PRINCESS AIDA “LOLITA, saan mo nakuha iyong mga tauhan na naka-sparring ko noong isang araw?” tanong ko sa aking katulong. Katatapos na naman nang isang araw at papunta na paghimbing ang mga tao sa palasyo. Naghahanda na rin ako sa aking pagtulog. “Mga kakilala ko po sila at ang iba naman po ay aking mga kababata,” sagot ni Lolita. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang aking buhok. It was like a habit of mine. Hindi ako nakakatulog hanggang hindi nasusuklay ang aking buhok ng one hundred times. “Ah, ganoon ba? May organisasyon ba sila? Mas mahusay pa kasi sila makipaglaban kaysa sa mga kawal dito sa palasyo,” komento ko. Nakita kong matipid na ngumiti si Lolita. Nakikita ko siya sapagkat nakaharap kami sa malaking salamin. “Napansin niyo po pala ‘yon, mahal na prinsesa. Opo. Iyong p

