Chapter 7

978 Words
Ang pagsama ni Scarlett sa gig nina Brayden ang naging umpisa ng pagkakaibigan nila. Lalo pa siyang ginanahan nang malaman niyang break na ito at si Lilian. Kaya hindi na siya tumanggi pa nang magpaalam itong ligawan siya. Noong una’y naguluhan at nagtaka si Scarlett kung bakit gan'on kadaling nakalimutan ni Brayden si Lilian. Pero talagang mahal niya ang binata kaya nagtiwala na siya rito. Kaya ang pagsama niyang iyon sa show ng binata ay nasundan pa ng isa, at ng isa pa. Halos hindi nga makapaniwala si Faith sa itinakbo ng friendship nila Brayden subalit masaya naman daw ito para sa kaniya. Hindi rin naman tutol ang parents ni Scarlett sa pagsama-sama niya kay Brayden dahil pormal naman siya nitong ipinapaalam. At isa pa, sumusunod naman ito sa rules ng parents niya na hindi siya puwedeng magpalipas ng gabi sa labas. Dapat ay wala ring pasok kinabukasan kung lalabas man sila. Para raw hindi maapektuhan ang kanilang pag-aaral. Noong una ay tutol ang Daddy ni Scarlett. Pero ipinagtanggol siya ng Mommy niya. Na dalaga na raw siya at normal lang na magkaroon ng social life. Ipinagtaka din ni Scarlett kung bakit hindi tumututol ang kaniyang Ate Sofia, parang natuwa pa nga ito. Dahil sa wakas daw ay mapapatunayan na rin nito sa parents nila na sa kabila ng pagiging mabuting anak ni Scarlett, may itinatago din siyang kalokohan. At mag-uumpisa raw iyon sa pag-gimik-gimik niya. Pero dedma na lang si Scarlett. Ang Kuya Jaxon naman niya, as usual, ‘no comment’ lang. “Basta kailangan bago mag-umaga ay maiuwi muna dito ang anak ko. Dahil kung hindi, never na namin siyang pasasamahin pa sa’yo," mariing babala ng kaniyang Mommy Arianna kay Brayden nang ipaalam siya nitong isama bukas sa Pampanga, para sa isang show kung saan ay special guest ang grupo ng binata. Hindi pa man nakakasagot ang binata ay sumingit na ang Daddy ni Scarlett na kakababa lang ng hagdan. “At sino ang nagsabi sa inyo na papasamahin ko si Scarlett?” anito sa malakas na boses. “Napakalayo ng Pampanga. Paano ako nakakasigurong wala kayong gagawing masama sa anak ko? Pulos kayo lalaki at mahirap magtiwala sa panahon ngayon. Umaabuso ka na yata porke’t pinapayagan naming sumama sa’yo ang anak namin.” "D-dad!" Tila napapahiyang saway ni Scarlett sa ama. Nag-aalalang tumingin siya kay Brayden. Ngunit parang hindi man lang ito natinag. “May mga kasama naman po kaming ibang girls, Sir. At ipinapangako ko pong hindi ko papabayaan ang anak n'yo. Pero kung iyan po ang kagustuhan n'yo, wala po akong magagawa,” matatag pero magalang pa ring sagot ni Brayden. “Mabuti naman at alam mo. Makakaalis ka na.” Parang gustong umiyak ni Scarlett nang pagkasabi ay tumalikod na ang ama at pumasok sa library. “Don’t worry. I’ll talk to him,” saad ng Mommy ni Scarlett bago siya tinapik sa pisngi. “It's okay po, Tita," nakakaunawang saad ni Brayden. "Maraming salamat po. Pero huwag na lang po natin sigurong pilitin si Tito kung ayaw talaga niyang pasamahin si Scarlett. Ayaw ko naman na pati sa pagdalaw ko dito sa inyo ay tutulan niya.” Binalingan siya ng binata nang sumunod ang kaniyang Mommy sa library. “Sundin mo na lang ang Daddy mo. Mas alam niya kung ano ang makakabuti sa'yo." Lalo siyang pinahanga ng binata sa kabutihan nito, bagaman may lungkot sa boses nito. Patunay lang na talagang malinis ang intensiyon nito sa kaniya. “Pasensiya ka na kay Daddy, ha? May pagka-over protective talaga ‘yon.” Nginitian siya ni Brayden na hindi umabot sa mga mata nito. “Don't worry, I understand. At ako ang dapat na mag-sorry kasi mukhang mapapagalitan ka niya nang dahil sa’kin.” “Wala ‘yon. Lambing lang ang katapat non.” “Sige, alis na ako. Dadalawin na lang kita rito sa Sunday pagkagaling ko ng Pampanga," malambing na paalam ni Brayden at saka marahang sinapo ang pisngi niya. Inihatid ito ni Scarlett hanggang sa gate ng mansiyon. Malungkot siyang bumalik sa loob ng bahay. Hindi man ipinahalata ni Brayden sa kaniya, alam ni Scarlett na nadismaya ito dahil hindi siya makakasama sa Pampanga. Pero nagulat ang dalaga nang maabutan niya sa sala ang kaniyang Mommy at Daddy na magkatabing nakaupo, at mukhang may seryosong pinag-uusapan. “Umakyat ka na sa itaas and pack up your things.” Malumanay na saad ng kaniyang ama. Hindi niya gaanong naintindihan ang ibig nitong sabihin kaya lumapit siya rito. “What did you say, Dad?” “Ang sabi niya, ayusin mo na raw ang mga dadalhin mo bukas sa Pampanga," ang kaniyang Mommy ang sumagot. Nanlaki sa sobrang tuwa ang mga mata ni Scarlett. “Wow! Really, Dad?!” Tumango-tango ang ama. “But in one condition.” Kunot-noong hinintay ni Scarlett ang sasabihin nito. “Kasama mo si Yaya Belen.” Tukoy nito sa trenta anyos nilang kasambahay. Nagprotesta kaagad ang loob ni Scarlett. Pero okay na ‘yon, at least, makakasama siya kay Brayden. “Okay na okay po, Dad. No problem! Thank you so much! Ang bait-bait talaga ng Daddy ko.” Sa sobrang tuwa ay nayakap niya ang ama. “O, huwag mo na akong bolahin. Baka magbago pa ang isip ko. Just promise me na iingatan mo ang sarili mo at huwag na huwag kang gumawa ng mga bagay na alam mong hinding-hindi ko magugustuhan.” Nakangiting itinaas ni Scarlett ang kanang kamay. “Yes, Dad. I promise!” “At papayag na kaming sa hotel na kayo magpalipas ng gabi kaysa naman bumiyahe pa kayo ng madaling araw. Mas delikado ‘yon. Basta si Yaya Belen lang ang puwede mong isama sa room," dagdag na bilin naman ng ina ni Scarlett. "We’re doing this to protect you. At dahil mahal ka namin. Gusto lang naming ma-enjoy mo ang buhay-teenager. At higit sa lahat, we do trust you, Scarlett. Kaya huwag mo sanang sayangin." “Opo. Opo. Promise po!” Bago siya umakyat sa kuwarto ay niyakap niyang muli ang mga magulang, sa sobrang kaligayahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD