Makahulugan akong tiningnan ng mga kasama ko na nakasaksi ng paglapit at pakikipag-usap sa akin ni Zavian ngunit hindi naman sila nagtanong pa. Muli silang bumalik sa kanilang pag-iingay habang ako ay hindi pakali sa aking kinauupuan. May waiter na lumapit sa akin kaya’t napatingin ako sa kanya. “Drinks for you, Miss.” Inabot niya sa akin ang ilang cocktail drinks na kanina ko pa iniinom. Napatingin ako sa waiter dahil hindi ko maalalang umorder pa ako. “Ipinabibigay po sa inyo,” sabi ng waiter nang mapansin ata ang pagtataka ko. “Huh? Nino?” Unang pumasok sa aking isipan si Zavian. Tiningnan ko siya na madilim lamang na nakatingin sa akin habang umiinom ng kung ano mang alak na nasa baso niya. Mukhang hindi sa kanya galing. “Sa kanila po.” Itunuro ng waiter ang mga lalaki sa kabilang

