Chapter One

3572 Words
"Dr. Elli, 'yong pasyente po sa room 004 nagwawala." I sighed as I immediately stood up from my seat. Agad na ako lumabas sa opisina kasunod ang nurse na tumawag sa akin. Kitang kita ko pa ang pawis na tumutulo sa bandang noo nito at paghingal niya. Mukhang tumulong din siya sa pag-awat sa pasyente at dagdag mo pa na halos itapon niya ang sarili papasok sa opisina ko dahil sa pagmamadali. Nang malapit na kami sa kwarto ng nasabing pasyente, rinig na namin ang sigawan at kung anong kalambag sa loob nito. Nakikita ko ang ibang mga pasyente sa kalapit na kwarto nito na lumalabas sa kani-kanilang silid para sana sumilip at makita ang nangyayare. "Huwag kayo lalapit! Huwag kayo lalapit!" Agad na bungad sa akin nang tuluyan ako makapasok sa kwarto ng nagwawalang pasyente. "Doc Elli." Sambit ng isang nurse nang mapansin nila ako sa loob. Tinignan ko naman ang pasyenteng pinoproblema ng mga kasama ko. Hawak nito ang IV stand habang nakatusok pa rin ang dextrose nito sa kamay. Winawagayway niya ang stand sa sinumang magtangkang lumapit sa kaniya na medyo ikinangiwi ko dahil ako mismo nahihirapan sa sitwasyon niya. I looked at the nurse who called me earlier. "Pakitawag ang ibang mga nurse at asikasuhin kamo nila 'yong mga pasyente na malapit sa kwartong ito bago pa sila magtangkang lumapit dito." Tumango naman kaagad ang nurse tsaka ito mabilis na lumabas. Napatingin muli ako sa pasyente. I can see the frantic look in his eyes. May kaedaran na ito at medyo matagal ko na rin siya naging pasyente. Ilang beses na rin nangyare ito kaya hindi na bago sa akin ang ganitong pangyayare. "Please ready the dose for him." Utos ko sa isa sa mga nurse na agad niyang ikinatango tsaka ito lumabas. Dumaan naman ako sa pagitan ng dalawa pang nurse na pilit na pinapakalma ang pasyente. "Ano ba nangyare?" "Biglaan po ulit doc. Papainumin lang ho sana siya ng gamot kaso bigla po ulit siya nagwawala ng ganito." Sagot ng isa. I looked at the patient who seemed so restless which made my heart pity him. This is my everyday routine. Seeing people in a vulnerable state mentally. That's why I'm also eager to help them to be at ease and cure them if I can. "Lolo Luppe." I said in the calmest tone I can manage. Agad itong napatingin sa akin at kita ko ang pagluluha nito sa mga mata niya. He seemed scared. "It's alright." Sabi ko muli. I inched forward so that he won't notice that I am taking my way closer to him. "It's me Elli." "D-Dr. Elli?" Ani nito at pansin ko ang pagbaba niya ng kaunti sa IV stand. I warmly smiled then nodded. "No need to be scared." As I slowly take a bigger step towards him. "I'm here. You remember me right? Alam mong hindi kita sasaktan diba?" Dahan dahan akong napahinga nang malalim habang inoobserbahan ko ang panginginig niya. "A-Apo." Tawag niya sa akin. Although I'm not his grandson, gusto niya lang talaga na tawagin ako ng ganoon dahil malapit daw ang loob niya sa akin. I hummed in response. "Pwede bang ibaba mo 'yang hawak mo? Para mas makalapit ako sa'yo at pag-usapan natin 'yang bumabagabag sa'yo." I stopped walking then watched him. Napapalunok lamang siya at kitang kita ang purong galit, takot, at pagkalito sa mga mata niya. Ngunit unti-unti naman niyang binaba ang hawak niya at nanghihinang napaupo sa sahig. "A-Ayaw ko na d-dito." Bulong niya nang paulit-ulit habang nakahawak siya sa ulo niya at nanlalaki pa ang mga mata na kung saan saan ito napapatingin. I sighed at the man's situation. Lalapitan ko na sana muli ito nang dumating na ang nurse na pinakuha ko ng dose na pampakalma at pampatulog sa pasyente. Binulungan ko lamang ito na maghanda at tsaka tuluyang lumapit sa matanda. Umupo ako sa harap nito. "Lolo, tara ho sa higaan niyo. Doon tayo mag-usap." I hummed for reassurance. He looked at me. "A-Apo, t-tulungan mo akong makaalis dito." This aches my heart. Pero sa araw araw na trabaho kong ito, nasasanay rin ako sa mga ganitong kalagayan ng pasyente. I concernedly smile at him. "I will. I definitely will." Relief wash over me when I