Chapter Three

4397 Words
"My rabbit?" Takang sabi ko ng i-translate ko sa internet ang sinabi ng pasyente ko kanina. Pagkauwi na pagkauwi ko sa tinitirahan kong apartment, agad ko hinanap ang ibig sabihin nito. At halos lumukot pa ang mukha ko sa sobrang pagkasimangot nang mahanap ko ang ibig sabihin nito. "Gawin daw ba naman akong kuneho." Bulong ko sa sarili at napasandal sa inuupuan habang pinagmamasdan ang translation sa laptop ko. It's French. Impressive, kung sa bagay ay mukha nga itong may lahi. Tsaka hindi ko pa natatanong kela Dr. Orene kung ano nga ba ang nationality ng isang iyon. Limitado lang din kasi talaga ang mga impormasyon tungkol sa kaniya. Argh, ang hirap naman nito. Napatayo na ako sa inuupuan at pumunta sa banyo para makapaglinis na ng katawan. Hindi ko naman maiwasang tignan ang sarili sa salamin nang biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi sa akin ng pasyente. "Mon lapin." I frowned while looking at myself. I have a light skin tone, though it is not as porcelain as Cypher's, then I have soft features, unlike his strong and manly features, then I just have plain brown irises, unlike his stormy gray eyes that seems to hypnotize those who have the guts to look at it. At ito ako na parang isang creeper na ini-imagine ang mukha ng isang lalake. Damn it, bakit ba parang akit na akit ako sa kaniya? Argh, my goodness, hell no! Mariin naman ako napailing at muling tinitigan ang sarili sa salamin. "Why did he call me a rabbit? Mukha naman akong tao kahit maliit ako ah." I frowned and shake my head. I'm being crazy. Agad na ako nakapaghubad ng damit bago ilublob ang sarili sa maligamgam na tubig sa bathtub. A contented sighed came out from my mouth. Napasandal na lang ako at inabot ang scrub tsaka marahang nililinisan ang sarili. Habang pinapahiran ang katawan, hindi maiwasang madaanan ng mga daliri ko ang peklat sa tagiliran ko na hanggang ngayon tandang tanda ko pa rin ang kadahilanan ng bakas nito. "Umalis ka na Elli, nandito na sila!" "Pero ma, paano kayo ni pa---" "UMALIS KA NA SABI!" Agad naman ako napabalikwas nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko sa sahig na katabi ng tub. Napahinga ako nang malalim at naghilamos pa muna para tuluyang magising sa reyalidad. Pinunasan ko muna ang isang kamay ko sa tuyong twalya tsaka sinagot ang tawag. "Hello?" I greeted habang pinipindot ang loudspeaker sa phone ko. "Elli, kamusta? Balita ko ay nagkita na kayo ni Cypher?" Rinig kong bungad sa akin ni Dr. Orene. "Medyo maayos naman po." Sagot ko habang tinatapos ang paglilinis sa katawan. "Buo pa naman ako nakauwi. Tsaka hindi pa ako pumapasok sa kwarto niya. Mahirap na, baka pag-apak ko pa lang, kamao na pambati niya sa akin." I heard him chuckled. "Make sense. What are you exactly planning to him anyway?" "Well, first..." Panimula ko habang dine-drain ang tubig sa tub nang matapos na ako sa paglilinis ng katawan. "I'll try to be close to him, pero sa ngayon ay sasanayin ko muna siya sa presensiya ko without walking in his room." I heard him hummed. "I think that seems to be a great move. So that at least he will be aware of you and he'll connect with you, but in the good way." Nagpatuloy lang ang usapan namin hanggang sa nakabihis na ako at muling naupo sa study table ko. Agad nanamang nahagip ng mata ko ang translation na nandoon. "Dr. Orene..." I called and he hummed as a response. "Is Cypher French?" "French? Why do you ask?" I blushed, there is no way on Mother Earth that I'm going to tell exactly why. "Nothing?" Panimula ko habang kinakagat