DAY 2 ng Annual Festival… “SERYOSO?” nagulat na tanong ni Regina kay Mona. They are currently taking a break. Katatapos lang kasi nang isa pang game between Princess Lorna and Princess Fe. At dahil iyon ay isang video game na naman, natalo si Prinsesa Lorna. Hindi naging masaya si Prinsesa Lorna sa resulta kaya nagpahinga muna ito at gusto raw mapag-isa. Naroon ang prinsesa sa secret room na nakalaan sa mga ito. Sinundan ito ni Prinsesa Fe. Palagay nila ay aasarin na naman nito ang kapatid. Nasa labas naman ng secret room ang dalawang maid at umiinom ng malamig na tubig. Nakaupo sila sa ilalim ng isang puno sa hindi kalayuan ng secret room. “Oo nga. Pagkatapos nating mag-usap kagabi ay doon niya ako pinatulog sa kwarto niya…” ani Mona. Muli itong lumagok sa bote ng tubig niya. Tumil