saw him relaxed. "Kaya tara na ho sa higaan niyo. Baka lalo kayo magkasakit niyan." He nodded as he put his hand on my shoulder for support. Inalalayan ko naman itong tumayo at lalapitan na sana kami ng mga nurse nang humigpit ang hawak niya sa akin. Kaya agad kong sinenyasan ang mga kasama ko na maghintay pansamantala dahil sa natatakot na pasyente. Nang maihiga ko na si Lolo Luppe sa higaan ay agad ko na inayos ang IV stand at dextrose niya. Marahan akong umupo sa tabi nito at hinawakan ang kamay niyang walang turok. "Magpahinga muna po kayo Lo. Ako hong bahala sa inyo. Wala po kayo dapat ikatakot." Paalala ko sa matanda. "Apo." Panimula niya. "S-Salamat." I warmly smiled as I looked at the nurse then gestured her to give the dose to the patient. Hindi naman na nag-panic si Lolo Luppe nang lumapit ang nurse pero nanatili akong nakahawak sa kamay niya hanggang sa maturukan na siya at nakatulog nang mahimbing. Lahat kami ay napahinga nang matiwasay nang kumalma na rin ang paligid. Dahan dahan akong tumayo sa inuupuan at lumakad palayo sa pasyente. "Ako na magpapainom ng gamot sa kaniya mamaya paggising niya." Sabi ko sa isa sa mga nurse habang papalabas sa kwarto ni Lolo Luppe. May mga naiwan pa doon para ayusin ang kwarto. Ang iba ay nakasunod lamang sa akin. "Bilib talaga ako sa inyo Doc. Biruin niyo napakalma niyo si Lolo Luppe." Turan ng isang nurse. "Oo nga ho Doc. Iba talaga karisma niyo. Kahit pasyenteng ganoon katindi ang pagwawala napapaamo niyo." Puri pa ng isa. Tinawanan ko lamang ang mga sinabi nila. "Tamang paga-adopt lang 'yan ng sitwasyon." Panimula ko sa kanila. "Tsaka ilang taon na rin nating pasyente si Lolo Luppe, kaya gamay ko na ang gagawin kapag nagkakaganiyan siya." Napatango naman sila hanggang sa makarating kami sa lobby ng hospital. "Pero Doc..." Panimula ng isa. "Mabuti po at nananatiling naniniwala sa'yo si Lolo Luppe tungkol sa pag-alis niya rito." I stopped for a moment before gently smile at the nurses. "Nananatili rin naman akong naniniwala na gagaling din siya at makakaalis nga rito." They somehow sighed dreamily to me as they slowly nodded which made me chuckled a little. I pat their shoulders before turning my back to them and head to my office again. If you haven't guessed it yet, I am a psychiatrist. And my life is currently just cycle with my work, which I had no problem with that to be honest. Mahal ko ang trabaho ko, mahirap man para sa karamihan ay nagugustuhan ko ang pagtulong sa mga nagiging pasyente ko. And mental illness is no joke, so I'd really give my best to my work. I exhaustedly sat down on my office chair. Pabuntong hininga naman akong napatingin sa mga papeles na nakakalat sa mesa ko. Aayusin ko na sana ito nang mag-ring ang cellphone ko na nasa bulsa. Agad ko itong kinuha tsaka sinagot sabay lagay sa kanang tenga ko nang hindi man lang tinitignan kung sino ang tumawag. "Hello?" I called while still fixing the papers on my table. "Dr. Elliott." I pause for a moment to look at my phone. When I confirmed who's the caller, I immediately took the phone back on my ear. "Dr. Orene." Tawag ko sa kabilang linya. "Napatawag ho kayo?" Tumigil naman ako sa pagkakalikot ng mga papel sa mesa at tinuon ang buong atensyon sa katawagan. Dr. Orene is an old friend of mine. And when I say old friend, I literally mean that. Kaibigan siya ng mga magulang kong namayapa na. Good thing I was in legal age that time and starting to be a psychiatrist in a little hospital. Si Dr. Orene naman ang tumulong sa akin hanggang sa makarating ako sa hospital na pinagtratrabahuan ko ngayon. Siya rin ang naging gabay ko dahil nag-iisa lang akong anak at wala naman akong kinikilala pang ibang pamilya bukod sa mga magulang ko. And it's odd that he called today. Matagal tagal na rin kami hindi nakapag-usap dahil naging busy sa kaniya-kaniyang trabaho. At dagdag mo pa na sa ibang hospital ito nagtratrabaho. "Yes, are you busy or something? I just need to discuss something to you." I shrugged. "Well, I can always find time if it's really important." He