ang ibabang labi ko at diretsong nakatingin sa laptop. "Just his... features." Palusot ko. "He does look like a foreigner right?" Panimula niya. Napatango naman ako kahit hindi niya ito nakikita. "We don't really know that to be honest. Kung ano lang ang nabigay ko at ng hospital sa'yo tungkol sa kaniya, ay iyon lang din ang alam namin." I sighed. "Sino naman nagpadala sa kaniya doon?" "It was just his Butler." Napataas naman ang kilay ko. Butler? Woah, may pa gano'n? High-class ang datingan gano'n? Kung sabagay 'yong itsura naman niya kasi pang royalty--- Yep, I didn't say anything. Pagkatapos ng ilan pang usapan ay nagpaalam na si Dr. Orene sa akin. Nang maibaba ko na ang phone, buong isipan ko ay okyupado ng mga salitang nasa laptop ko. "Mon lapin." Napapikit naman ako at todong pag-iling pa ang ginawa ko nang pumasok nanaman sa isipan ko ang mukha ng lalake habang sinasabi ang mga katagang iyon. Minulat ko na ang mga mata ko at agad na lumapit sa laptop. "B-e-a-s-t." Great I'm being childish. Talagang hinahanap ko ang translation nito. But it's not like that I'm going to use it to him. He's my patient, maybe I'll just call him this in mind. And I am deeply sorry in advance Lord if I curse someone in mind. "Bête." Okay? "Beautiful bea---" Okay I'll just stop here. This makes no sense. Kailan pa ako naging interesado sa French? At tsaka to the fact na sa Google lang ako nagpapaturo. Argh, pathetic me. Agad ko binalik ang windows sa translation ng Mon lapin. At ilang minuto ko pa tinitigan iyon bago ito i-delete at patayin ang laptop. Sumampa na ako sa kama at humilata na para matulog. Pero bago pa ako tuluyang lamunin ng kadiliman, isang ngisi ng lalake ang tumatak sa isipan ko. It's like a cheshire grin, which will make anyone pissed themselves because you can totally sense the evilness in it. But for me, it seems to be the most attracting thing that I've ever seen. --- "Have you already dose him with his medicine?" Tanong ko sa nurse na katabi ko habang tinitignan ang schedules ng mga gamot ni Cypher. "Yes Dr. Elli. But we used a lot of security guards earlier just to dose him." Sagot nito. Palihim naman akong napangiwi sa nalaman tsaka binigay ang schedules sa kaniya. "Sige, salamat. Please pakihanda pa ulit ang mga securities para sa medicine niya sa susunod kung kinakailangan. Hindi naman magtatagal, I'll be giving him the medicine soon myself." Medyo nagulat pa ang nurse sa sinabi ko, dahil siguro ngayon niya lang iyon narinig sa isang doctor na may hawak sa pasyenteng kinakatakutan ng lahat. Pero agad na itong tumango at nagpaalam sa akin. "You seem to be doing good in your job here." Napalingon naman ako sa taong nagsalita. "Dra. Della." I greeted with a smile. She smiled back and walked closer to me. "How's everything?" "Wala pa naman pong masyadong ganap pero magkikita ho ulit kami ni Cypher mamaya." Magalang na sabi ko rito. She nodded. "That guy is kinda difficult to handle." "Naging pasyente niyo na rin po ba siya?" Tanong ko habang sinabayan na lang siya sa paglalakad. Umiling naman ito sa akin. "Never got the chance. And I think you knew why?" She meaningful asked, which made me kinda blush when I remember exactly why the hospital didn't allowed and women doctors to handle him. Naalala ko ring nasabi sa akin ni Dr. Orene na kahit may edad na ang doktora ay hindi pa rin nila pinapayagang ipahandle si Cypher, dahil baka saktan naman niya ang mga 'to. Damn, alam ko naman ang atraksyon na taglay ng pasyente pero ganoon ba talaga kalakas ang epekto nito para mawalan