Aist. Nakakainis hindi ko alam at mas lalong nakakainis dahil hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood ngayon. Nakatulala lang ako sa papel ko, nasa canteen kami at gumagawa ng research paper at syempre kumakain na din. Nakakainggit nga ang mga bruha may ganang kumain e ako? Nganga. Gusto kong kumain kaso wala akong gana daig ko pa ang buntis nito. Letse. "Kain na" sabi ni Chase inilagay niya pa sa harap ko ang burger na inorder niya pero umiling ako. Nakakahiya dahil tinanggihan ko siya pero anong magagawa ko 'di ba?"Wala akong gana" maikling tugon ko at pinaglaruan ang blangkong papel na nasa harap ko. Wala pa akong naisusulat sa research paper ko. Bwiset. "May sakit ka ba?" umiling ulit ako sa tanong niya. Sakit na ba itong pag kawala sa mood? Hays sana naman i-anunsiyo ng Department