sighed. "It is. Are you free tonight? Magkita tayo sa restaurant malapit diyan sa hospital niyo." Napakunot naman ako ng noo. "Wait, you're here? Kailan pa?" Tanong ko. Nasa syudad lang ang mental hospital na pinagtratrabahuan ko. At kung ikukumpara ito sa hospital na pinagtratrabahuan ni Dr. Orene, napakalayo talaga nito. Medyo may kalayuan din iyon sa mga taong naninirahan sa lugar doon at napakapribado talaga ang lugar na iyon. Isa iyon sa mga pinakasikat na mental hospital sa bansa. Minsan na rin ako nakapunta doon at masasabi mong may millliones ang mga nagpapagaling sa hospital na iyon. "Just a few days ago." He replied which made me frowned even more. "Sorry for not telling you. I'm here for work as well Elli. And you young man is involved in this work, so I need to see you later okay? I'll be there at 7, see you." Magsasalita pa sana ako nang bigla na ako nitong babaan ng telepono. I looked at my phone and sighed. Napasandal na lang ako sa inuupuan. Napatingin muli ako sa mga papeles. "So much work." I muttered. "Dr. Elli!" Napatingin naman ako sa nurse na biglang pumasok muli sa opisina ko. "'Yong pasyente po sa room 102 nagkakaroon po ng panic attack." Bahagya akong napahilamos ng mukha at agad na tumayo sa kinauupuan. Mabilis kaming lumabas sa opisina at tsaka nag-utos ng mga nurses sa dapat gawin. Nadaanan ko naman ang ilang doctor na nakakatrabaho ko na abala rin sa kani-kanilang mga pasyente. I know I've said that I love my work. But I honestly hate it sometimes. Especially when it becomes dramatically exhausting. --- "You look..." Panimula ni Dr. Orene nang makarating ako sa restaurant. "... haggard?" I frowned as I sat down in front of him. Kinuha ko naman ang juice na nasa harapan mo at ininom na lang iyon dahil sa uhaw na nararamdaman ko. "I seriously am." He warmly smiled. "It means you're doing great in your job." I also smile and shake my head. "Yeah, I guess so?" He chuckled as he called a waiter. "May gusto ka bang orderin." Tanong niya sa akin. "Anything would be okay." Maikling sagot ko at muling uminom ng juice. He nodded and stated our orders at the waiter. Nang makaalis na ito ay muling humarap sa akin si Dr. Orene na siyang agad kong tinanong. "So what seems to be the problem? At biglaan po ang pagpunta niyo rito." Panimula ko. Napabuntong hininga naman siya at pinagsiklop ang sariling mga kamay sa mesa bago tumingin sa akin nang diretso. "I have a work for you." My eyebrows furrowed together. I tilt my head a little before asking him again. "What kind of work?" "Tungkol lang din ito sa trabaho mo, kaya siguradong hindi ka naman mahihirapan." Then he paused. "Sana nga hindi." Dugtong niya na nakapagpatawa sa akin. "Okay?" I hesitantly said. "Can you give me more details about it?" He nodded then gently lean at the side. May kinuha itong suitcase tsaka ito binuksan. I patiently waited as he pulled out a folder. Nilapag naman niya iyon sa mesa at tinulak iyon papalapit sa akin. I reluctantly took it and opened it. Buong akala ko ay normal na papeles lang ito o kung ano pa man, ngunit isa itong impormasyon sa isang tao. "That's your new patient." Rinig kong sabi ng kaharap ko na agad kong ikinatingala. Tinignan ko lang siya ng ilang segundo bago muling magsalita. "So..." Panimula ko. "Where is he? Kailan siya ililipat sa---" "Nasa Gordon Mental Hospital siya." Pagputol niya sa akin. "And he won't be leaving there that's for sure. It's too risky to transfer him." Nilapag ko naman ang folder at sinandal ang magkabilang kamay roon. "And you're saying..." He nodded. "Yes, ikaw ang pupunta sa kaniya." I froze and try to process the whole thing. Nang magising na ako sa reyalidad ay doon na ako nakapag-react. "Ha? Pero bakit ako pa? You guys, in your hospital, has a lot of great doctors in there. Nandoon lang din naman siya, kaya bakit lalayo pa kayo para makahanap ng magpapagaling sa kaniya?" Is not that I'm complaining because of having a new patient, it just doesn't make any sense. Pwede rin naman si Dr. Orene na mismo ang magpagaling