Kabanata II: Ang Mga Prinsesa

1220 Words
"MGA MAHAL na prinsesa, kailangan na po ninyong maghanda para sa salu-salo," wika ni Lolita sa mga prinsesang nasa hardin pa rin. Parang wala namang narinig ang tatlo at nagpatuloy sa kanya-kanyang ginagawa. Ilang minuto pa ang lumipas at wala talagang natinag sa tatlo. "Mga maha—" naputol ang sasabihin ni Lolita dahil pinatigil itong magsalita ni Prinsesa Lorna sa pamamagitan ng pagtaas lamang ng kanyang isang hintuturo. Ni hindi nga ito nakatingin sa maid at nagpatuloy lang sa pagbabasa. Walang nagawa ang maid kundi maghintay. "Oh Loli, nandyan ka pala," sabi ni Prinsesa Fe na ngayon lang napansin ang katulong. "Paliguan mo si Snow ha para fresh sya sa party mamaya," dagdag nito na hinimas-himas ang somoted breed na aso. "Ipagpaumanhin po ninyo, Prinsesa Fe. Ipinagbabawal po ang mga alagang hayop sa bulwagan," magalang na sagot ni Lolita. "Sino may sabi? Tsaka hindi ko alaga si Snow. He is my baby," nakasimangot na sabi ni Prinsesa Fe. "Ang iyong ama po ang may sabi," si Lolita. "Hmm... sige na nga." Wala ng magawa ang prinsesang dog lover. "Stop asking them to include your filthy pet. Tsaka alam mong may pet allergies ako. Do you want me to die?" Diretsahang bwelta ni Prinsesa Lorna na ngayon nga ay nakatayo na mula sa kinauupuan. Tapos na siguro itong magbasa. "Filthy your ass," sagot ni Fe sa kapatid. "Tsaka banyaga ka ba? English ka ng english, 'di ko naman maintindihan. Ano yung filthy? Pera ba yun?" "Bobo. Fifty yun. Mag-aral ka kasi. Yan, puro aso mo ang kasama mo lagi. Nag-uutak aso ka na tuloy," walang prenong sabi ni Lorna. Bumusangot na lang ang halatang nasaktang si Prinsesa Fe. "Ang ingay! Natutulog yung tao, eh!" galit na bulalas ng isa pang prinsesa. Ito ay si Prinsesa Aida na halatang nairita sa maiingay na kapatid. "Si Fe kasi, gusto pa ipasok yung aso nya sa bulwagan eh alam nya namang may pet allergy ako." Pagtatanggol ni Prinsesa Lorna sa sarili. "Hindi naman sa ganun, eh. Paliliguan naman sya ng maayos at hindi ilalapit sa'yo," sabi ni Prinsesa Fe. "Tsaka Aida, tinawag akong bobo ni Lorna. 'Di ba ang sakit nya magsalita?" sumbong pa ng prinsesa sa isang kapatid.  "Pag-untugin ko kaya yang ulo nyo." Masamang tinignan ni Prinsesa Aida ang dalawa. "Yang bibig mo Lorna, preno ka din minsan. At bakit ka naiiyak dyan, Fe? Dios mio naman, hahayaan mo na lang talagang apihin ka?" Tumayo na ng tuluyan si Aida. Tumahimik na lamang ang dalawa dahil hindi din nila gugustuhing magalit pa lalo si Prinsesa Aida. May temper si Prinsesa Aida na walang may gustong bumangga.  "Anong kailangan mo, Lolita?" Baling ni Prinsesa Aida sa katulong. Sa natural na brusko at pagalit na magsalita ni Prinsesa Aida ay ang lahat sa kaharian ay natatakot dito. Maliban na lang sa kanyang pamilya na nakakakilala dito ng lubos. Nataranta si Lolita sa tanong ng prinsesa kaya hindi ito nakasagot agad. Bumuka-sara lang ang bibig nito pero walang salitang lumalabas. "Hala ka, Ai. Tinakot mo na naman si Loli," sabi ni Prinsesa Fe. "Hmp. Wala talagang kwenta 'tong si Lolita. Maghanda na daw para sa party mamaya," masungit namang sabi ni Prinsesa Lorna tsaka nagpatiunang naglakad na palabas ng hardin. Hindi pa rin nakapagsalita agad si Lolita dahil nakikita nya ang malilisik na tingin na ipinupukol sa kanya ni Prinsesa Aida. "Ai, tara na. Maiihi na naman sa panty si Loli sa ginagawa mo," sabi ni Prinsesa Fe habang hinihila na lamang si Prinsesa Aida na nakatingin pa rin kay Lolita.  