PRINCESS LORNA “GOOD morning, mahal na prinsesa. Handa na po ang tub. Pwede na po kayong maligo,” bungad na bati ni Regina sa akin. “Morning, Teacher. Thank you. I will go ahead and take a bath. Just wait for me outside,” naghihikab pa na sabi ko. “Masusunod po, prinsesa,” wika ni Regina at umalis na sa aking silid. Patamad na hinubad ko ang aking night gown at lumusong na sa bath tub. Napaungol ako sa saktong timpla ng tubig at rose smell na bath bomb. May mga scented candles pa sa paligid and it was really nice and warm. I really like kung paano prini-prepare ni Regina ang panligo ko. Bukod sa marami akong bagay na natutunan sa kanya, natuklasan kong magaling rin ito sa ibang mga bagay. I can even talk to her about books and history. Regina is actually clever kaya I wonder why she