ng lisensya ang doktorang humawak sa kaniya? "Besides, nagvolunteer na lang din ako na asikasuhin ang mga kakailanganin niyang gamot. Medyo kilala ko naman ang pasyenteng iyon bago siya pumasok dito." Tinignan ko naman siya. "Kilala? Edi ibig sabihin po ba nito..." I hesitantly said. "...may alam pa po kayo sa kaniya kesa sa mga impormasyon tungkol sa kaniya na nandito sa hospital?" She slightly nodded. "Yes but not too much." Lumingon naman siya sa akin at nginitian ako. "You can ask me anything about him. Susubukan kong sagutin lahat." Napalunok naman ako at napahinga ng malalim. At least magkakaroon ako ng ilan pang kaalaman patungkol kay Cypher. "May lahi po ba siyang Pranses?" She hummed but not in agreement, it's more like she was thinking about it. "Sa totoo lang ay hindi ko rin alam gaano ang buong pagkatao niya, like his nationality for example. Pero alam ko na isa siya sa mga matatalinong tao na nakilala ko." I tilt my head in curiosity. "I assumed that he spoke French to you, right?" Napakamot naman ako sa likod ng ulo ko habang naalala ang mga katagang sinabi nito. "Medyo po." Napatango naman siya. "Other than French, may iba pa siyang lenggwahe kayang bigkasin. He can speak Hangul, Spanish, Dutch, Italian..." And the list went on. Ako naman ay napanganga lang sa nalaman. Grabe, dinaig pa ng lalakeng 'yon si Jose Rizal? "... English and, of course you don't have to worry too much, he also speaks Filipino." I sighed in relief. Mabuti na lang at naawa pa iyon sa akin na magtira ng dalawang lenggwaheng alam ko bigkasin. Habang naglalakad kami tuloy lang ang pagkwekwento ni Dr. Della na maaari raw makatulong sa pagkuha ko ng tiwala ni Cypher. Saktong pagdating namin sa hardin ng Hospital ay tinawag na siya ng isang nurse at tsaka na ito nagpaalam sa akin. Bumalik na rin ako sa loob at tinignan ang orasan. Kakatapos lang ng lunch ng mga pasyente, napahinga naman ako ng malalim para ihanda na ang sarili. Lalakad na sana ako palapit sa nurse counter nang makasalubong ko si Nesson at tinatawag ako nito. "Doc Elli." Nahihiyang tawag nito. I smiled. "May maitutulong ba ako sa'yo Nesson?" Napaangat naman siya ng tingin at para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko na siya namang ipinagtaka ko. "N-Naaalala niyo ho pangalan ko?" Mahina akong natawa sa reaksyon niya. "Oo naman, kakakilala lang natin kahapon paano ko makakalimutan 'yon?" He timidly nod. Napailing na lang ako sa ka-cute-an na taglay nito. "Nga pala, may kailangan ka ba?" Parang nagising naman siya sa reyalidad. "Ay opo. A-Ahhmm tawag po kayo ni Dr. Orene sa main lobby." Tumango naman ako at nagpasalamat sa kaniya. Aalis na sana ako ng muli niya akong tawagin. "T-Tsaka, may ipapagawa po ba kayo? Ako na lang ho gagawa. Nakita ko po kasi na pupunta kayong Nurse's Counter." Nahihiyang dagdag nito. "Sure ka? Hindi ka ba busy?" Naninigurong tanong ko rito. Sunod sunod naman ang pag-iling niya at pagsabi na hindi ko naman daw siya inaabala. I nodded then started to instruct him what to do. "Magdala kayo ng dalawang upuan sa tapat ng glass window. Isa sa labas at isa sa loob ng kwarto ni Cypher. Tapos mag lagay din kayo ng board marker at eraser. And please hangga't maaari 'yong hindi matulis na pangsulat, okay?" Nagtaka naman ito sa sinabi ko sa kaniya pero agad na lang siya tumango at nagtanong pa kung iyon lang daw ba ang kailangan ko. "Iyon lang naman. Salamat." Sabi ko rito tsaka na umalis papunta sa main lobby. Agad ko namang nakita roon si Dr. Orene na may kausap na isang may edad na lalake. Nagawi ang