Tsaka lang nakahinga ng maluwag si Lolita ng makaalis na ang mga prinsesa. Nangatog ang mga tuhod ni Lolita sa nangyari kaya napaupo sya sa damuhan. Ganun ka-intense tumingin si Prinsesa Aida. Ito ang triplets na anak ni Hari Mon Turgenev ng Kahariang Balangaw. Magkakambal man ang mga ito'y may kanya-kanyang ganda at iba-ibang katangian ang magkakapatid. Fraternal triplets kasi ang mga ito at hindi ka malilito kung sino ang sino. Si Prinsesa Aida, ang parang tinuring na panganay sa tatlo dahil nauna itong pinanganak. Mahilig sa sports at more on physical activities. Past time nya ang horseback riding at pakikipag-sparring sa mga royal guards. Kahit na sabihing ganoon ka-active ang prinsesa'y sa totoo'y napaka-aloof nito. Maliban sa pamilya nito ay ang head chambermaid at head guard lamang ang kumakausap dito ng hindi natatakot. Takot ang lahat ng nasa kaharian sa prinsesa dahil ang sama nito makatingin at parang galit lagi. Kaya naman binansagan syang "The Ice Princess". Si Prinsesa Lorna, ang sumunod na pinanganak ilang minuto after lumabas ni Prinsesa Aida. Ito naman ay nasobrahan sa talino kaya kahit na sinong magturo sa kanya'y hindi na sya nakikinig. Advance ang level ng talino ng prinsesa at sa lahat ng bagay ay may sinasabi ito. Napakataklesa din nya at hindi marunong makiramdam. Kaya ang bansag sa kanya ng mga tao ay " The Einstein Princess" or "The KIA (Know-it-all) Princess". May pagkaclumsy din ito at may pet allergy.  Si Prinsesa Fe, na sobrang playful at ayaw mag-aral. Pero sa larangan ng musika ay isa itong genius. Mahilig ito sa mga animals at mahal na mahal ang asong si Snow. Masyado din itong maawain at medyo iyakin lalo na pag si Prinsesa Lorna ang umaaway dito. Very friendly din ito to the point na napagkakamalan na itong flirt. Kaya ang bansag dito ng mga mamamayan ay "The Playgirl Princess".  Kakaiba ang charisma ni Prinsesa Fe. May taglay kasi itong awra na pagkausap mo ito o makikilala'y madali kang mahuhulog dito. Bukod kasi sa music ay mas stylish ito at laging sunod sa uso. Kaya nga pink ang kulay ng buhok ng prinsesa kasi sya daw si Princess Bubble Gum. Ang pinakamatangkad sa talo ay si Prinsesa Aida na 5'6" at magkapantay sa 5'5" sina Prinsesa Lorna at Prinsesa Fe. Ang triplets ay labing siyam na taong gulang na ngayon. Ilang minuto lang ang pagitan ng tatlo ng iluwal sila ng kanilang ina sa kanyang sinapupunan. Si Prinsesa Aida ay mahilig sa simple. Puro dark colors ang damit at gamit na makikita sa kanyang silid. Taliwas sa hilig ng prinsesa sa dark items, malaporselana naman ang balat nito. Mahaba ang tuwid na napakaitim na buhok nito hanggang bewang na alagang-alaga nya. Parang gothic princess nga si Prinsesa Aida kung dadamitan ito ng mga lolita dress.  Si Prinsesa Lorna naman ay bukas ang isipan sa fashion at may konting style. Pero may pagka-old school ito sa music dahil mahilig ito sa opera. Kaya pagtumutugtog si Prinsesa Fe ng mga opera piece, hangang-hanga dito ang isang prinsesa. Sinubukan kasi ni Prinsesa Lorna ang music pero kahit nagpractice na ito ng mabuti'y hindi nya pa rin matalo ang galing ni Prinsesa Fe.  Natural na brown ang buhok ni Prinsesa Lorna at ganoon din ang big curls nya. Sa kanilang tatlo, si Prinsesa Lorna lamang ang kulot. "Sino ba ang magiging bisita mamaya at kakaiba yung pag-aabala ni Ama?" bored na tanong ni Prinsesa Lorna kay Lolita na nakasunod na pala sa kanila. "Ah... Si Reyna Prima po ng Kahariang Matimyas." Natigil ang tatlo sa paglalakad at naglalakihan ang mga matang napatingin sa katulong. "Ano? Bakit hindi mo sinabi agad!" sabay pang sabi ng tatlong prinsesa tsaka kumaripas ng takbo sa kanya-kanyang silid. Nagulat na lamang si Lolita sa bilis ng pagkawala ng mga prinsesa sa harapan nya.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD