Hindi kami nag-tagal sa school. Mabilis kaming nag-tungo sa malapit na Hotel, dahil nandoon ang helicopter na sasakyan namin. Since, gustong-gusto ko ng makita sa Rhea. Ilang linggo na rin nawawala at hindi man lang naiisipang umuwi. Patigasan ba talaga kami? Ayon kina Sky ay nasa Laguna siya, sa pinaka-dulo ng Laguna. Kung balak niya pa lang mag-tago ay dapat mas lumayo pa siya hindi iyong, mabilis ko lang siya mapupuntahan. Ayon din kina Sky, ay sa isang apartment sila tumutuloy na cheap ang bayad. Mukhang pinili niya talaga ang apartment dahil alam niya hotels at subdivision ang una kong titingnan. Sakay ng hinandang kotse ay kasama ko si Sky at Steve patungo sa apartment na sinasabi niya. Bumaba ako sa kotse, ang cheap nga ng apartment na ito. Papasok na sana ako ng saktong lumabas

