Monday na naman at may klase na naman ako. Mabuti na lang at nagising ako sa alarm clock. Siguro dahil natulog ako ng maaga kagabi. Wala kasi akong ginawa kahapon maliban sa pag-kulong sa kwarto at mag-scroll sa social media accounts ko. Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Rhea. Yes, I hurt her. Ako ang may kasalanan pero hindi ko siya masasaktan kung simula pa lang ay sinabi na niya sa akin. I cannot accept that she lied. Disappointment. Iyon ang nararamdaman ko kaya wala akong balak na makipagbati sa kaniya. Wala akong balak na humingi ng tawad. Siya ang nagsimula. "Oh, Ellaine. Kumain ka na?" kababa ko pa lang ng hagdan ay bumungad agad sa akin si Yaya. Paakyat ata siya at mukhang susunduin ako sa kwarto. Sumunod ako sa kaniya at pumasok sa dining pero ng makita si Rhea na nakaupo sa