sa pasyenteng iyon dahil hindi mo maipagkakaila ang galing nito sa trabaho, kaya bakit kailangang puntahan pa ako rito para ipaalam sa akin ito? "You know you're the one who I trusted the most when it comes in this situation." He softly said. "At tsaka sinubukan na namin lahat, maraming doctor na ang tumingin sa pasyenteng ito." "Pero?" Paghingi ko ng katuloy sa sasabihin niya. "Unfortunately, it didn't end well. He's too strong and uncontrollable. Namomoblema pa kami minsan na kailangan pa ng mga security ang mga doctor niya bago siya kausapin ng kahit ilang minuto lang. He either plays with them or hurt them. And because of that, many of our doctors rejected the offer. Kahit na malaking halaga ang ibibigay sa kanila, pero takot pa rin talaga ang nangunguna." Then he sighed. "I also tried, but same result as everyone." I shiver. "So... Kung baga, ako naman ipapalapa niyo doon?" Biro ko na may kaunting halo ng katotohanan. Dr. Orene grimm. "You can put it that way if you want." I swallowed and I was about to say something again when our food has come. Nang maihanda na ang kakainin namin ay muling umalis ang waiter kaya napabalik kami sa usapan. "Pupunta ako doon para sa pasyenteng ito? Pero paano mga trabaho ko rito?" Tanong ko sa kaharap. "I already talked to your head doctor. Nakausap na rin niya ang head ng hospital. And they are willing to send you there. Ang mga trabaho at pasyenteng maiiwan mo ay ibibigay sa ibang mga doctor na kasama mo, so you don't have to worry. Kailangan mo lang ay mag-focus sa iisang pasyente lamang." Iisang pasyente? For the next days, weeks, months, or even years, my life will cycle with only that patient? Hindi naman ako umimik at napatingin na lamang ako sa folder na binigay niya sa akin. Kinuha ko muli iyon at binasa ang nilalaman nito. It's mostly about just some basic info about the patient. Too basic that it is enough to be mysterious. Kahit picture nito ay wala. "Cypher Infierno?" Basa ko sa pangalan ng pasyente. What the---? Hindi ko pa nakikilala 'yong tao pero pangalan pa lang parang alagad na ni Satanas. Who would have a surname Infierno? No offense if you have one though. Dr. Orene hummed in response. "That's him. As you noticed that our information about him is very limited." I nodded while still looking at the info. "Pero iyan lang talaga ang nakuha namin. You'll get to know him more if you meet him." I sighed. "What he's illness?" I asked as I gaze the doctor in front of me. "Schizophrenia." He grimmly answered. I groaned. "Dr. Orene, are you punishing me or something? Wala pa akong nahahawakang pasyente na ganiyan kalala ang sakit." He slightly smiled. "Well you have one now." I groaned exhaustedly again. Great. A patient with Schizophrenia? It's a very difficult illness. Ang there's no way how to prevent this except for treatment plans, which will be a challenge for sure. Hindi na nakakapagtaka kung bakit hirap na hirap sila sa pasyenteng ito. The illness can be unpredictable. Pero bakit ako pa talaga? Wala akong experience sa paghawak ng ganitong klaseng pasyente. I startled when I felt Dr. Orene held my hand. I looked at him as he soften his features to comfort me. "Pansamantala lang Elli. Hindi kita ipipilit hanggang dulo. Kapag may nangyareng masama o kapag sumuko ka na sa pasyenteng ito, hindi ako magdadalawang isip na pabalikin ka rito. But at least, just try. You're my only hope for this." I looked at those sincere eyes and I can't help but remember my parents. Kahit na nasa legal na edad na ako nang mawala sila, hindi ko pa rin maiwasan ang mangulila. But this man in front of me, help me achieve what I have right now. Siya rin ang dahilan kung bakit mas naging responsable at disiplina ako pagdating sa trabaho. Siya rin ang tumatayo kong magulang. Now tell me, how I can resist this man who entirely save my insanity. Damn it. I deeply sighed. "Fine, I accept the offer." He widely smiled and tightened his grip at my hands one last time before letting it go. "Thank you." Then he gestured the food and we