atensyon nila sa akin. "Dr. Elli." Tawag sa akin ng isa habang nanatili lang nakamasid ang bagong mukha. Lumapit naman ako sa kanila at umupo sa tabi ni Dr. Orene. "This is Mr. Permento." Pagpapakilala niya sa kasama. Naglahad naman ito ng kamay at magalang ko namang inabot iyon para makipag-shake hands. "Siya 'yong sinasabi ko sa'yong Butler ni Cypher." Dagdag niya pa. Medyo nanlaki pa ang mga mata ko ngunit agad din naman ako nakabawi. "Nice meeting you po. Ako po si Dr. Elliott Javez." Tumango ito nang mabitawan na niya ang kamay ko. "I've already heard about you Dr. Elli. Ikaw raw ang bagong doctor na hahawak kay Master Cypher." Kahit na nakakaintimida itong tignan, may magalang na tono naman iyon tuwing nagsasalita na kahit papaano ay naibsan ang bigat ko sa loob. Siguro ay ganiyan din siya magsalita sa 'Master' niya kahit na nagwawala 'to. The thought made me shudder. "Hope you take care of my Master." Ngiting sabi nito at tumayo na para magpaalam. Hindi na rin daw siya magtatagal at pagbisita lang naman sa kaniyang amo ang ginawa niya rito. Nang tuluyan na ito makaalis tsaka na ako nambato ng tanong kay Dr. Orene. "Gaano ba kayaman si Cypher?" I asked out of curiosity. Dr. Orene shrugged. "Let's say he's a billionaire." Panghuhula lang niya tsaka naglakad papaalis sa main lobby. Hinabol ko naman ito ng lakad. "Where his family?" Sasagot na sana ito nang maistorbo siya ng isang nurse. "Dr. Orene, nandito na po 'yong mga guardians ng patient sa room 105." Tumango naman ang kasama ko rito. "Sige susunod na ako." Tumango din ang nurse at binati pa ako nito na sinuklian ko lang ng ngiti tsaka na ito umalis. Lumingon na muli sa akin si Dr. Orene. "We don't really know either. Maybe if he's comfortable with you, you'll be able to get the answers you want." Simpleng sabi nito at tinapik pa ang balikat ko bago lumakad palayo sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at tinignan ang orasan. "It's time." Bulong ko sa sarili at kasabay no'n ang pagtalon talon ng puso ko. --- "Dr. Elli, may ipapagawa pa po ba kayo?" Bungad sa akin ni Nesson nang makasalubong ko siya kasama ang ibang nurse at ilang securities. Napangiwi na lamang ulit ako sa dami ng kasama niya para lang makapaglagay ng upuan at marker sa loob ng kwarto ng pasyente. Binigyan ko naman sila ng ngiti. "Wala na, ako na bahala rito. Tatawagin ko na lang kayo kapag kailangan. Salamat." Sabi ko sa kanila. Kita ko pa na parang gusto pa manatili si Nesson ngunit agad na siyang hinila ng mga co-nurses niya at tila inaasar pa nila ito sa akin. Napailing na lang ako habang tinatahak ang daan papunta sa silid ng pasyente ko. Bawat pagtapak ko papalapit doon, hindi ko nanaman maiwasan ang kabahan pero kasabay din no'n ang pananabik na makita muli ang lalake. Eh? Ano bang nangyayare sa akin? Napabuga na lang ako ng hininga at kinalma ang sarili. Sa hindi kalayuan, kita ko na ang kwarto ni Cypher. Ngunit patay nanaman ang ilaw nito na nakapagpasimangot sa akin. Gugulatin nanaman ba ako nito? Nang makalapit na ako sa glass window ay napakapit na muna ako sa sandalan ng upuan na nasa tapat nito at hinihintay na bumukas ang ilaw. Mas lalo namang lumalim ang pagsimangot ko nang hindi pa rin lumiliwanag ang silid. Paabuntong hininga kong kinuha ang marker at eraser sa ibabaw ng upuan bago umupo rito. Ilang minuto na ako nandito pero hindi pa rin nagbubukas ang ilaw sa loob. Kagat labi kong kinatok ang bintana at ilang saglit lang ay lumiwanag na ang kwarto. Ngunit wala akong nakitang Cypher sa loob. Tanging mga gamit lang sa loob at isang upuan na katapat ko na may marker at eraser din sa ibabaw ang nandoon. Saktong pagtayo ko para sana silipin pang maigi ang kwarto ay namatay muli ang ilaw. At sa hindi katagalan ay lumiwanag muli ito. I yelped and immediately backed away when I saw Cypher's face in just same level as mine. Dahil sa biglaan kong pag-atras, nakalimutan ko na may upuan ako sa likuran kaya aksidente ang biglaan kong pag-upo rito. Napangiwi naman ako sa sakit dahil sa lakas ng impact ng pagkakaupo ko. Kita ko naman ang pasyente ko na ngayo'y tawa ng tawa habang nakaupo na rin sa upuan niya. I frowned at his happy reaction. Kung hindi lang gwapo 'to--- nevermind. Hinintay ko naman siya matapos tumawa bago inilapit ang upuan sa glass window. Ganoon din ang ginawa niya na para bang may pang-aasar pa na nakaukit sa pagmumukha. Gusto ko sana 'tong irapan, but I have to remind myself that I'm a doctor here and he's my patient. Prente na itong nakaupo sa inuupuan. Ako lang ba o nakakaintimida talaga ang lalakeng ito. Kahit sa pag-upo pa nga lang niya ay parang masasabi mo na karespe-respeto siyang tao. Like he has this some kind of power beneath him, even though he's just wearing a plain white shirt and sweat shorts. Napatingin naman ako sa mga mata niya, siguro iyon ang dahilan kung bakit parang bang malakas at nakakatakot ang awra nito. Parang bang gusto mo na lang magtago sa dilim but at the same time keep looking at those stormy gray eyes. Napansin ko na wala na ang ngisi nito at napalitan ng seryosong mukha. He instantly change his mood that quick. Ganito siguro ang taglay ng sakit niya. I took a deep breath and closed my eyes. I try to meditate to calm down myself and turn my doctor mood on. Nang masiguro kong makakapagsimula na ako sa session namin, ay binuksan ko na ang mga mata ko. Mon lapin. 'Yan agad ang bumungad sa akin pagkamulat na pagkamulat ko. Hindi ko na namalayan na may naisulat na pala siya sa bintana habang kinukuha ko ang konsentrasyon sa sarili. Hindi ko maiwasan ang mapasimangot sa sinulat niya. Pero hindi ko na lamang iyon pinansin at nagsimula na ring magsulat sa bintana. Hi. My name is Dr. Elliott Javez. He stared at it for a moment. Nilipat naman niya muli ang tingin sa akin at tsaka ako nginisian. Lumukot naman ang mukha ko sa reaksyon na nakuha ko. Binura naman niya ang sinulat niya kanina tsaka ito muling nagsulat. Cypher. I nodded then reply. Nice to meet you Cypher. His smirk turned into a cheshire grin, just like in my dreams. It makes me shiver for some reason. Likewise, mon lapin. Napasimangot nanaman ako sa tinawag niya sa akin. Like really, rabbit? At hindi lang 'yon, he's rabbit pa nga raw. Argh. I took a deep sigh and wrote... It's Dr. Elli or Elli for you Mister. Tinaasan naman niya ako ng kilay. Sounds like a rabbit to me. Ako naman ang napataas ang kilay sa sinabi niya. Magsusulat na sana ako nang itaas niya ang hintuturo niya at marahang winagayway ito na parang sinasabi na huwag muna ako magsusulat ng kung ano. I didn't move and wait for him to write something. You don't like being called like that? How about honey? Sweetheart? Kumunot ang noo ko sa mga sinusulat niya. What the---? Babe? Baby? It suits you. Then he gave me a wink. Kahit dama ko ang pag-init ng mukha ko, hindi ko naman maiwasan ang magtaray sa mga sinasabi niya sa akin. Great, I have a playboy of a patient. Akala ko noong estudyante days lang ako makaka-encounter ng ganito, hanggang dito ba naman sa trabaho. Just Elli. I replied then he looked at it for a moment. Nilagay naman niya ang kamay niya sa baba niya at tumingin pa sa itaas na tila parang nag-iisip pa. But for all we know, nang-aasar lang ito. Tumingin ulit siya sa akin at sa sinulat ko. Then he put an X in what I just wrote. So Baby, mind joining me here inside? Napasimangot na lang ako sa sinulat niya. I erased everything in the glass window then wrote... Why do you call me Mon lapin? Pagbabago ko ng usapan. Nagkibit balikat siya at binura ang sinulat niya kanina. Lumapit pa siya lalo sa bintana at nagsimula ulit magsulat. But to my surprise, hindi siya nagsulat ng kung ano. He just simply draw, an easy kind of drawing, a rabbit. Kumunot naman ang noo ko sa ginagawa niya. Tinaas naman niya ang kamay na nagsasabing maghintay lamang ako. Nang matapos siya sa pagguhit, he labeled every part of it. Eyes ----> Big and bright Nose ----> Cute button nose Lips ----> Plump round sexy lips Napakagat labi naman ako para pigilan ang pagngiti sa mga sinulat niya. Does a rabbit have plump round sexy lips? He shrugged. You have. Then he smirked. Habang ako ay tuluyan nang natawa ng mahina sa kalokohan niya. And plus the overall innocence you have that makes the beast inside me hungry. Napatigil ako sa dinagdag niya. Ramdam ko na talaga ang pag-init ng buong mukha ko sa nabasa. The hell is this guy? Argh. Now, we're cool. Come inside. Yaya niya na nakapagpailing sa akin not because of objection, but because of his behavior. It's like he's luring me to enter his room by his flirtiness. I may look like a rabbit for you. But I'm good at keeping myself away from traps. As he read my reply, he just laugh again. He looked at me amusingly which made my face even redder. I cannot believe myself. How can I be this affected? Feisty. Then wrote... I like it babe. Can't wait to ravish you. My eyes got big as I look at him. He just gave me a wink then stare at my whole being. --- "So, how is it?" Tanong ni Dr. Orene habang nagbrebreakfast kami sa cafeteria ng hospital. I deeply sighed habang tinutusok tusok ko lang ng tinidor ang pancakes na nasa harapan ko. "Not okay." I lazily answered. He suddenly halt from eating. He put his utensils down and put his full attention to me. "At bakit naman? Is he being violent to you?" Mas lalo naman ako napabuntong hininga sabay napanguso habang kumukuha ng hati sa pancake. "Sana nga gano'n na lang eh. It's already been a week, pero..." Sabay subo sa pagkain. "Patagal nang patagal, palandi nang palandi." I murmured. Imbes na bigyan ako ng comfort ng kasama ko, ay tinawanan lang ako nito at nagpatuloy na lamang sa kinakain na parang wala lang sa kaniya ang mga hinanaing ko. "At least you got his attention. That's a progress right there young man." I groaned. "Everytime I try to communicate with him like what a professional psychiatrist would do, he'll just counterattack a flirty reply." Then I stressfully eat my food. "And he keeps calling me names!" Tinaasan naman ako ng kilay ng kaharap ko. "Such as?" I felt my face got hot. "Basta, names." Sabi ko sabay subo muli ng pagkain. He sighed. "Then don't be a professional doctor to him." I looked at him. "What do you mean?" "Tame him Dr. Elli." He just shortly said. Magsasalita na sana ako nang tumayo na siya sa kinauupuan dala ang tray niya. "I'll go first at may mga appointments pa ako dapat ayusin." He said then pat my shoulder before totally leaving me hanging. Napanguso naman ako sa sinabi nito. Tame him? That seems to be my job in the first place, pero paano mo ba paaamuhin ang malanding tao? Argh. Inubos ko na ang breakfast ko tsaka na tumayo at dinala ang tray sa counter ng cafeteria. Pinasalamatan ko naman ang mga tao doon na siya namang ikinagalak nila. Habang papalakad sa isang hallway ay sakto namang nakita ko si Dr. Della. I was about to approach her to ask something when she entered to a room. Out of pure curiosity, lumapit ako sa kwartong iyon. Tinignan ko naman ang sign sa pintuan... Pharmacy Storage Kita kong medyo nakaawang pa ang pintuan at marahan naman akong sumilip sa loob. Goodness, I'm looking like a spy here. Ilang saglit lang ay hindi ko masyadong mahagip si Dr. Della, pero ilang segundo lang ay nakita ko na siyang may inabot na isang lagayan ng gamot. Kinuha niya ang isang container at tinignan ang nakasulat doon. Napakunot noo naman ako nang buksan niya iyon at tinanggal lahat ng laman nito. May kinuha naman siyang container sa bulsa niya at ang laman no'n ang nilagay niya sa isa. Habang ang hawak niyang mga pills at nilipat niya sa container na pagmamay-ari niya. Inayos na niya ang mga ginalaw niya at tsaka na ito lumapit sa pintuan. Habang ako ay agad na lumayo at prenteng naglakad sa direksyong pinanggalingan ko na parang bang napadaan lamang ako. Nang makailang hakbang na ako, napatingin ako sa likod at nakita ko naman ang nagmamadaling Dr. Della paalis sa hallway. Agad ko ulit nilapitan ang kwarto at pumasok doon. Tinignan ko ang gamot na nakita kong ginalaw niya at kinuha iyon. Isa itong medicine container na may room number na nakalagay. Room 666 Kumunot naman ang noo ko nang makita ang room number. It seems, familiar? "Dr. Elli?" Gulat naman akong napatingin sa nurse na nasa pintuan. "A-Ah yes?" Tanong ko habang nilapag na ang hawak ko. Pumasok naman ito kasama ang iba pang mga nurse. "Kukunin lang po namin 'yong gamot na iinumin ni Sir Cypher." Napatango naman ako at umatras. Agad naman sila nagsikilos at ang isang nurse ay kinuha ang lalagyanan na hawak ko kanina. Then it suddenly hit me. "Teka lang isusulat ko lang ang floor at room number ni Cypher para hindi mo makalimutan." Sabi ni Dr. Herman at kumuha siya ng maliit na papel at pinagsulatan iyon. Agad naman niyang binigay sa akin ang papel tsaka ko binasa ang nakasulat doon. Floor 13 Room 666 I held the nurse's shoulder. "Paano niyo ipapainom sa kaniya 'yang mga 'yan?" "Ihahalo po sa pagkain. Ayaw po kasi ni Sir Cypher na binibigyan po namin siya ng gamot. Itatapon lang ho niya iyon o hindi papansinin. Kaya po ini-inject or hinahalo namin sa pagkain ang mga gamot niya." Pagpapaliwanag ng nurse. Marahan naman akong tumango at binitawan siya tsaka na sila nagpaalam sa akin. Hindi nagtagal nang makalabas sila ay lumabas na rin ako sa kwarto at naglakad lakad na muli habang umiikot ang isipan ko sa nakita ko kanina. It seems that Dr. Della change the medicine of the patients or only Cypher's medicine? Or I don't know what the hell did she do? Pero bakit? "Besides, nagvolunteer na lang din ako na asikasuhin ang mga kakailanganin niyang gamot." I got out of my thoughts when someone bumped me. Humingi naman ako ng paumanhin dito at napaangat ako ng tingin. "Mr. Permento." I called. "Dr. Elli." Bati nito pabalik. "Wha---" "Mr. Permento you forgot--- oh Dr. Elli." Putol ni Dr. Della sa sasabihin niya sana nang makita ako. I smiled then excused myself to them timidly. As I walked a few steps, I slightly turned to their direction. Nakita ko naman parang may inabot ang doktora sa may edad na lalake. It's a clear plastic bag with the container that I saw Dr. Della holding earlier in the Pharmacy Storage.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD