang may dalang stress ang babaing nakatakda sa kanyang ipakilala.
"Ma, meet my beloved girl."
Itinaas ni Dolce ang isang kamay habang ang kabila ay nakahawak pa rin sa panyong nakatakip sa bahagi ng bibig.
"Babe, humarap ka naman. Huwag ka nang mahiya."
Dahan-dahan tumalima ang dalaga. "Hello po."
"Mahiyain talaga siya, ma." Ipinaghila ni Pure ng upuan ang kasama. "Babe, okay ka lang?"
Tumango si Dolce.
"Iha, may mabaho ba?"
Hindi malaman ng dalaga kung tatango o iiling.
"At wala namang sinag ng araw rito kaya puwede kang magtanggal ng sunglasses."
"Sige na, babe. Para makita ni Mama kung gaano ka kaganda."
Wala nang ibang pagpipilian si Dolce kundi ang sumunod. At halos malunok niya ang tumatambol na puso nang makita ang pagkagulat sa reaksyon ng ginang.
"Wait,"wika ni Pure na kinuha sa harapang bulsa ng polo ang tumunog na cellphone. "Mag-usap muna kayo. Sasagutin ko lang 'to."
Nadagdagan ang kabang nararamdaman ng dalaga nang tumayo at umalis ang katabi.
"Ikaw pala ang babaing ipinagpalit ng anak ko kay Tania."
"Ma'am, hindi ko po talaga alam. Sorry po, sorry po."
"At naghalikan na pala kayo!"
"Hinihingi lang po 'yun ng pagkakataon. Walang malisya."
"Malalaman ko 'yan."
"Ho?"
"Galingan mo ang pag-arte."
"Ha?"
"Hindi dapat malaman ni Pure na magkakilala tayo dahil gusto kong malaman kung hanggang saan ka niya kayang itago sa amin."
Napipilan si Dolce. Mukhang lalong magiging kumplikado ang kanilang pagpapanggap.
"Masusukat ko rin d'yan ang sinabi mong hindi ninyo type ang isa't isa."
Pakiramdam ng dalaga ay tinakasan na siya ng kulay.
"How was she, ma?" tanong ni Pure ng makabalik sa mesa.
"Great. Magkakasundo kami nitong nobya mo, anak."
"Really?" Bumaling ang binata sa katabi. "Are you okay, babe?"
"Y-yes, babe."