started to have our dinner while still having the same discussion. "Many people will help you there Elli. Isa na ako doon kaya wala ka dapat masyadong ipag-alala. The hospital also provided you an apartment to stay in habang nandoon ka." Paalala muli niya. I slowly nodded as I shove a strip of steak in my mouth. I glanced again at the folder. "What does the patient look like?" Dr. Orene pause for a moment and drink the champagne he ordered before answering. "He might be look like your type." Then he grinned. I glared at him. "Tito Orene." I say warningly. Pero tinawanan lamang ako nito sa pinakita kong reaksyon na nakapagpairap sa akin. "Young man..." Natatawang turan niya sa akin. "It's been awhile since you called me 'Tito Orene'." I frowned as I ate another sliced steak. Minsan ko lang kasi tawagin si Tito--- argh, Dr. Orene na 'Tito'. I usually just call him that nickname when I'm serious or annoyed by him. Kahit naman may katandaan na ito ay nagfe-feeling bagets ito kung minsan. At lingid din sa kaalaman ng karamihan na hindi ako straight katulad ng iba regarding sa gender identity ko. Hindi naman ako open tungkol doon at hindi ko rin naman tinatago iyon. I just keep myself low-key and simple. "But seriously..." Muling sabi ni Dr. Orene kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya. "Baka mapalambot mo ang isang iyon katulad ng iba mong mga pasyente." At ngumisi nanaman ito. I groaned. "Yeah right." I just said which made him chuckled again. "Kaya nga kinuha kita eh. You usually can tame wild patients, might as well tame the beast." Isa sa mga nagiging bansag sa akin ng karamihan, kahit sino sa mga pasyente ko ay nagiging maamo pagdating daw sa akin. But I just make sure that my patients trust me. Katulad na lang ni Lolo Luppe dahil sa tiwala nito sa akin. At isa rin daw ang bonus sa pagkakaroon ko ng maamong mukha. I admit it, my features are too feminine, even my body. Hindi rin ako katangkaran, hindi katulad ng ibang mga lalakeng nakakasama ko sa trabaho. Kaya kadalasan ay napagkakamalan akong babae o 'di kaya ay tumatalon na sila sa konklusyon na isa akong binabae. Kaya sino ba ako na para itanggi iyon? Hindi pa ako nagsusuot ng kung anong pambabae ay napagkakamalan na mismo ako na babae? I have a fairly light skin tone. My whole face is literally small just like a girl. I have a chocolate brown eyes, button nose, and round lips. Argh. It's mostly an disadvantage to be honest. Lalo na noon ay suki ako ng bullying at harassment sa paaralan. But good thing I survived those kind of stuffs. Nang magsimula na akong magtrabaho at nakita ng mga tao ang sipag ko, I able to gain their respect. But however some were still trying to hook up with me, which I mostly avoid it. It's not that, I don't want to have a happy love life or something, but I believe that it is too early for me? Yeah right self, you're already 26 years old, and still not ready to be in a relationship? Well, I guess I just haven't found someone that catches my attention yet. Therefore I'll just concentrate on my work to have a better life. "You may start packing your stuffs." Sabi ni Dr. Orene nang makasakay na kami sa sasakyan niya. Nagpresinta kasi ito na ihatid ako nang matapos kami kumain. "Sa makalawa ay aalis na rin tayo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. "Huh? Agad agad?" He raised an eyebrow to me. "Yes young man. Since the head of the hospital already approved to it, I think there's no more reason to stay here any longer." Then he started the engine of the car and start to drive. "If you're worrying about your work, you still have time for that tomorrow." I sighed and nodded. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Habang tulala ang diwa ko sa daan ay 'di ko maiwasang maalala muli ang pangalan ng bago kong pasyente. Cypher Infierno Napasimangot ako nang makaramdam ako ng kilabot sa pangalang iyon. Just by the name itself, he seems scary? No. More like dangerous I should say. Tame the beast huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD