Kasama ko na ngayon sina Silas. Binati pa ako ni Hyacinth kanina, and she looks different. May mga pagkakataon na dumadalaw ako sa Italy pero hindi ko siya nakikita kaya ngayon ay naninibago ako sa kanya. Parang pareho na sila ng aurang ibinibigay ni Silas. Naglalakad na kami sa isang pasilyo kung saan magdadala sa amin paapunta sa kwarto kung nasaan si Atlas. Sinalubong kami ng mga nagbabantay sa isang pinto at binati si Silas. Sumenyas si Silas na buksan na iyong pinto na siya namang kaagad na sinunod ng mga ito. Huminga ako nang malalim, inihahandang makita si Atlas na hindi ko nakita sa loob din ng mahabang panahon. Nakita ko ang nakagapos na si Atlas. The bruises on his body are visible. Ang iba ay halatang matagal na at ang ilang sugat naman ay sariwa pa. You can say that he has

