Kinaumagahan ay nalaman ko kay Zavian na baka gabi ang flight namin. Ilang oras din ang magiging byahe namin bago kami makarating sa Pilipinas. Hindi ko mapigilan ang excitement lalo na’t sinabi sa akin ni Zavian na excited na rin ang kambal na makilala ako sa personal. Pakiramdam ko nga’y kapag nakita ko sila, baka maluha na lamang ako sa kinatatayuan ko at hindi na makapagsalita. Huminga ako nang malalim at inaayos na ang aking mga gamit. Sina Zavian at Silas ay mukhang may pinag-uusapan tungkol sa negosyo at organisasyon nila. Hindi ko naman iyon maiintindihan kaya’t mas pinili ko na lamang rito sa kwarto at mag-impake ng mga gamit ko. Nagha-humming pa ako ng isang kanta at malaki ang ngiti sa aking labi nang biglang bumukas ang pinto. Nagulat ako dahil biglaan iyon. May kausap si Zav

